You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI-WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LA CARLOTA CITY
LA GRANJA FARM SCHOOL
BRGY. LA GRANJA, LA CARLOTA CITY, NEGROS OCCIDENTAL

SUMMATIVE TEST
EDUKAYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 7
October 21, 2022
Name: Grade 7 –

I. Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.
1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad (pakikipagkaibigan)
2. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan;
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa
mga ito;
4. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa lipunan;
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya;
6. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
7. Kailangan nating maging magalang sa mga nakatatanda at sa ating kapwa.
8. Ang paggalang ay hindi tanda ng pagmamahal.
9. Isang biyaya ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya.
10. Bilang isang pamilya tayo ay marapat lamang na magmahalan at magbigay respeto sa
isa’t-isa.

II. Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang ang
letrang A kung ito ay pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung pandamdamin, at D kung Moral. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.
1. Laging mong sinasabi na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong
tatay.
2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kaysa sa iyong mga kapatid.
4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.
7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon
ng kalamidad at sakuna.
9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
11. May paghanga ka na sa isang tao.
12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay pantay na
pagtingin.
13. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
14. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.
III. Panuto: Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Isulat kung ang mga sumusunod na
pahayag ay Pangkaisipan, Panlipunan, Pandamdamin, o Moral. Isulat ang sagot sa hulihang
patlang.

16. Binibigyan-pansin nito ay kung paano ang tao makisalamuha o makitungo mula sa mga
kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga taong nakakasalubong
araw-araw. _________________________
17. May kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, makaunawa, at makapagplano sa
buhay. _________________________
18. Pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o ang masama, ito ay ang
kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa kapwa. ________________________
19. Tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging mabuti man ito o maganda
(masaya, nagagalit, nag-aalala, at iba pa. _________________________
20. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap. _________________________
21. Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad
ipinatutungkol ang mga ikinagagalit. _________________________
22. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa. _________________________
23. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang ang magulang.
_________________________
24. Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa
iisang kaibigan sa katulad na kasarian. _________________________
25. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan.
_________________________

IV. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng hugis bituin () ang bilang na nagpapakita
ng pagtitiwala sa sarili at hugis bilog (O) kung hindi naman.

26. Si Alice ay buong sigla na tumula nang maayos sa harap ng maraming tao.
27. Nahihiyang magsabi ng katotohanan si Allan dahil sa takot.
28. Tuwing may darating na mga bisita sa aming bahay, agad akong tumatakbo sa loob ng
aking kwarto.
29. Kahit mahirap lamang si Anna, ay hindi siya tumigil sa pag-aaral, para sa kanya
magtatagumpay din siya sa buhay basta may pagsisikap.
30. Si Andrew ay magaling sa pagpipinta, tuwing sasabihin ng guro na ilalaban siya sa
paligsahan, laging sinasabi niya na hindi niya kaya.
31. Ang galing ni Maribel sa araling Matematika ay kanyang ibinabahagi sa kamag-aral
pamamagitan ng pagtuturo sa kanila.
32. Naniniwala si Roy na kung nagtagumpay ang kanyang mga kaibigan, kaya rin niya ito.
33. Agad-agad naniniwala si Mark sa sinasabi ng iba kahit hindi muna niya pinag-isipan.
34. Sumusunod sa dikta ng barkada si Joy kahit alam na mali ang mga ito.
35. Pagtanggap sa sariling kahinaan at nagsisikap na paunlarin ito.
36. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
37. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinapaniwalaan na bahagi ng
plano ng Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
38. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
39. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
40. Masayang pagtanggap sa sarili maging anoman ang iyong katayuan sa buhay.

V. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at
MALI kung hindi. Itala ang sagot sa iyong sagutang-papel.
41. Ang pagkakaroon ng kalakasan ay mula sa pagtanggap ng mga kahinaan at pagsisikap
na mapaunlad ito.
42. Walang pinipili sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng mag-aaral upang magtagumpay
sa buhay.
43. Ang pag-iisip ng mga bagay na hindi maganda kahit hindi pa nangyayari ay tanda ng
pagiging positibo.
44. Hindi pagsuko sa mga hamon na dinaranas sa buhay gaano man ito kahirap.
45. Ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ay pinaniniwalaan na bahagi ng plano
ng Diyos at may kalakip na magandang kapalaran.
46. May sariling paninindigan sa prinsipyong ipinaglalaban.
47. Umaasa lagi sa plano at kilos ng mga kasama.
48. Hindi nag-iisip ng masama sa kapwa.
49. Mahirap ang mga pinagdadaanan sa buhay pero naniniwala na kaya niya ito sa tulong ng
mga taong nakapaligid sa kanya.
50. Ibinabahagi ang talento sa iba.

Prepared by:
Romnia Grace D. Jayona, LPT

You might also like