You are on page 1of 10

BANGHAY - ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKATLONG BAITANG

A. Pangnilalaman:

Naipapamalas ang pang-unawa sa konsepto ng kultura.

B. Pamantayang pagganap:

Naipaliliwanag ang iba’t-ibang uri ng kultura.

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naihahayag kung ano ang ibig sabihin ng kultura at mga kaugnay na konsepto nito;

2. Napahahalagahan ang iba’t-ibang kultura sa sariling bansa; at

3. Nailalarawan kung paano namuhay ang mga ninunong Pilipino.

II. NILALAMAN

A. Paksa Ano ang Kultura?

B. Sanggunian Araling Panlipunan - Ikatlong Baitang

Unang Edisyon 2015 Pahina 250-258

https://www.slideshare.net/bestinenarsus1/ano-

ang-kultura?from_action=save

C. Mga Kagamitan Visual Aids Pentel Pen

Kartolina Chalk
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. PANIMULANG GAWAIN

A. Pagdadasal

• Magsitayo ang lahat para sa ating panalangin (Ang lahat ay tatayo para sa panalangin)
na pamumunuan ni Ms. ____

B. Pagbati
• Magandang umaga/hapon din po.
• Magandang umaga/hapon mga bata.

• Maaari na kayong umupo.

C. Pagsasaayos ng Silid Aralan


(Pupulutin ang mga basura at iaayos ang mga
• Pakipulot po ang inyong mga kalat at upuan
pakiayos ang inyong mga upuan.

• Bago tayo magsimula, nais ko lamang sabihin


sa inyo ang ating pamantayan dito sa ating
klase:

- Una, umayos ng upo.

- Pangalawa, tumahimik at ituon ang atensyon


sa gurong nagsasalita sa harapan.

- At pangatlo, magtaas lamang ng kamay kung


may katanungan o kung sasagot.

• Maliwanag ba, mga bata? • Opo, ma’am.

D. Pagtatala ng lumiban sa klase

• Mayroon bang lumiban sa ating klase • Wala po.


ngayon?

E. Pagbabalik Aral

• Sige, bago tayo dumako sa ating aralin


ngayon, sino sa inyo ang nakakaalala pa sa
napag-aralan natin kahapon?

• Sige, ikaw Ms./Mr. ____

• Titser, ang pinag-aralan po natin kahapon ay


tungkol sa mga produkto at kalakal sa
kinabibilangang rehiyon.
• Tama! Maraming salamat sa iyong pagsagot.
May tanong ba kayo tungkol sa tinalakay natin
kahapon? • Wala na po.

IV. PARAANG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PAGGANYAK

• Bago tayo magsimula sa ating klase, mayroon


akong labing isang papel na idinikit sa ilalim
ng ilang upuan. Ngayon, gusto kong hanapin (Titingnan ang ilalim ng upuan)
ninyo iyon

• Nahanap niyo na ba mga bata? • Opo, ma’am.


• Kung nahanap niyo na, magsibalik na kayo sa
inyong upuan at hawakan niyo lang iyang
papel. Hintayin ninyong banggitin ko kung ano
ang nakasulat diyan sa papel. Ngayon, kapag
nabanggit ko na ang salitang nakasulat diyan sa
papel, gusto kong pumunta dito sa harapan ang
may hawak nito at idikit dito sa tapat ng
materyal at ‘di materyal. Kung sa tingin ninyo
ay materyal ang nakasulat diyan sa papel,
ilagay niyo sa tapat nitong materyal, at kung
hindi naman ay idikit niyo dito sa hindi
materyal.

• Naiintindihan ba mga bata?

• Okay, kung naiintindihan na ninyo. Simulan


na natin. Sino sa inyo ang nakakuha sa • Opo.
kasangkapan?

• Punta dito sa harapan at pakidikit ang hawak (Magtataas ng kamay ang nakakuha sa
na papel. kasangkapan)

(Pupunta sa harap at ididikit)


• Okay magaling. Ang kasangkapan at
materyal.

• Sino naman ang nakakuha sa edukasyon?


(Magtataas ng kamay ang nakakuha sa
kasuotan)

• Punta na po dito sa harapan. (Pupunta sa harapan at ididikit ang papel)

• Tama ba ang sagot niya? • Opo.

• Mahusay. Ang edukasyon ay hindi materyal.

• Sino naman ang nakakuha sa kaugalian?

• Tama. Ang kaugalian ay hindi materyal.

• Sino naman ang nakakuha sa kasuotan? (Pupunta sa harapan)

• Tama. Ang kasuotan ay nabibilang sa


materyal.

• Pumunta na po dito sa harapan ang nakakuha


sa pamahalaan. (Pupunta sa harapan)

• Magaling. Ang pamahalaan ay hindi


materyal. Paniniwala? Sino ang nakakuha sa (Pupunta sa harapan)
paniniwala? Pumunta na po dito sa harapan.

• Tama. Ang paniniwala ay kabilang sa hindi


materyal. Pumunta na po dito sa harapan ang
nakakuha sa pagkain, ganoon din ang
(Pupunta sa harapan)
nakakuha sa relihiyon.

• Tama ba ang sagot nila?


• Tama po.

• Tama. Ang pagkain ay materyal at ang (Pupunta sa harapan)


relihiyon ay hindi materyal. Sino naman ang
nakakuha sa sining, tahanan at wika? Pumunta
na po dito sa harapan at idikit ang papel.

• Mahusay mga bata. Salamat sa inyong


partisipasyon.

B. PAGTALAKAY

• Ngayong naman ay dadako na tayo sa ating


tatalakayin ngayong araw. At ito ay kung ano
ang kultura.
• Ano nga ba ang kultura? Pakibasa nga po
sabay-sabay.
(Babasahin sabay-sabay ang nakapaskil sa
• Ang bawat lugar ay may mga nakagawiang pisara)
mga gawain na nagpapasalin-salin mula pa sa
mga ninuno natin hanggang sa kasalukuyan.

• Ang kultura ay nahahati sa dalawang uri: ang


materyal at hindi materyal na kultura. Ngayon,
unahin natin ang materyal na kultura.

• Mayroong apat na materyal na kultura: una


ay ang kasangkapan. Noong unang panahon,
hindi pa uso ang mga magagandang mga
kasangkapan, ngunit dahil matatalino ang ating
mga ninuno, natuto silang gumawa ng mga
kasangkapan na ginagamit nila sa pang araw-
araw na pamumuhay. Gaya ng banga na
pinaglalagyan o pinagiimbakan nila ng tubig,
pana at palaso na ginagamit nila sa pangangaso
o paghuli ng mga hayop sa kagubatan, at iba
pang mga matutulis na kagamitan gaya ng
kutsilyo at itak.

• Pangalawa naman ay ang kasuotan. Alam


niyo bang katangi-tangi ang mga kasuotan ng
mga ninuno natin? Nagkakaiba-iba rin ito ayon
sa kanilang pinagmulan at pag-aangkop sa
klima ng kapaligiran.

• Sa tingin ninyo, ano kaya ang tawag sa


kasuotan ng mga kababaihan noon?

• Kilala ito ngayon bilang pambansang


kasuotan ng mga kababaihan.

• Mahusay. Baro at saya po ang kasuotan ng


mga kababaihan noon, samantala kangan,
bahag at putong naman ang isinusuot ng mga • Ma’am baro at saya po.
kalalakihan.

• Pangatlo naman ay ang pagkain.

• Mayroong mga pinagkukunan ng makakain


ang ating mga ninuno noon. Saan kaya ito?
Magbigay ng isa.

• Sige Ms.___ magbigay ka ng isa. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

• Magaling. Isa ang kagubatan sa • Sa kagubatan po.


pinagkukunan ng makakain ang ating mga
ninuno. Dito ay nangangaso sila at nanghuhuli
ng mga hayop.

• Bukod sa kagubatan, nangingisda rin sila sa


ilog at dagat. Hindi pa kasi marunong magsaka
o magtanim ng palay ang ating mga ninuno
kaya naman sa gubat, dagat at ilog lamang sila
kumukuha ng makakain.
• At ang pang-apat naman ay ang tahanan.

• Alam niyo ba ang tawag sa tahanan ng ating


mga ninuno?

• Kilala rin ito ngayon bilang ating


pambansang tirahan.
(Magtataas ng kamay ang mga gustong
sumagot)
• Sige Mr.Ms. ___. Ano ito?

• Bahay kubo po.


• Tama! Magaling. Bahay kubo ang tawag sa
tirahan ng ating mga ninuno. Ngunit alam ba
ninyo na bago natutong gumawa ng bahay
kubo ang mga sinaunang tao ay wala silang
naging tiyak na tirahan noon?

• Batay sa mga pananaliksik, ang mga


sinaunang Pilipino ay naninirahan lamang
noon sa mga kweba.

• Ngayon naman ay dadako na tayo sa hindi


materyal na kultura.

• Unahin natin ang edukasyon. Alam niyo ba


na ang mga ninuno natin ay hindi nakaranas
pumasok sa pormal na paaralan? Sila ay natuto
lamang sumulat at bumasa bunga ng sarili
nilang karanasan at pagmamasid sa
kapaligiran.

• Pangalawa naman ay ang kaugalian.

• Maraming kaugalian ang ating mga ninuno.


Isang halimbawa nito, bago mag-asawa ang
lalaki ay maninilbihan muna siya sa pamilya
ng babaeng pakakasalan. Siya ay nag-sisibak
ng kahoy, nag-iigib ng tubig at tumutulong sa
pag-bubungkal ng lupa.

• Pangatlo naman ay ang pamahalaan.


Balangay ang tawag sa kanilang pamayanan
noon, at tatlo ang kanilang pinuno.

• Pang-apat at pang-lima naman ay paniniwala


at relihiyon. Bathala ang tawag nila sa
itinuturing nilang panginoon. Bukod doon ay
naniniwala rin sila sa diwata at sa mga anito.

• Pang-anim naman ay ang sining. Isa sa


patunay na mahilig at magaling sa sining ang
mga ninuno natin ay ‘yung mga tattoo nila sa
kanilang mga katawan.

• At panghuli ay ang wika.

• Alam niyo na mga bata na may mahigit isang


daang wika at diyalekto ang ating mga ninuno?

• Mayroon din tayong walong pangunahing


wika. Ano-ano ang mga ito sila?

• Ilokano, Tagalog, Pangasinan, Bikolano,


Bisaya, Waray, Hiligaynon at Kapampangan. • Wala po.

• Ngayon ay tapos na tayo sa ating aralin.


Mayroon ba kayong mga katanungan?

C. PAGHASA SA KABIHASAAN • Opo titser.


• Ngayon kung wala ng tanong, mayroon
akong ipapagawa sa inyo. Magtaas lamang ng
kamay ang gustong sumagot at maghintay na
tawagin ko. Naiintindihan ba mga bata?

• Tukuyin kung ang mga pangungusap ay


Mga Sagot:
naglalarawan sa materyal na kultura o hindi
materyal na kultura. Lagyan ng tsek (✓) kung 1. ✓
ito ay materyal, at ekis (×) naman kung hindi
materyal. 2. ✓

__1. Ang kangan, bahag at putong ay mga 3. ×


kasuotan ng mga sinaunang Pilipino.
4. ×
__2..Ang mga sinaunang Pilipino ay palipat-
lipat ng tirahan. 5. ✓

__3. May walong pangunahing wika na


ginagamit sa ating bansa.

__4. Naniniwala ang ating mga ninuno kay


Bathala at iba pang tagabantay gaya ng diwata
at anito.

__5 Ang ating mga ninuno ay natutong


gumawa ng mga kasangkapan gaya ng banga,
pana at palaso at iba pang matutulis na bagay
gaya ng kutsilyo at itak.

V. PAGTATAYA

GAWAIN A

• Ngayon ay alam kong naiintindihan niyo na


ang ating aralin. Kaya naman gusto kong
kumuha kayo ng isang malinis na papel at
lapis, at sagutan ang mga sumusunod.
Mayroon lamang kayong sampung minuto para
sagutin ito.

1. Uri ng kultura na nakikita at ginagawa ng MGA SAGOT:


mga tao.
1. Kasangkapan
2. Ito ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng
mga tao sa isang lugar. 2. Kultura

3. Ang uri ng kultura na kinabibilangan ng 3. Materyal na Kultura


kasuotan, kagamitan at iba pa. 4. Hindi Materyal na Kultura
4. Ang uri ng kultura na hindi nakikita o 5. Balangay
nahihipo.

5. Ito ang tawag sa pamayanan noon.

• Tapos na ba kayo magsagot mga bata?

• Kung tapos na ay ipasa paharap ang inyong


mga sagutang papel. • Tapos na po.

(Ipapasa paharap ang mga papel)

VI. TAKDANG ARALIN

• Sino sa inyo ang marunong umawit? (Magtataas ng kamay)

• Eh marunong tumula? (Magtataas ng kamay)

• Mayroon din ba sa inyong marunong • Opo.


magsalaysay o magkwento?

• Magaling. Para sa inyong takdang aralin,


pumili lamang kayo ng isang materyal na
kultura o hindi materyal na kultura, at ilarawan
niyo ito sa pamamagitan ng:

a. awit

b. tula

c. salaysay o kuwento

• Maliwanag ba mga bata?


• Opo titser.

• Ngayon ay tapos na ang ating klase.


Maraming salamat sa inyong pakikinig mga
bata. Sana ay marami kayong natutunan.

• Bago kayo umuwi ay pakiayos muna ang


inyong mga upuan.
(Aayusin ang upuan)
• Mag-iingat kayo sa inyong pag-uwi. Paalam
mga bata!
• Paalam din po!

VII. PAGNINILAY

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na grado sa


gawain.

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng mababang grado at


kinakailangan pa ng atensyon upang makasabay.

Presented by:

Francesk Jane R. Lara

BEEd 1A

You might also like