You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON 5 - BICOL
SANGAY NG CATANDUANES
VIRAC, CATANDUANES

FILIPINO 7 - KWARTER 4
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
Sistematikong pananaliksik ng mga impormasyon

Pangalan: ________________________________________________________________
Antas/Baitang: _______________________________________Petsa: ________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang paksang tatalakayin para sa linggong ito ay tungkol sa sistematikong
pagsulat ng mga impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna, ito ay maaaring makatulong sa inyong pang araw-araw. Upang
matutuhan ang mga paraan ng pagsulat ng sistematikong pananaliksik sa
anumang paksang nais na saliksikin. Matututuhan ang kahalagahan ng
pananaliksik.

SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
Sa paksang ito, ating tatalakayin ang walong (8) hakbang sa pagsulat
ng sistematikong pananaliksik.
Mayroong walong hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Narito ang mga
sumusunod:

1. Unang Hakbang – Maghanap at maglimita ng paksa. Ang paksang ito ay


nararapat na mayroon kang sapat na kaaalaman, nakawiwili, mapagkukunan
ng datos, may sanggunian, may kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.

2. Ikalawang Hakbang – Guwama ka ng temporaryong balangkas. Ilahad sa


pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa. Kasunod nito, ilagay ang mga
layunin, itala o ilista ang mga tanong, at pangatwiranan ang kahalagahan ng
paksa.

3. Ikatlong Hakbang – Itala ang mga sanggunian. Ating tandaan na dapat hindi
nating takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit
gawin itong minimum sa pitong sanggunian.

1
4. Ikaapat na Hakbang – Kumulekta o kumuha ng datos. Tandaan na ang mga
magkaparehas na paksa ay importante dahil ang dating kaalaman sa mga
nabasa ay mag bibigay ng ideya sa manunulat. Makatutulong ang paggamit
ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian

5. Ikalimang Hakbang – Gumawa ng konseptong papel. Ito’y nagagamit natin


kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin. Bukod dito ang
balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-linaw
sa isusulat.

6. Ikaanim na Hakbang – Gawin ang dokumentasyon. Mahalaga ito upang


masinup ang mga datos. Para dito dapat tayong gumamit ng parentetikal na
paglalahad ng sanggunian at obserbahan ang paggamit ng wastong
pagbabantas.

7. Ikapitong Hakbang – Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

8. Ikawalong Hakbang – I-proof read o ipa review sa isang “proof reader” o


panel ang iyong gawang sulating pananaliksik at ipasa kung ito’y
naaprubahan na.

Ang Halaga ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng pananaliksik ,lumalawak at lumalalim ang karanasan


ng tao, hindi lang tungkol sa partikular na paksang pinag-aaralan niya,kundi sa
lipunang nagsisilbing konteksto ng kaniyang pananaliksik.

Magkakaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang kapuwa at


nakikita niya ang bisa ng pananaliksik upang mapabuti.

Ang pananaliksik ay lalong mailalatag ang halaga ng pananaliksik


kung isasaalang-alang ang pangangailangan ng lipunang kinalulugaran nito.

Ang Pananaliksik ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng ga


ebidensiya at aktuwa na mga datos. Ito’y nailalarawan, naihahambing at natutuos
upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o larawan, naiihambing
at natutuos upang makita ang relasyon ng hipotesis sa panukalang tesis o
disertasyon na isang trabahong siyentipiko. Kung kaya ito ang uri ng pananaliksik na
tumutukoy sa sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso
ng imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.

2
Bakit Mahalaga Ang Pagsusuri?

Ang pagsusuri ay isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan nating


matutunang lahat. Sa ating pang araw-araw na buhay, maraming mga opinyon,
ideya, at isyu ang haharap sa atin.

Kaya naman, hindi dapat tayo makinig na lamang sa kung ano ang sinasabi
ng iba. Ito’y dahil sa panahaon ngayon, madali lamang ang pagkakalat ng mga
pekeng balita na walang basehan.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsusuri. Bukod sa
nagbibigay ito ng pansariling opinyon sa mga isyu, ang personal na pagsusuri ay
nagpapatalas ng ating kritikal na pag-iisip.

Karagdagan, ang ating kaalaman ay lumalawak din at minsan ay nagbabago ang


ating perspektibo sa mga nakaraang mga isyu. Alam naman nating lahat na ang
tama at wastong impormasyon ay isa sa pinaka mahalagang aspeto ng isang
komunidad.

Samantala, sa mundo naman ng panitikan, sumasalamin kung ano ang pinagdaanan


nito mula pa sa mga dating panahon hanggang ngayon. Ang pagsusuri ng anumang
panitikan ay mga batayan kung anong uri siya kabilang.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang kaligirang pangkasaysayan ay naglalarawan sa rason o pangyayari na


sinaunang naganap o kaya ay ginawa na siyang tumuloy sa kung ano o bakit ganito
ang isang bagay, tao, pangyayari, at iba pa.

Dahil dito, malalaman ng mga tao ang pangkasaysayan na pinag-ugatan ng


isang bagay, tao, pangyayari, o lugar, na hanggang ngayon ay nakakaapekto o
naapektuhan sa isang bagay

Dahil rin sa tinatawag na historical background, malalaman natin ang mga


importanteng pangyayari na naganap sa ating komunidad at bakit nangyari ito.

Kung wala ito, hindi natin malalaman kung saan tayo nagmula, kasama na
ang mga alaala ng mga ninoo natin.

3
Halimbawa:

Kaligirang Pangkasaysayan Ng Noli


Me Tangere

Isinulat ni Jose Rizal ang


nobelang Noli Me Tangere upang
maging isang mabisang paraan sa
paghihimagsik laban sa mga
mananakop na Kastila.

Nagkaroon ng inspirasyon ang 24


anyos na si Rizal na isulat ang kaniyang
unang nobela nang mabasa niya ang
mga aklat na The Wandering Jew, Uncle
Tom’s Cabin, at ang Bibliya.

Ang mga aklat na ito ang


nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay
Rizal na ipagtanggol ang mga Pilipinong
labis na nakararamdam ng pang-
aalipusta sa mga mananakop.

Upang labis na maging


makatotohanan ang kaniyang nobela ay ninais niyang maisulat ang ilang kabanata
nito ng mga kapuwa Pilipino na nakaranas ng labis na kalupitan mula sa mga
dayuhan.

Ngunit hindi niya ito naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat
nito. Isinulat niya ang mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos
ang ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela
at tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya.

Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang naging
suliranin ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola.

Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa
mga Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal.

4
II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs)

Naisusulat nang sistematiko ang nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng


kaligirang pangkasasayan ng Ibong Adarna.

III. GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Bilang gawain, maghanda ng isang puting papel (coupon bond) at


magsaliksik ng mahahalagang impormasyong Kaligirang Pangkasaysayan ng
akdang Ibong Adarna sa pamamagitan ng isang Graphic Organizer.

Halimbawa:

1 mahahalagang pangyayari
2 mahahalagang pangyayari
3 mahahalagang pangyayari

***dagdagan kung kinakailangan***

Ang gawaing ito ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubriks sa pagmamarka


sa ibaba. Gagamitin ang mga

MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA Puntos


10 7 4
(kung wasto at (mayroong nakitang (hindi buo o hindi sapat ang
tapat ang mga kaunting kamalian sa impormasyong nakalap)
impormasyong impormasyong (hindi maayos ang nailahad
nakalap) nakalap) na gawain)
(maayos at kaaya- (di-gaanong maayos
ayang nailahad ang nailahad na
ang gawain) gawain)

Gawain 2 – Repleksyon

5
Panuto: Bilang repleksyon sa inyong ginawang pananaliksik at paglalahad ng
mga impormasyon ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna, lagyan ng
tsek kung inyong nasunod o nagawa ang mga hakbang upang inyong
makuha ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

Pangalan ng mag-aaral:
________________________________________________

Mga Hakbang Tsek kung Ekis naman kung


nasunod ang mga hindi nasunod
hakbang ang mga
hakbang
Unang Hakbang – Maghanap at
maglimita ng paksa. Ang paksang ito ay
nararapat na mayroon kang sapat na
kaaalaman, nakawiwili, mapagkukunan ng
datos, may sanggunian, may kabuluhan at
magagawan ng kongklusyon.
Ikalawang Hakbang – Guwama ka ng
temporaryong balangkas. Ilahad sa
pangungusap ang nais pag-aralan sa
paksa. Kasunod nito, ilagay ang mga
layunin, itala o ilista ang mga tanong, at
pangatwiranan ang kahalagahan ng
paksa.
Ikatlong Hakbang – Itala ang mga
sanggunian. Ating tandaan na dapat hindi
nating takdaan ang bilang ng maksimum
na bilang ng sanggunian ngunit gawin
itong minimum sa pitong sanggunian.
Ikaapat na Hakbang – Kumulekta o
kumuha ng datos. Tandaan na ang mga
magkaparehas na paksa ay importante
dahil ang dating kaalaman sa mga nabasa
ay mag bibigay ng ideya sa manunulat.
Makatutulong ang paggamit ng index card
sa pagtatala ng mga sanggunian
Ikalimang Hakbang – Gumawa ng
konseptong papel. Ito’y nagagamit natin
kapag sigurado ka na sa paksang
sasaliksikin. Bukod dito ang
balangkas/framework ng daloy ng laman

6
ng pananaliksik na magbibigay-linaw sa
isusulat.
Ikaanim na Hakbang – Gawin ang
dokumentasyon. Mahalaga ito upang
masinup ang mga datos. Para dito dapat
tayong gumamit ng parentetikal na
paglalahad ng sanggunian at obserbahan
ang paggamit ng wastong pagbabantas.
Ikapitong Hakbang – Isulat ang pinal na
kopya ng pananaliksik.
Ikawalong Hakbang – I-proof read o ipa
review sa isang “proof reader” o panel ang
iyong gawang sulating pananaliksik at
ipasa kung ito’y naaprubahan na.

IV. SANGGUNIAN

https://philnews.ph/2020/12/01/bakit-mahalaga-ang-pagsusuri-kahulugan-at-
halimbawa/
https://philnews.ph/2020/02/20/kaligirang-pangkasaysayan-ano-ang-
kaligirang-pangkasaysayan/
https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-noli-me-
tangere-buod
https://brainly.ph/question/471739

Inihanda ni:

AGNES H. SAMBAJON
Guro I
Bagamanoc RDHS

You might also like