You are on page 1of 1

Badhi ng Kababaihan

Binibining marahuyo at marilag


Binusilak damdamin, ganda'y kalasag
Bantog sa kapurihan, igalang dapat
Bago mahagkan ay patunayang tapat.

Ang panaho'y lumipas naging kabiyak


Adhika'y bumuo ng pamilyang payak
Aligagang nag-aaruga sa anak
Asawa'y nagsasaya tangan ay alak.

Dagok ng kahirapan ang nakayapos


Dama ang sakit at hindi makaungos
Dati'y isang paraluman, ngayo'y musmos
'Di makawala sa hirap nakagapos.

Humahantong pa sa pagmamakaawa
Hirap 'di inakalang matatamasa
Humihikbing tahimik sa isang tabi
Hinatid sa walang hanggang pagkasawi.

Iniisip ang mga naging desisyon


Inaalala masasayang kahapon
Inalay na pagmamahal ay binaon
Inukit na badhi ng babae ngayon.

You might also like