You are on page 1of 7

GRADE 2 - Ikaapat na Markahan: Pamumuhay sa Komunidad

ARALIN 6.2 KAHALAGAHAN NG PAGTUTULUNGAN SA PAGLUTAS SA MGA


SULIRANING NG KOMUNIDAD

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagtutulungan sa paglutas sa mga
suliraning ng komunidad. (AP2PKK-IVg-j-6)
2. Nakapagsisimula ng mga gawaing nakakatulong sa paglutas ng mga
suliraning pangkomunidad.

II. Mga Gawain

Basahin natin ang kwento at sagutin ang gawain sa baba nito.

Mainit na Pangyayari
Ni Raymund Ll. Ordan

Araw ng linggo, maraming mga bata ang naglalaro sa plasa nang biglang
tumunog ang sirena na nanggagaling sa isang sasakyan.

“Ano kaya iyon?” nangangambang tanong ni Susan sa kanyang kaibigang si


Ana. “Tanungin natin si nanay,” sabi ni Ana. “Nanay, nanay, bakit ang daming taong
tumatakbo?” tanong ni Ana sa kaniyang ina. “Ah, iyon ba? Dumating kasi ang
ambulansya. Si Mang Tomas ay inatake sa puso dahil sa init ng panahon. Tumawag
ng ambulansiya ang barangay para madala siya sa ospital,” sabi ni nanay.
“Naku, grabe na talaga pala ang panahon ngayon,” wika ni Susan.
“Sinabi ng mga scientists malaki ang mga pagbabago sa mundo at ito ay
nakaapekto sa lahat ng nasa mundo. Maraming lugar ang patuloy na lumalamig ang
klima at may mga lugar naman na patuloy na umiinit. Maraming tao ang hindi
naniniwala na ito ay dahil sa kagagawan ng tao.” dugtong ni Ana.
“Alam niyo rin ba mga bata na sa kasalukuyang panahon, milyon-milyon na
behikulo at makina ang ginagawa. Maraming artipisyal na produkto ang nayayari na
nakadaragdag sa basura. Komportable ang mga tao na gumamit ng mga bagay na
nakadaragdag sa greenhouse gases (GHGs) na nakapagpapainit sa mundo”,
dagdag pa ni nanay.
Tanong:
1. Ano ang mainit na pangyayari?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Tama ba ang serbisyo na naibigay ng komunidad?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawin Natin:
Iguhit ang kung tama ang serbisyo ng komunidad at kung mali.
_____1. Pagbibigay ng libreng konsultasyon at gamot sa may sakit.
_____2. Pagpapanukala ng mga ordinansa sa pagtitipid ng tubig at kuryente.
_____3. Pangangalaga sa mga puno, halaman at hayop ng komunidad.
_____4. Paglilinis ng mga kanal at ilog sa komunidad.
_____5. Pagbibigay ng libreng feeding sa mga bata ng barangay.

Isa sa ating tulong sa komunidad ay ang mga gawain upang maibsan ang init
ng mundo na ating nararamdaman. Makikita sa mga larawan ang mga
nakapagpapainit ng mundo. Bilugan natin ang mga ito.

Ito ay ang komunidad nina Susan at Ana.


Ito ang mga gamit sa bahay ni Ana.

Ipinakikita sa mga larawan sa ibaba ang mga paraan para makatulong sa


pagbabawas ng pag-init ng mundo. Pagkabitin ang mga paraan sa hanay A at mga
larawan sa hanay B.

A B

1. Pangangalaga ng puno

2. Bawasan ang mga paggamit ng


mga sasakyan. Maaaring maglakad
kung malapit lang ang pupuntahan.

3. Ugaliin ang pag-off ng ilaw kung


hindi ito ginagamit.
4. Alisin sa saksak ang mga
kagamitan pagkatapos gamitin.

5. Palitan ang mga lumang


bombilya ng energy-saving na ilaw.

6. Bawasan ang paggamit ng mga


sasakyan. Magbisikleta na lang.

7. Pagtanim ng mga puno.

Alin sa mga gamit na ito ang mayroon sa bahay ninyo? Kulayan ng pula ang mga
gamit na hindi dapat gamitin palagi.
May mga nagagawa ka ba na nakakadagdag sa pag-init ng mundo?Ilista ang mga
ito.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ang pag-init ng mundo ay tumutukoy sa pagbabago sa normal na


pangkalahatang temperatura ng daigdig. Ito ay nagdudulot ng maraming
masamang epekto. Ang pagtutulungan sa komunidad ay mahalaga upang
mabawasan ang epekto nito.
Punan ang mga aykon ng pag-uusap ng bulaklak at paruparo kaugnay sa mga
dahilan ng pag-init ng mundo at mga gawain upang maibsan ang pag-init nito.

Mga litrato at larawan mula sa:

Jamie Roubinek, OneTreePerChild.com, James Sullivan, World Vision Philippines,


Oklahoma Electric Cooperative, Alamy, PageResource.com

You might also like