You are on page 1of 41

1

INTRODUKSYON

MODYUL 1: ANG PAGSULAT NG INTRODUKSYON SA


PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ayon kay Kothari (2004), ay isang siyentipikong pag-iimbestiga


at sistemakong pagtuklas ng mga impormasyon ukol sa tiyak na paksa. Ang tiyak na
suliraning ito ang susubuking hanapan ng kasagutan sa masistema, mabusisi at maayos
na pamamaraan. Ang mga walang hanggang katanungan na bumabagabag sa isipan ng
tao ang nag-uudyok dito upang patuloy na mag-imbestiga ng mga umiiral na problema.
Sistematiko ang pananaliksik sa kadahilanang may isang tiyak na hanay ng mga
hakbangin ang kailangang isagawa. May ilang mga bagay sa proseso ng pananaliksik na
kailangang lagi mong sundin upang matamo ang higit na angkop na resulta.
Layunin ng Modyul 1 na makabuo ng panimula sa pananaliksik na nagtataglay ng
mga kahingian sa kabanata. Sundin lamang ang mga baha-bahaging impormasyong
nakatala at gawain upang maging gamay sa nilalaman ng panimula.
Subuking sagutin ang panimulang pagtataya upang matasa ang kabuuang
kaalaman sa pagsulat ng panimula o introduksyon.

Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat ang Tama sa patlang bago ang bilang kung wasto ang pahayag at Mali
naman kung may pagkukulang o salitang nagpapamali sa pahayag.
_________1. Matatagpuan sa panimula ang pinakalayunin at tiyak na layunin ng pag-
aaral.
_________2. Isinusulat ang bahaging panimula sa estrukturang piramide, mula sa
maliit na konsepto patungo sa masaklaw na ideya.
________3. Binabanggit sa loob ng mga pahayag sa talata ang lahat ng apelyido ng
awtor at petsa ng pagkalimbag sa aklat o journal.
2

________4. Ang mga salitang ginamit sa pamagat ng pananaliksik ay ipinapaliwanag sa


dalawang paraan, ang konseptwal na pakahulugan at operasyunal na
pakahulugan.
________5. Ang pagsulat sa sangguniang journal ay katulad sa halimbawa sa ibaba:
Smith, P. K., & Brain, P. (2000). Bullying in schools: Lessons from two
decades of research. Aggressive Behavior: Official Journal of the
International Society for Research on Aggression, 26 (1), 1-9.

Kumusta ang panimulang pagsubok? Tingnan ang mga wastong


sagot sa huling bahagi ng modyul upang matukoy ang iyong marka.
Huwag kang susuko dahil ang bahaging ito ay gagabay sa pagbuo
ng baha-bahagi ng panimula ng pananaliksik.

KONSEPTO NG PANIMULA
Sabi nga nila, ang pinakamahirap na gawain sa pananaliksik ay ang kung paano
magsimula, mula sa pagbuo ng pamagat hanggang sa talakay at diskusyon ng mga
natuklasan hango sa mga kalahok ng pananaliksik.
Sa pagpili ng paksa ay maaaring hanguin ito sa obserbasyon sa iyong paligid, sa
iyong komunidad, na naakay ka para magtanong at magkaroon ng malasakit, maaari rin
sa napanood, nabasa, isang panayam, epekto ng isang programa, suliranin sa paaralan
na nais mong imbestigahan, at maaari ring pag-aaral sa kasalukuyan ng ibang
mananaliksik na nais mong patotohanan o pasubalian. Mga simpleng tanong ang dapat
mong tandaan sa panimula: ano ang iyong ginagawa at bakit mo ito gagawin. Isulat ito
sa konteksto batay sa mainit na paksa sa kasalukuyan, maiksing kaligirang
pangkasaysayan (historical background) at mga napapanahong “key players” o mga
kaugnayan at napapanahong publikasyon (Paras, 2018).
Sa bahaging ito ng modyul ay ang mga paalala sa mga simpleng hakbang kung
paano sulatin ang introduksyon o unang kabanata sa lumang pormat. Sa simpleng
grapikong inverted pyramid maaaring ihalintulad ang pagsulat nito. Mula sa
malawakang kaisipan sa pagtalakay ng napiling paksa o pamagat. Hanggang sa
3

pinakatiyak na kaisipan na maaaring makapagpatunay sa umiiral na problema o saliksik


papel na isinasagawa.
Nakapaloob din dito, ang mga kaugnay na literatura na lalong magpapatibay at
magpapalawak sa napiling paksa. Mga kaugnay na literatura na napatunayan at
naisagawa, maaaring ang mga ito ay sa loob at labas ng bansa na malimit na tinatawag
na foreign at local studies.

Kasama na rin dito ang pangkalahatang layunin at tiyak na layunin ng pag-aaral.


Malimit na nasa sampu hanggang labing-limang pahina ang pagsulat ng introduksyon
depende pa rin sa kagustuhan ng manunulat o researcher kung journal format ang
pinag-uusapan.

PANIMULANG GAWAIN

Panuto: Pumili ng tatlong salita sa loob ng kahon na may kinalaman sa pagsulat ng


isang saliksik-papel at ipaliwanag ang dahilan ng pagkakaugnayan ng mga ito sa
pananaliksik.

datos kongklusyon metodolohiya

siyentipiko panimula kaalaman

sanggunian obhektibo etikal


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
4

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

SUBUKING MAGSULAT, DITO NAGSIMULA ANG LAHAT!

Isang malaking suliranin ng mga guro at mag-aaral sa pananaliksik kung paano


bumuo ng pamagat ng pananaliksik o research title. Paano nga ba ito isusulat? Ang
paksa ng pag-aaral ay binabalangkas bilang pagpapahayag ng suliranin (statement of
the problem) o tanong na nais mabigyan ng kasagutan. Ito ang magaakit sa
mambabasa na basahin ang pag-aaral dahil mahalaga ito at karapat-dapat na saliksikin.
Mahirap balangkasin ito sa simula subalit ang pansamantalang pamagat ay maaari ring
dumaan sa proseso ng pagbabago habang nagbabasa at nagsasaliksik ng iyong paksa.

GAWAIN 1.1:
Panuto: Subuking bumuo ng tatlong research title o pamagat ayon sa mga sumusunod
na tema; Kulturang Filipino, Wikang Filipino, at Kabataang Pilipino. Sikaping limitahin sa
dalawampung salita (20) ang pamagat at maging tiyak sa pagsulat nito.

Kulturang Filipino
5

Wikang Filipino

Kabataang Pilipino

Magaling! Nalampasan mo ang unang hamon sa paggawa ng isang


saliksikpapel.

PARAAN NG PAGSULAT NG PAKSA /PAMAGAT NG PAG-ARAL


Ang paksa o pagpapahayag ng suliranin ay naglalarawan sa konteksto ng pag-aaral
at tinutukoy ang pangkalahatang paraan ng pagsusuri nito. Inilalahad ito sa paraang
SMART (specific, measurable, achievable, realistic at time-bound).
Ang mahusay na paksa ng pag-aaral ay may mga katangiang: (1) nagpupuno sa
puwang (gap) sa umiiral na literatura at pag-aaral, (2) kawili-wili, (3) nakaangkla batay
sa iyong kakayahan at pangangailangan, (4) hindi ito sumasagot sa tanong na oo at
hindi, (5) plano ito na nais na imbestigahan, at (6) batay ito sa pangkalahatang
tunguhin at tiyak na layunin ng pag-aaral (Paras, 2018).

Narito ang ilang mga halimbawa:


6

1. Pagsusuri sa mga Akdang Pampanitikan sa Gabay ng Pagtuturo na Lunsaran ng


mga Guro sa Filipino 8: Isang Tunguhin sa Pagtatamo ng mga Kasanayan sa
Pagkatuto sa Gabay Pangkurikulum

Pangkalahatang paraan ano saan


tunguhin ng pag-aaral na nais mabigyan ng kasagutan

2. Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral ng Senior High School sa


Ikalabindalawang Antas sa Tanayan Institute

Pangkalahatang paraan ano sino


saan

3. Impak ng Kursong Filipino sa Kahusayan ng mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon

ng Kolehiyo sa Pamantasan ng Ateneo

Pangkalahatang paraan ano tunguhin sino saan

4. Pagdetermina ng mga Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Unang Taon sa


Kolehiyo sa Pamamagitan ng Sistemang VARK

Tunguhin ano sino


saan

Dapat Tandaan sa Pagpili ng Paksa sa Pag-aaral


Mahalagang tandaan na sa pagpili ng paksa sa pag-aaral, palaging isaisip at
isaalang-alang ang mga sumusunod na krayterya: ang iyong interes at abilidad bilang
mananaliksik, kahalagahan ng magiging pananaliksik at oras na gagamitin dito, cost o
halagang magugugol, ang panganib (dangers/hazards) sa paggawa ng pananaliksik lalo
na kung ito’y isasagawa sa ospital o sa mapanganib na lugar (ibayong pag-iingat ang
dapat gawin sa ganitong sitwasyon), at availability o ang oras na maaaring ibigay ng
tagapayo para sa mga mungkahi.
7

Mga Huling Paalala sa Pagsulat ng Paksa o Pamagat ng Pag-aaral


Ang pamagat ay ang tanong na gusto mong masagot sa tulong ng saliksik.
Sinasagutan nito ang mga tanong na ano, saan, at kailan. Tinutukoy rin nito ang
subject o paksa ng pag-aaral. Iniiwasan ang salitang study o pag-aaral, bagkus
ginagamit ang mga salitang pagsusuri, impak, ebalwasyon, kahalagahan (effectivity,
effectiveness, effect). Iniiwasan ding bumanggit ng mga salitang hindi naman
kasangkot sa pag-aaral.

GAWAIN 1.2: PANUTO: Mag-isip ng mga salita at bumuo ng mga pamagat sa mga
sumusunod na paksa:
1. Suliranin sa pagbasa
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Mga batang tumitigil sa pag-aaral
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Maagang pagbubuntis ng kabataan
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Mga batang nabubulas
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Pakikisangkot ng mga magulang sa pag-aaral ng mga bata
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
6. Pagkalulong ng mga kabataan sa masamang bisyo
8

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
7. Pagtatrabaho sa ibayong dagat ng mga magulang
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka ng Gawain #1.1 at 1.2.

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Kaangkupan ng pamagat sa tema. 25
Pagkamalikhain gamit ng mga susing 15
salita.

Tiyak 10
Kabuuan 50

GAWAIN 1.3

Panuto: Gamit ang modelong inverted pyramid, punan ng paksang pangungusap ang
unang bahagi ng piramide at mga kaugnay na literatura na maaaring magbigay suporta
sa napiling paksa/pamagat sa mga sumusunod na bahagi. At sa huli ay itala ang
pangkalahatan, tiyak na layunin at kahalagahan ng pag-aaral.
Narito ang isang halimbawa upang magsilbing gabay sa Gawain #1.3. (Ang
mga kulay ay sumisimbolo sa iba’t ibang bahaging sadyang kahingian sa
panimulang kabanata.)

Sa mundo na punong- puno ng katanungan ang sangkatauhan, ang patuloy


na pananaliksik ng tao upang mapabuti at mapaunlad ang paraan ng kaniyang
pamumuhay ay naging kaakibat na ng mga siyentipiko at eksperto. Anumang
mayroon ang tao ngayon sa kanyang kapaligiran ay bunga ng pananaliksik dahil sa
pagnanais na mapadali ang paraan ng kanyang pamumuhay sa mundong
kinabibilangan.
Pangunahing naisin ng mga tao na magkaroon ng mabilis na pagbabago sa
karaniwan nilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtatama o hindi man ay
pagdaragdag ng mga bagay na lalong magpapabilis sa kanilang pag-unlad. At ang
9

pinakamabisang paraan upang ang lahat ng ito ay maisakatuparan ay ang

pagsasagawa ng patuloy na pananaliksik.


Ayon kina Tuckman at Harper (2012), ang pananaliksik ay sistematikong
pagtatangka upang magbigay kasagutan sa mga katanungan ng tao, na kung saan

ang mga ebidensiya at katibayan ay siyang magpapatotoo sa gawaing pananaliksik.


Binigyang diin din nina Almario et al (2016) na ang guro ang dapat maging
pangunahing modelo. Mahalagang nakikíta ng mga batà na ang guro mismo, bílang
tagapagsaliksik, ay maingat at mapanuri sa pagkalap ng impormasyon, may
sistemang sinusunod sa pananaliksik, at alam ang mga mahusay na batis at
sangguniang maaaring gamitin.
Pinatotohanan din ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa

Panitikan, sa kanyang Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa (2018) ang madilim na

katotohanan na karamihan ng mga saliksik ngayon sa Pilipinas ay nasa Ingles,

mahina ang mga alagad ng Filipino, lalo na ang mga guro, sa siyentipikong saliksik,

at hindi nailalahok ang halaga ng saliksik sa pagtuturo sa batayang edukasyon.

Itinuturing na napakahalaga ng pag-aaral na ito dahil sa may


kapakinabangan ito sa mga sumusunod; Sa mga guro, upang maiangat ang kalidad ng
kanilang pagtuturo partikular na sa pananaliksik. Sa mga mag-aaral, upang maging

kapaki-pakinabang at kawili-wili ang mga gawaing pampagkatuto.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang kahandaan ng mga

dimasterado na guro sa pagtuturo ng pananaliksik sa Senior High School. Nilalayon


din nitong matugunan ang mga sumusunod na tiyak na layunin: 1) mailalarawan
ang karanasan ng mga gurong di- masterado sa pagtuturo ng pananaliksik sa
Filipino; at 2) mailahad ang mga mungkahing paraan upang mapagbuti at mapasigla

ang pagtuturo ng mga guro ng pananaliksik sa Filipino.

-Hango sa pananaliksik “SIYAsig ng Tesis: Pagsipat sa Kahandaan ng


mga Gurong Di- Masterado sa Pagtahak sa Mundo ng Pagtuturo ng
Pananaliksik” ni Maricel N. Torres, 2019.
10

Inihalintulad sa inverted pyramid ang pagsusulat ng introduksyon upang ganap


na mailarawan ang konsepto sa malawakang saklaw ng pag-aaral tungo sa tiyak na
kaisipan sa pagsulat ng isang saliksik-papel.

Isulat ang paksang pangungusap sa unang bahagi.

Sumunod naman ang mga kaisipang magbibigay suporta sa


paksang napili.
Maghanap ng mga kaugnay na literatura mula sa banyagang
pag-aaral.
Maghanap ng mga kaugnay na literatura mula sa lokal na
pag-aaral.
Humanap din ng mga kaugnay na literatura na maaaring
sa mga e-journals na mas lalong makakapagpatibay ng gawaing
pananaliksik.
Mahalagang sambitin din ang kahalagahan ng pag-aaral ng
napiling paksa.
At sa huli, huwag kalimutan ang pangkalahatan at tiyak na layunin
ng pag-aaral.

BINABATI KITA! Masusi mong naisakatuparan ang pagsulat


ng introduksyon sa iyong saliksik-papel.
11

Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka ng Gawain 1.3.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos
Naiakma ang modelong inverted pyramid 25
sa pagsulat ng introduksyon.
Nilalaman ayon sa pamagat /paksa. 15
Estilo ng pagsulat. 10
Kabuuan 50

Iba Pang Kaalaman sa Pagsulat ng Introduksyon

Nakapaloob din sa bahaging ito ang kahalagahan ng pag-aaral. Kung


paanong ang saliksik-papel ay makatutulong sa komunidad. Ito ba ay makapag-aambag
ng sariling tuklas at bagong kaalaman na maaaring makatulong sa tao? Ano ang
magiging kapakinabangan nito sa mga punung-guro ng paaralan, mga guro, tagabuo ng
kurikulum, mag-aaral at iba pa?

Mahalaga ring matukoy kung sino-sino ang magiging bahagi ng pananaliksik.


Karaniwan itong tinatawag bilang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, partikular na
nakasaad ang mga kalahok o populasyon na kasama sa pag-aaral na isinasagawa.
Ipinapaliwanag dito ang pinakasuliranin na iimbestigahan kasama ng saklaw na
panahon, o konteksto ng pag-aaral. Sa pagpapaliit ng saklaw at panahon ng pag-aaral,
ipinapaliwanag ang mga bagay na hindi gagawin at dahilan kung bakit hindi rin gagawin
iyon kasama ng mga literatura, populasyon o pamamaraan na hindi gagamitin. Ang
limitasyon ay maaaring tumukoy sa maaaring kahinaan ng pananaliksik, kung kaya’t
dapat ikonsidera ang magiging kalikasan ng ulat, ang mga pipiliing kalahok,
instrumentong gagamitin at banta sa internal validity na maaaring hindi maiwasan.

Halimbawa ng Saklaw at Limitasyon:


Ang pag-aaral ay nagbigay-diin sa Lakas ng Persepsyon (Perceptual Strengths)
ng mga Mag-aaral ng Grade 11 at ng kanilang Mathematics Performance sa Panuruang
Taong 2019-2020.
12

Samantala, ang pag-aaral ay nilimita sa pagsusuri sa profayl ng mga kalahok


tulad ng kasarian at kabuuang kita ng pamilya.
Ang Mathematics performance ng mga kalahok na inilarawan ay ang unang
markahan lamang.
Ang mga kalahok ay hinati sa lakas ng persepyon tulad ng visual, auditory, tactile
at kinesthetic.

Iba pang halimbawa:


Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga gurong di-masterado na nagtuturo ng
pananaliksik sa Filipino sa Senior High School. Nilimitahan ito sa labingwalong gurong
nagtuturo ng pananaliksik sa Filipino sa Senior High School mula sa siyam na paaralang
pampubliko.

Kasama pa rin sa bahagi ng panimula ang pagpapakahulugan ng mga


terminolohiya. Nahahati ito sa dalawa: leksikal/konseptuwal na
pagpapakahulugan na hango sa diksyunaryo at operasyunal na
pagpapakahulugan, konotatibong kahulugan o kung paano ginamit ito sa
pananaliksik. Makatutulong ang pagpapakahulugan sa mga salitang nakapaloob sa
pamagat upang lalong maintindihan ang pananaliksik at magsilbing gabay ng mga
mambabasa.

Halimbawa:
Ningas ng Sulo ng mga Natatanging Gurong Di-Medyor sa Filipino sa Maalong Dagat ng
Pagtuturo ni Lacanlale (2013)

Leksikal/Konseptuwal na Depinisyon o Pagpapakahulugan

Ningas ng sulo- nangangahulugang maningning na silab, apoy ng ilaw


Maalong dagat- magalaw na tubig ng ilog o dagat dahil sa bagyo na maaaring
magbunga ng kapahamakan (Pineda, Diksyunaryo ng Wikang Filipino, 1998)

Operasyunal na Pagpapakahulugan
13

Ningas ng sulo- pinakamahusay na mga katangian, kaalaman at mga salik na


nakapag-impluwensya sa epektibo/ekspertong pagtuturo ng mga kabalikat na di medyor
sa Filipino na may iba’t ibang espesyalisasyon

Maalong Dagat- sa konteksto ng pag-aaral, sumisimbulo ito sa mapaghamong


kahingian ng pagtuturo sa ilalim ng hindi nila medyor, maliban pa sa patuloy na
pagaangkop sa papalit-palit o pabago-bagong kurikulum.

Sa pagsipi naman ng mga sanggunian mula sa lokal na pag-aaral at ibang


bansa, ang APA o American Psychological Association 6th edition pormat ang
ginagamit sa akademya. Marapat lamang na naka- indent ang unang linya ng
kalahating pulgada o tinatawag na hanging indention. Mauuna ang apelyido kasunod
ng inisyal ng pangalan ng awtor, maaaring gamitin ang et al., kung higit sa lima ang
pangalan ng mga awtor. Kasunod nito ang pagkalimbag ng aklat na nasa loob ng
panaklong. Tiyaking buo ang pamagat ng libro, artikulo at journal. Panatilihin ang
bantas sa lahat ng pagkakataon, isulat ng pahilig ang pamagat ng mahahabang akda
tulad ng aklat at journal, kasama ring isinusulat ang lugar ng limbagan at pangalan ng
publikasyon sa
mga aklat kung ang sorses ay aklat.

Narito ang mga halimbawa nito:

Mula sa ibang bansa, pananaliksik ukol sa pambubulas;

Rigby, K. (2003). Consequences of bullying in schools. The Canadian journal of


psychiatry, 48(9), 583-590.

Smith, P. K., & Brain, P. (2000). Bullying in schools: Lessons from two decades of
research. Aggressive Behavior: Official Journal of the International Society for
Research on Aggression, 26(1), 1-9.

Baldry, A. C. (2003). Bullying in schools and exposure to domestic violence. Child abuse
& neglect, 27(7), 713-732.
14

Mula naman sa mga lokal na pag-aaral;

Bisnar, J. C., Celeste, L. T. & Javier, I. V.. (2019). Bullying Among Junior High School
Students: Effects on Health and Academic Performance. JPAIR Multidisciplinary
Research Journal, 36(1). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=14274

Dela Rosa, E. D., Redbole-buot, N. G. & Ouano, J. A.. (2013). A Measure of the Experience
of Being Bullied: An Initial Validation in Philippine Schools. Philippine
Journal of Counseling Psychology, 15(1). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=6817

Rodriguez, G. L., Balatbat, E. & De Jesus, R. D.. (2014). Nature and Prevalence of
Bullying in the University High School. Harvest, 10(1). Retrieved from
http://ejournals.ph/form/cite.php?id=10327

Napakahalagang banggitin ang mga pinagkuhanan ng mga kaugnay na literatura


upang maiwasan ang maselang usapin ng plagyarismo. Isang malaking pagkakamali
ang hindi pagbanggit sa mga orihinal na awtor sa larangan ng pananaliksik. Tandaan,
kailanman ang pangongopya ng mga ideya na hindi nagmula sa iyo ay maituturing na
pandaraya o panloloko.
Sa loob naman ng pananaliksik (in-text citation), may iba-ibang paraan ng
pagbanggit sa pinagkuhanan ng suportang ideya at pag-aaral mula sa ibang aklat o
sorses. Sa APA 6th edition, ginagamit ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon
kung hinalaw ang ideya ng awtor, subalit kung ito’y tuwirang kinopya, nangangailangan
itong ipasok sa loob ng panipi ang pahayag at kailangan ang bilang ng pahina (page
number). Kung ginagamit ang pangalan ng mga awtor bilang bahagi ng pangungusap,
ginagamit ang “at” at hindi ang “ampersands” na “&“ (na galing sa Latin na et o per se)
na ibig sabihin ay pang-ugnay na “at”. Samantala, kung hindi binanggit ang awtor sa
pangungusap at ito’y nasa loob ng braket, sundan ang style rule at gamitin ang “&”.
Ang mga ito ay dapat maitala nang masinop sa bahagi ng sanggunian. Ilang
halimbawa ay ang mga sumumusunod:
Sa pag-aaral ni Cappelli (2014),….. para sa isang awtor
Binanggit nina Bender at Roche (2013),….. para sa dalawang awtor
Kaugnay nito, ayon kina Chaudhuri at Naskar (2014),….dalawang awtor
15

Binigyang-diin nina Franoni, Assar, Defuge at Rojas (2008),….maaaring banggitin


ang limang awtor na pinagkuhanan ng datos o impormasyon, higit pa sa limang awtor
ay itinatala na lamang ito sa paraang ganito: Ayon kina Almario et al. (2016)…
Sa naging pag-aaral nina Miguel at Duran (2017), na naunang nabanggit nina
Hargreaves at Fink (2006)….muling pagbanggit sa unang pinagmulan ng sorses.
Sinabi ni Timbreza (w.p.) – ginagamit ang w.p. katumbas ng walang petsa ng
pagkalimbag ng sorses.
Maaari ring ilagay ang nakuhang sanggunian sa bandang huli o endnotes:
Halimbawa:
------------ ang kanilang kakayahan sa pagtuturo (Norton, 2009).
------------ sa mga bansang kanluranin (DeLaza & Batnag, 2016).
------------ kapwa nila mananaliksik (Fraenkel, Wallen & Hyun, 2011).
----------- sa kanilang napiling larang (Dahlberg, Barnes, Rorrer, & Cairco, 2008).
----------- at sangguniang maaaring gamitin (Almario et al., 2016).

Sana’y nakatulong ang baha-bahaging impormasyon upang maisulat

mo ang kabuuan ng iyong panimula. Huwag kang matakot at

gagabayan kita sa mga susunod pang bahagi. Oops! Sagutin mo muna

ang pangwakas na pagtataya para sa modyul na ito bago ka lumipat sa

susunod na bahagi ng modyul.

Pangwakas na Pagtataya sa Modyul 1


Panuto: Subuking sagutin ang pangwakas na gawain upang mapagtibay ang
kaalaman sa pagsulat ng panimula o introduksyon.
1. Ayusin ang mga sanggunian batay sa wastong pormat.
a. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (1 st ed.) 2016.
De Laza, C. S. & Batnag, A. Manila,Philippines, 63: Rex Book Store
_________________________________________________________________
16

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
b. Jocson, M.O., Quezon City, Philippines, 63: Vibal Group, Inc. (2016).
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Isulat ang in-text citation sa dalawang paraan, sa pahayag ni Dolores S.
Tanawan, Jane K. Lartec at Anita A. Nacin na nailathala noong 2007 na ganito:
Mabuting bigyan ng pansin ang pag-unlad ng istraktura at gramatikang Filipino
dahil lubos itong nakatutulong sa pagkakatatag at pag-aaral ng wika sa
kasalukuyan.
a. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Bigyan ng kontekstuwal na pakahulugan at operasyunal na pakahulugan ang
salitang Ningning:
Kontekstuwal na kahulugan:___________________________________________
Operasyunal na kahulugan:___________________________________________
4. Sumulat ng isang pangungusap na kahalagahan ng pag-aaral hinggil sa Epekto
ng Paggamit ng Cellphone sa Akademikong Performans ng Mga Mag-aaral sa
Senior High School sa mga Gawaing Pagkatuto sa Klasrum.
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Subuking gumawa ng layunin ng pag-aaral sa paksang binanggit sa pang-apat na
bilang.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
17

Sa palagay ko’y nakatulong ang mga naunang paliwanag

upang masagutan mo ang panghuling pagsubok o


pasusulit. Dagdagan pa ang tiyaga at sipag, lahukan ng bukas na
pag-iisip upang matutuhan ang susunod na kabanata,
ang metodolohiya o pamamaraan. Halika, subukan nating
alamin ang mga konseptong dapat na

maintindihan sa bahaging ito ng modyul.

METODOLOHIYA

MODYUL 2: ANG PAGPILI NG METODOLOHIYA SA


PANANALIKSIK

Organisado ang pananaliksik kung may balangkas o metodolohiya sa


pagsasagawa nito. Ito ay planadong gawain at hindi basta-bastang isinasagawa.
Nakatutok ito at limitado lamang sa tiyak na saklaw ng pananaliksik.
Sa Modyul 2, inaasahang nasusuri mo ang uri ng pananaliksik na gagamitin sa
isang pag-aaral at paraan ng pagsulat ng bahaging ito.
Subukin mong sagutin ang bahaging panimulang pagtataya upang matasa ang
pang-unang kaalaman sa paksa.
Panimulang Pagtataya sa Modyul 2
Panuto: Lagyan ng / (tsek) ang patlang bago ang bilang kung sang-ayon at x (ekis)
kung hindi ka sang-ayon sa mga pahayag ukol sa kabanata.
_______1. Ang pamamaraan sa paksa ng pananaliksik ay nakaangkla sa
tunguhing nais matuklasan ng mananaliksik.
18

_______2. Sa etikal na konsiderasyon, kailangang sumangguni sa mga nasa katangkulan


upang mabigyan ng pahintulot sa pagkuha ng mga datos sa mga target na
kalahok.
_______3. Ang dami ng mga kalahok sa pag-aaral ay nakabatay sa saklaw at
limitasyon ng pag-aaral.
_______4. Dahil kailangan ang transparency o katotohanan sa mga nakalap na
impormasyon, binabanggit ang mga pinagkukuhanan o sorses ng
impormasyon.
_______5. Gumagamit ng mga bukas na talatanungan ang isang kuwalitatibong
pagaaral para makuha ang mga karanasan, persepsyon, ugali at paniniwala
ng mga kalahok sa pag-aaral.

Nasagutan mo ba nang tumpak ang lahat ng aytem?


Huwag kang mag- alala dahil may nakalaang paliwanag sa
bahaging ito ng modyul.

Mahalagang Konsepto
Mahalagang matukoy ng manunulat ang uri ng pananaliksik na kanyang
isinusulat. Kalimitan ang kuwalitatibo at kuwantitatibong pamamaraan ang isinasagawa
sa Senior High School na nakaangkla sa mga asignaturang Practical Research 1 at
Practical Research 2.
Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa paggamit ng matematikal,
estadistikal at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon tulad ng
mean, median, mode atbp. Kalimitang ginagamit ang pamamaraang ito kung
malakihan at pangkahalatang pardon na nabibilang ng tao.
Samantala ayon kina De Laza at Batnag (2016), ang kuwalitatibong pananaliksik
naman ay uri ng pagsisiyasat na inuunawa ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at
ang dahilan na gumagabay rito. Labis na personal sapagkat ninanais nitong malalimang
19

unawain ang pag-uugali ng tao, katangian ng pakikipagrelasyon, at partikular na


kaugnayan ng mga kalahok sa pananaliksik.
Sa bahaging ito, matutunghayan ang uri ng pananaliksik na ginamit. Ang paraan
ng pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral. Maaaring ilagay ang mga pamantayan sa
pagpili ng mga kalahok. Maaari rin silang ilarawan sa kanilang propayl (kasarian, edad,
tungkulin at iba pa) subalit hindi tinutukoy ang kanilang pangalan at lugar na
pinanggalingan upang mabigyan sila ng proteksyon sa anumang kalalabasan ng
pagaaral. Ginagamit ang pagtatranskrayb ng mga sagot ng mga kalahok, pagkokoda at
pagtetema kung ito ay kuwalitatibong pag-aaral, at statistical techniques naman kung
ang pag-aaral ay gagamitan ng kuwantitatibong pamamaraan.

Samantala, kasama sa bahaging ito ang paraan ng pagkalap ng mga datos, mga
etika at proteksyon sa mga napiling kalahok, protocol na dapat gawin tulad ng
pagsangguni sa tagapamanihalang pansangay, sa mga punong-guro sa pamamagitan
ng liham para makuha ang kanilang pahintulot sa gagawing panayam o pamimigay ng
talatanungan.

Dagdag pa rito, ang instrumento o kasangkapan sa pag-aaral tulad na lamang ng


mga bukas na katanungan o survey questionnaires, test, observation schedule o rating
scale ay kailangang masuri ng tatlong eksperto. Kung ang instrumento ay dati ng
ginamit, kailangang banggitin ang pinaghanguan nito at kinalabasan ng pag-aaral, at
kung bago naman ang instrumento kailangang magsagawa muna ng pilot testing para
masubok ang reliability at validity nito. Para sa validity nito, kailangan ang tatlong
eksperto para ito ay mahimay at maiwasto. Sa reliability ng instrumento, kailangang
gumawa ng test at re-test method.

Sa huli ang pag-analisa o pagsusuri ng mga datos na nakalap. Sa bahaging ito ay


maaari pa ring ikuwento ang pamamaraan o istratehiyang ginamit para mapadali ang
ginawang paghihimay o pagsusuri sa mga datos. Kadalasan ang metodolohiya ay hindi
hihigit sa apat na pahina kung journal format ang sinusundang gabay.
20

KUWANTITATIBO

KUWALITATIBO

GAWAIN 2.1 PAMAMARAAN, METODOLOHIYA RIN YAN!


Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay kuwantitatibo o kuwalitatibong
datos. Ilagay sa loob ng kahon ang kung ito ay kuwalitatibo at kung ito
naman ay kuwantitabo.

1. magaspang

2. edad

3. timbang 4. maliit

5. mabango

6. malaki

7. salapi

8. bilis
21

9. temperatura

10. oras

11. kasiyahan

12. distansiya

13. sukat

14. laki

15. bilis 15. bilis

GAWAIN 2.2
Panuto: Punan ang check list sa ibaba at lapatan ito ng mga impormasyon batay sa
pagkasunod-sunod ng mga pamamaraan sa pagsulat ng metodolohiya sa paksang:
Epekto ng Paggamit ng Cellphone sa Akademikong Performans ng Mga Mag-aaral sa
Senior High School sa mga Gawaing Pagkatuto sa Klasrum.
A. DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
B. LOKAL NA POPULASYON NG PANANALIKSIK
C. KASANGKAPAN SA PAGLIKOM NG DATOS
D. PARAAN SA PAGLIKOM NG DATOS
E. PARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS
22

C
..
D

CHECK LIST

Pangwakas Na Pagtataya Sa Modyul 2:


Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pananaliksik kung ito ay kuwalitatibo o
kuwantitatibong pag-aaral. Isulat sa patlang ang KL kung ito ay kuwalitatibo at KT
naman kung ito ay kuwantitatibo.

________1. E-Filipino: Ang Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Wikang Filipino Sa


Sistemang Open and Distance Learning ni Jayson De Guzman Petras

________2. SNS: Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo ni Maria Fe E. Gannaban

________3. Ang Paggamit ng Trigram Ranking Bilang Panukat sa Pagkakahalintulad at


Pagkakapangkat ng mga Wika / Trigram Ranking: Metric for Language
Similarity and Clustering ni Nathaniel Oco
________4. Doon o dito, ganoon o ganito: isang paggalugad sa pananaw ng guro
hinggil sa kanyang papel sa pagtuturo ng Akademikong Wikang Filipino sa
antas tersyarya ni Amur M. Mayor-Asuncion

________5. Sa Labas ng mga Bahay/Pinagtatrabahuhan: Mga Espasyo ng mga


Migranteng Pinoy sa Urbanisadong Landskeyp ng Singapore, lalo na sa
Lucky Plaza Mall ni Atoy M. Navarro
23

________6. Lahok-Linang: Pagtataya sa mga Gawain ng Kapisanang Diwa at Panitk


(KADIPAN) Taong Panuruan 2016-2017 Bilang Integratibong Lunsaran sa
Paglinang ng mga Makrong-kasanayang Pangwika Tungo sa Pagpapataas
ng Pakikilahok sa mga Gawaing Pang-organisasyon ni Voltaire Villanueva

________7. Dalawang Kaso: Kunwari o Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o
Bagay? = Two Cases: Kunwari o Halimbawa? Which of the Two? What or
Who is Beung Referred to? A Person or a Thing? ni Maria Fe E. Gannaban

________8. Mula Tsismis Hanggang Panata: Filipino Bilang Multidisiplinal at


Interdisiplinaryong Larangan ni Crizel Pascual Sicat

________9. Bakla at Tomboy: Kulay at Drama sa Isa Pang Aspekto ng Lipunang Tondo
ni Gil G. Gotiangco Jr.
________10. Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patungo sa Hamon ng Globalisasyon ni
Rizalyn J. Mendoza

Mahusay! Ngayon ay alam mo ng kilatisin ang pamamaraan sa pag-


aaral. Ang mga halimbawa sa panghuling gawain ay maaari mo na ring
gawing gabay sa muling pag-aayos ng sarili mong pamagat sa
pananaliksik. Halina, busugin pa natin ang iyong diwa ng mga bagong
kaalaman sa susunod na Modyul.

NATUKLASAN

MODYUL 3: ANG PAGLALAHAD NG MGA


NATUKLASAN SA PANANALIKSIK

Maituturing na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang


paglalahad ng resulta o natuklasan. Ito ang nagpapakita ng mga naging tugon ng mga
24

kalahok sa isinasagawang pag-aaral. Sa madali’t sabi, ito ang mga awtentikong datos na
gagamitin sa pagsusuri upang mapatunayan ang isang pag-aaral.
Inaasahang pagkatapos ng modyul 3 ay nagagamit mo ang natutuhang mga
konsepto sa paglalahad ng natuklasan sa mga tanong na binuo sa Modyul 1.
Subuking sagutin ang panimulang pagtataya para sa Modyul 3. Tatasahin nito
ang mga dapat mong tandaan sa paglalahad ng mga natuklasan.

Panimulang Pagtataya sa Modyul 3


Panuto: Kompletuhin ang mga di-kumpletong pahayag ukol sa kabanatang
ito.
1. Ang mga kasagutan sa mga layunin ng pag-aaral ay inilalahad
____________________________________________________________________.
2. Gumagamit ng mga istrumentong bar graph, pie chart,
talahanayan__________________________________________________________.
3. Nakaangkla ang paglalahad ng mga datos at impormasyon
____________________________________________________________________.
4. Walang kaugnay na pag-aaral at literatura ang bahaging natuklasan
dahil________________________________________________________________
5. Mahalagang mabanggit ang bilang ng mga kalahok na sumasang-ayon o
sumasalungat sa mga ideyang inihahain sapagkat___________________________.

Mahalagang Konsepto
Ang paglalahad ng natuksan sa pag-aaral ay kailangang nakaangkla sa mga tanong o
kaya’y layuning inilahad sa panimula ng pag-aaral. Sa ganitong kaparaanan ay nagiging
sistematiko ang organisasyon ng presentasyon ng mga katugunan.
Magkaiba ang pamamaraan sa presentasyon ng mga datos sa kuwantitatibo at
kuwalitatibong uri ng pananaliksik. Sa bahaging ito, inilalahad ang mga natuklasan sa
pamamagitan ng pagkokoda at tema kung ito ay kuwalitatibong pananaliksik.
Samantala, sa kuwantitatibong pananaliksik, ang dalawang pangunahing paraan ng
presentasyon ay sa pamamagitan ng graph, talahanayan o chart. Ang mga halimbawa
ay ang mga sumusunod:
25

Bar Graph

Pie Chart
26

Line Graph

Sa kuwalitatibong pag-aaral, isinasagawa ang paggawa ng axial coding para

matukoy ang naging kasagutan ng mga kalahok sa pag-aaral, pagtatago sa kanilang

pagkakakilanlan sa tulong ng mga koda (SHF-1) para sa Senior High School Filipino 1,

pagtatranskrayb ng mga sagot, paghahanap ng mga pagkakatulad, upang makabuo ng

mga koda, kategorya at tema sa mga bukas o di-estrukturadong katanungan.


27

Axial Coding

GAWAIN 3.1 NATUKLASAN, I-TALLY LANG IYAN!


Panuto: I-tally ang mga edad ng inyong mga kamag-aral sa pamamagitan ng
frequency distribution table.
MGA MAG-AARAL NG 11-LUNA EDAD

1. Christina 16

2. Maricris 15

3. Jamillah 18

4. Joselito 19

5. Felisa 16

6. Fernando 17

7. Donnabelle 17

8. Melvin 18

9. Maynard 17

10. Kimberly 15

11. Annabelle 16

12. Chloe 16

13. Teresita 17

14. Maiah 18

15. Benedict 17
28

GAWAIN 3.2
Panuto: Gamit ang nakalap na datos batay sa edad ng iyong mga kamag-aral bumuo ng
isang pie chart na magpapakita ng kuwantitatibong paglalahad tulad ng sa ibaba at
gumawa ng pagsusuri.

PIE Tsart

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Pangwakas na Pagtataya sa Modyul 3

Panuto: Gumawa ng paglalahad at pagsusuri sa mga talahanayan sa ibaba bilang


pagsasanay.

Talahanayan Bilang 1
29

A. Frequency and Percentage Distribution ng mga Kalahok Batay sa Kasarian


Kasarian Frequency Percentage

Lalaki 66 56.89

Babae 50 43.10

Total 116 100

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
B. Suriin ang pagkakatulad ng mga sagot ng mga kalahok sa kuwalitatibong pag-aaral
at isulat sa ilalim ng koda at bumuo ng kategoryang mailalagay sa susunod na hanay.
Tanong Tugon ng mga Koda Kategorya
Kalahok
Maaari po ba kayong Lalo po mga bata pa
magsalaysay ng po sila. At ang iba po
inyong naging first time po nilang
karanasan sa magreserach kaya
pagtuturo ng medyo nahihirapan po
sila specially sa
pananaliksik?
Tagalog.
-SHF-1
Ang aking karanasan
sa pagtuturo ng
pananalisik, Ma’am
naging mahirap poi
to, ahhh. Ma’am yung
mga bata po hindi po
30

sila ganoon ka
preparado para
tumungo po dun sa
gaanong
kalalim,kahirap,
opo kabigat na
asignatura o gawain.
-SHF-4

Nahihirapan po silang
gumawa ng topic,
gumawa ng mga
tungkol sa
pananaliksik nila.
-SHF-12

Ahhh, yung mindset


nila na bago sa kanila
na akala nila kapag
sinabing pananaliksik
isa na itong dagok na
hindi nila kayang
lagpasan, subalit
ginamit ko yung
kakayahan ng mga
bata upang ituro ito.
-SHF-8

Binabati kita sa iyong pagpupunyagi! Babaunin mo ang iyong natutuhan sa


bahaging ito sa paggawa ng iyong sariling pananaliksik. Tandaan, sa bahaging
natuklasan, sunud-sunod mong ilalahad ang naging tuklas sa pananaliksik batay

sa mga tanong na nabuo sa panimula o layunin ng pag-aaral at huwag mo


munang lalapatan ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

Makapaghihintay ito sa bahagi ng talakayan.


31

TALAKAYAN

MODYUL 4: ANG DISKUSYON/ TALAKAYAN BILANG


MAHALAGANG BAHAGI NG PANANALIKSIK

Ito ang huling hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Dito ay ilalahad ang


kabuuan ng isinagawang pag-aaral ukol sa partikular na paksa, at ang mahahalagang
punto na natuklasan ng mga mananaliksik.
Upang matuto ka sa modyul na ito, basahin at unawain mong maayos ang mga
mahalagang konsepto, sagutin ang mga pagsubok nang may katapatan, at sumunod sa
mga panuto.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul 4, inaasahang natutukoy mo ang
pagkakaiba ng natuklasan, kongklusyon, at rekomendasyon at nakabubuo ka ng
rekomendasyon at mahalagang konsepto sa paksa.
Subukin nating tayain ang kahandaan mo sa araling ito, sa tulong ng paunang
pagsubok. Sagutin mo ito nang maayos.

Panimulang Pagtataya sa Modyul 4


Panuto: Tasahin ang iyong paunang kaalaman sa bahaging ito ng modyul sa tulong
pagsagot sa tseklist. Lagyan ng / kung tiyak ka sa sagot at x naman kung hindi ka tiyak.

Paksa Oo Hindi
1. Ang paglalahad sa talakayan ay nakaangkla sa resulta ng
natuklasan sap ag-aaral.
32

2. Upang maipaliwanag ang mga paksa ng natuklasan,


kailangang lakipan ang mga ito sa mga umiiral na teorya,
prinsipyo, kalakaran at mga kaugnay na literatura at pag-aaral.

3. May bukod na bahagi ang kongklusyon at rekomendasyon.


4. Kailangang masagutan ng bahaging ito ang pinakalayunin ng
pag-aaral.

5. Bumuo ng estruktura o balangkas ng pag-aaral bilang


paglalagom sa pag-aaral.

Kumusta ang iyong naging katugunan? Tumpak ba ang lahat ng iyong


sagot? Huwag kang mabahala dahil malapit na tayo sa panghuling bahagi
ng ating modyul. Ang lahat
ng kasagutan ay nasa panghuling pahina ng modyul na ito.

Mahalagang Konsepto
Sa bahaging ito ng pag-aaral ay ang pagsusuri ng mga natuklasan sa
sistematikong paraan, batay sa pagkakasunod- sunod ng mga presentasyon ng mga
datos. Mabusising pag-aralan ang mga natuklasan kaugnay ng mga tanong na inilahad
mo sa Modyul 1, ilakip ang mga kaugnay na literatura na magbibigay sustansiya sa
pananaliksik na isinasagawa. Mas makabubuti kung ang mga ito ay marami, maaaring
ang mga ito’y nagmula sa banyaga at lokal na pag-aaral. Mainam din na komunsulta sa
mga libro, articles at e-journals upang lalong mapagtibay ang pananaliksik. Kasunod
nito ay ang kongklusyon, na ang ibig sabihin nito ay ang mga bagong tuklas,
karunungan, konsepto, at teoryang maaaring sumibol sa ginagawang pananaliksik. Sa
bawat suliranin/layunin ng pag-aaral ay kailangang makabuo ng kongklusyon sa
natuklasan sa pag-aaral, maaaring tanggapin o pasubalian ang haypotesis na binuo sa
simula. Sa panghuli, ang pagtukoy ng/ng mga rekomendasyon sa bawat
paksa/layunin ng pag-aaral na magsisilbing solusyon upang matugunan ang tinatawag
na “gap” sa pananaliksik na isinusulat.
33

Halimbawa ng pagkakaugnayan ng natuklasan, kongklusyon at


rekomendasyon hango sa SIYAsig ng Tesis: Pagsipat sa Kahandaan ng mga
Gurong Di-Masterado sa Pagtahak sa Mundo ng Pagtuturo ng Pananaliksik

Ang mga tradisyunal na pamamaraan sa pagpapalawig ng kaalaman sa


pagtuturo ng isang guro tulad ng mga dating iskema, paggamit ng libro, at pakikilahok
sa palihan ay nanatiling mabisang paraan upang maresolba ang suliranin sa pagtuturo
ng pananaliksik sa Filipino.

Sa naging pag-aaral nina Oleson & Hora (2014) ang guro ay nagtuturo sa
pamamagitan na kung paano siya naturuan noong siya ay mag-aaral pa. Ang repleksyon
sa mga dating kaalaman at iskema ay nakatutulong sa kanya upang maibahagi ang
kaalaman sa paksa. Kabilang dito ang mga karanasan sa loob ng klasrum, professional
development gaya ng pagsali sa mga worksyap, seminar, pakikilahok sa mga
pampananaliksik na gawain ng iba’t ibang samahan, at pagbabasa tungkol sa nilalaman
at pedagohiya ng mga aklat-pananaliksik. Lubos na nakatutulong ang mga ito upang
malinang ang pagtuturo ng isang guro na bukas sa mga pagbabagong nagaganap sa
larangan mg edukasyon lalo na sa gawaing pananaliksik.

Batay sa pag-aaral nina Komba at Nkumbi (2008), sa mga bansang kabilang sa


third world country tulad ng Pilipinas, ang edukasyon ay mismong ang “guro”. Siya ang
pangunahing hanguan ng kaalamaan, kasanayan, modelo at inspirasyon ng mga
magaaral. Kaya’t mahalagang pagtuunan niya ng pansin ang kanyang sarili nang
mapalago at mapayaman ang kanyang kaalaman upang epektibong maibahagi niya ito
sa kanyang mga mag-aaral. Ang pagdalo sa iba’t ibang palihan at worksyap ay
nagbibigay ng malaking oportunidad sa guro upang magalugad ang mga bagong
tungkulin, estratehiya, at mga best practices sa pagtuturo.

Samakatuwid, ang patuloy na pagbabasa ng mga aklat at pagdalo sa mga


palihan ng mga guro sa pananaliksik sa Filipino ay makakatulong nang malaki upang
lalong mapaghandaan ang ganitong kabigat na asignatura. Sa tulong ng mga ito ay
napapalawig ng guro ang mga paksa ukol sa pananaliksik.

Sa kabuuan ng gawaing pananaliksik, natuklasan ang kawalan ng kahandaan ng


mga di-masteradong guro sa pagtuturo ng pananaliksik. Dahil dito, iminumungkahi sa
34

mga guro ng pananaliksik na kung maaari ay palagiang dumalo sa palihan at worksyap


na may kinalaman sa pagtuturo at paggawa ng pananaliksik. Iminumungkahi rin sa
DEpEd na kung maaari ay bumuo ng mga modyul na maaaring maglaman ng iba’t
ibang modelo ng mga para-paraan ng paggawa ng pananaliksik kasama ang mga
mahahalagang termino sa pananaliksik na nakasalin sa Filipino na magtitityak sa
pagusbong ng isang kaalaman na magpapakita ng awtput ng bungang-saliksik sa
Filipino ng mga tinuturuan.

Sa tulong ng iba’t ibang kulay ay makikita ang pagkakahati ng mga talata mula
sa natuklasan, mga kaugnay na pag-aaral, kongklusyon at rekomendasyon. Sa
panghuling talata ay malinaw na nailahad ang mahalagang kasagutan sa paksa ng
pagaaral: ang pagsipat sa kahandaan ng mga gurong di-masterado sa pagtahak sa
mundo ng pagtuturo ng pananaliksik.

Upang matulungan ka sa bahaging ito ng pag-aaral, sagutin ang nakalaang


pagsasanay.

GAWAIN 4.1 REKOMENDASYON, IYAN ANG AGARANG SOLUSYON!

Panuto: Magsaliksik at lapatan ng sanhi/dahilan, kongklusyon, kaugnay na pag-aaral at


rekomendasyon ang mga isyung panlipunang nakatala sa ibaba at gamitin ang reseta
ng doktor sa pagbibigay solusyon sa mga problemang ito.
35

a. Paglobo ng populasyon sa
Pilipinas.
b. Pambubulas sa paaralan.
c. Pagkalango sa bawal na
gamot.
d. Maagang pag-aasawa ng mga
kabataan.
e. Cyberbullying sa mga
kabataan.

Sikaping sagutan sa bahaging ito ng modyul:


a._____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
b._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
c.______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
d._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
e._____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka ng Gawain 4.1.
Batayan ng Grado Kaukulang Grado
Puntos
Nilalaman 25
Estilo ng pagsulat 15
Kaangkupan ng mga salita 10
Kabuuan 50

GAWAIN 4.2

Panuto: Batay sa iyong naging karanasan sa modyul na ito, magbigay ng mga salita na
may kaugnayan sa pananaliksik gamit ang konseptwal na balangkas sa ibaba.
36

PANANALIKSIK
37

Pangwakas na Pagtataya sa Modyul 4

Magsaliksik ng isang pag-aaral sa ibig mong paksa. Tukuyin ang mga bahagi sa
Kabanata 4 (lumang pormat) o Talakayan (bagong pormat) ang natuklasan,
kongklusyon at rekomendasyon. Suriin kung tumpak at may pagkakaugnayan ang
bawat isa. Sundin ang pormat sa ibaba.

Bahagi Mayroon o Walang Dahilan


Kaugnayan
1. Natuklasan

2. Kongklusyon

3. Rekomendasyon

Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka sa panghuling pagtataya sa Modyul 4.

Batayan ng Grado Kaukulang Grado


Puntos
Nilalaman 25
Estilo ng pagsulat 15
Kaangkupan ng mga salita 10
Kabuuan 50

Tandaan ang bahaging ito ay may malaking kinalaman sa Modyul 1, 2


at 3. Ang mga mahalagang natuklasan sa mga tanong o layunin ng pag-aaral
ay muling itinatala, tinatalakay, nilalapatan ng kaugnay na pag-aaral at
38

literatura. Binubuo rin ang mahalagang insayt sa bawat natuklasan o


kongklusyon at nagmumungkahi ng mga solusyon o rekomendasyon upang
mapunan ang mga

suliranin ng pag-aaral.

PANGWAKAS NA GAWAIN at PAGPAPAHALAGA

Panuto: Bilang pangwakas na gawain para sa modyul na ito, itala ang mga katangiang
dapat taglayin ng isang baguhang mananaliksik at ipaliwanag ang bawat isa.

AKO, BILANG MANANALIKSIK

Ang mga katangian ng isang mananaliksik ay ang mga sumusunod:

a.________________________________________________________________

b.________________________________________________________________

c.________________________________________________________________

d.________________________________________________________________
39

e.________________________________________________________________

KABUUANG PANGHULING PAGTATAYA

Subukin mong sagutin ang lagumang pagsubok para masukat ang iyong

natutuhan sa paksang pananaliksik. Idrowing ang parisukat kung sang-ayon at


tatsulok kung di-sang-ayon sa mga ideyang inilahad.

_________ 1. Ang layunin ng pag-aaral ay nasusulat sa pormat na SMART (Specific,


Measurable, Achievable, Realistic at Time-bound).
_________ 2. Ang paksa ng pag-aaral ay kailangang tumutugon sa mga nakikitang
puwang o suliraning umiiral sa kasalukuyan.
_________ 3. Ang pinakalayunin ng pag-aaral ay nasasagutan sa bahaging
Metodolohiya.
_________ 4. Binabanggit ang pangalan ng mga kalahok at mga ekspertong nagsuri
sa instrumento ng pag-aaral.
_________ 5. Ang saklaw ng pag-aaral ay sumasakop sa mga kaugnay na literatura at
pag-aaral.
_________ 6. Ang pagbabago sa polisiya dahil sa impluwensya ng resulta ng
pananaliksik ay maitururing na kahalagahan ng pag-aaral.
_________ 7. Ang ibig sabihin ng KWF ay Komisyon ng Wikang Filipino ay halimbawa
ng konseptwal na kahulugan.
_________ 8. Ang pagiging maligoy at masalita ay nakapagpapaganda sa nilalaman ng
mga talata.
_________ 9. Naipakikita ang pagiging makaagham ng pag-aaral sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
_________ 10. Nakaangkla ang presentasyon sa resulta ng mga natuklasan sa mga
layunin ng pag-aaral.
40

Ang aking taos-pusong pagbati sa iyong pagsisikhay

upang maabot ang bahaging ito ng modyul. Madali


lamang ang pagsulat kung ikaw ay nagagabayan sa tulong ng mga
konsepto at dagdag na Gawain upang mahasa mo ang iyong kasanayan
sa bawat bahagi ng

modyul. Sa palagay ko’y handa ka na upang


pumaimbulog sa sarili mong pananaliksik.
41

You might also like