You are on page 1of 2

CATCH-UP FRIDAYS GABAY SA PAGTUTURO

Catch-up Subject: Pagbasa sa Filipino Grade Level: 8


Quarterly Theme: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Date: March 15, 2024
Kultura at Panitikang Popular/Kahusayan
Sub-theme: Pagpapayamang Gawain: Duration: 40 minutes
Kampanya Tungo sa Panlipunang
Kamalayan, Tulay sa Kamalayang
Pangkultura at Panlipunan
Session Title: Kontemporaryong Panradyo Subject and Time: Filipino 8
Tomas Pinpin
Session Objectives:
Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon
ng kausap.

References: K to 12 Basic Education Curriculum


Bukal ng mga Kasanayan sa Filipino
(Wika at Pagbasa)
Materials: PowerPoint Presentation

Components Duration Activities


Activity 15 mins Basahin ang balita. Pumili ng dalawang pahayag na nagsasaad ng
katotohanan at pagkatapos bumuo ng iyong hinuha, opinyon, at personal
na interpretasyon tungkol dito. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Katotohanan: _________________________________________
____________________________________________________

Hinuha: ______________________________________________
____________________________________________________

Opinyon: _____________________________________________
____________________________________________________
Personal na Interpretasyon: ______________________________
____________________________________________________

Pagsasaka ng mga taga-Agusan


mas pinadali sa pamamagitan
ng rice mechanization equipment

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 24 (PIA) -- Umabot sa P42.38 Milyong


halaga ng rice mechnization equipment ang kabuoang natanggap ng mga
magsasaka sa probinsya ng Agusan del Norte na nakatulong upang mapadali
ang kanilang pagsasaka.

Aminado si Nicolas Licuna, ang presidente ng Sayadion-Cuyago Irrigators


Association Incorporated ng Jabonga, Agusan del Norte na malaki ang tulong
ng Rice Tarrification Law sa kanilang mga magsasaka.

Malaki ang pasalamat ni Licuna sa gobyerno dahil sa pamamagitan ng rice


mechanization equipment,bababa ang kanilang gastos sa pagsasaka at tataas pa
ang kanilang kita.

Labing limang (15) kooperatiba ng mga magsasaka sa Agusan del Norte at


Butuan City ang nakatanggap ng intervention mula sa Department of
Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and
Mechanization o PhilMech.

Page 1 of 2
CATCH-UP FRIDAYS GABAY SA PAGTUTURO

Kabilang sa mga natanggap na makinaryas ang four-wheel tractors, hand


tractors, floating tillers, combine harvesters, behaind transplanters, riding-type
transplanters, at precision seeder.

Maliban sa pinadali at mas mataas na ani sa mas mababang gasto, kikita din
ang mga kooperatiba dahil sa renta ng mga makinaryas na kanilang natanggap,
ayon kay DA Caraga Regional Director Abel James Montegudo, ang rice tariff
revenues ay malaking tulong upang maiangat ang kalagayan ng mga
magsasaka sa bansa. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

- Ulat ni Nora C. Lanuza,


Philippine Information Agency, Pebrero 24, 2021

Gamit ang fishbone organizer, magtala ng mga positibong epekto at


negatibong epekto ng paghahayag ng opinyon lalo na social media tulad
ng facebook at twitter.

Reflection 15 mins

Sa pagpapahayag ng katotohanan, ginagamitan ito ng mga salita gaya ng


batay sa, pinatutunayan ni, mababasa sa, at iba pa. Samantala sa
Wrap Up 10 mins
pagpapahayag ng isang opinyon, ginagamitan ito ng mga salita gaya ng sa
aking palagay, sa nakikita ko, sa aking pakiwari, at iba pa.
Inihanda ni:

Jayson T. Sarmiento
SPET I-Filipino

Iniwasto ni:

Ma. Glenda P. Dela Fuente


Education Program Specialist II

Pinagtibay ni:

Atty. Bryan M. Santos, J.D., CESE


Director II
Deputy Director for Students and Academic Affairs

Page 2 of 2

You might also like