Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Paaralan Panoypoy Integrated School Baitang/Antas GRADE 10
Guro MARY ROSE P. PASACAS Asignatura Araling Panlipunan 10
Petsa/Oras FEBRUARY 25, 2025 Markahan Ika-apat Markahan
8:15-9:00
I.LAYUNIN
Natutukoy ang iba't ibang uri ng karapatang pantao.
Nasusuri ang kahalagahan ng pangangalaga at pagtataguyod ng mga karapatang pantao.
Nakakabuo ng isang malikhaing pagpapahayag ukol sa pagtataguyod ng karapatang pantao.
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan
at pakikilahok sa mg agawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad,
mapayapa at may pagkakaisa.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan.
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulatang code ng bawat kasanayan :
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
II.NILALAMAN : Mga Karapatang Pantao
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1.Mga pahinasaGabayngGuro:
2.Mga PahinasaKagamitang Pang-Mag-aaral: Araling Panlipunan LM Pahina.:
3 .Mga PahinasaTeksbuk: Department of Education. Araling Panlipunan 10 Materyal Pansanay, Learners
Module. 2017.
4.Karagdagang Kagamitanmulasa portal ng Learning Resource:
5.Iba pang KagamitangPanturo: Chalk, eraser, chalkboard
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pambungad na Panalangin
2.Pagbati ng Guro
3.Pagtatala ng lumiban sa klase
IV. 1. Aktibiti BALIK ARAL:
Ayong sa abogadong c Alex Lacson merong labindalawang gawain para maipakita
ang pagiging aktibong mamamayan. Ano-ano nito?
Gawain: "Karapatan o Hindi?"
2. Analisis
Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang grupo Magpapakita ang guro
ng mga sitwasyon sa pamamagitan ng larawan isang manggagawang hindi
nababayaran nang tama, isang bata na nag-aaral sa isang pampublikong paaralan.
Grupo A: Magpapaliwanag kung bakit ang sitwasyon ay nagpapakita ng isang
karapatan.
Grupo B: Magpapaliwanag kung bakit maaaring may paglabag sa karapatan.
Pamrosesong Tanong:
Ano ang napansin ninyo sa mga sitwasyong ipinakita?
Ano sa tingin ninyo ang kahalagahan ng mga karapatang ito?
3. Abstraksyon
Ang karapatang pantao ay ang mga likas na karapatan at kalayaan na
taglay ng bawat tao mula sa kanyang kapanganakan anuman ang lahi,
kasarian, relihiyon, o katayuan sa buhay. Ang mga ito ay nagbibigay ng
proteksyon sa dignidad at kalayaan ng bawat indibidwal.
Taglay ng bawat tao ang mga karapatang nakabatay sa prinsipyo ng
paggalang sa isang indibiduwal. Lahat ng nabubuhay na indibiduwal ay
may taglay na mga karapatan dahil bawat isa ay nararapat na tratuhin
ng may dignidad. Saklaw ng tao ang kaniyang mga karapatan sa aspektong
sibil, poltikal, ekonomikal, sosyal, at kultural. Makikita sa kasunod na
diyagram ang kontekstong historikal na pag-unlad ng konsepto ng
karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa pagkabuo ng
Universal Declaration of Human Rights ng United Nations noong 1948
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isang
pandaigdigang dokumento na ipinahayag ng United Nations (UN) noong
Disyembre 10, 1948, na naglalaman ng mga pangunahing karapatang
pantao na dapat igalang at ipagtanggol ng lahat ng bansa.
Layunin ng UDHR:
✔️ Itaguyod ang dignidad, kalayaan, at pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao
✔️ Protektahan ang mga indibidwal laban sa pang-aabuso, diskriminasyon, at pang-
aapi
✔️Siguruhin ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon, hanapbuhay, at kalayaan sa
pagpapahayag
Mahahalagang Nilalaman ng UDHR:
📌 Artikulo 1: Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at karapatan.
📌 Artikulo 3: Ang bawat isa ay may karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad.
📌 Artikulo 19: May karapatan ang lahat sa kalayaan ng opinyon at pagpapahayag.
📌 Artikulo 26: Ang bawat isa ay may karapatang makatanggap ng edukasyon.
📌 Artikulo 23: Ang bawat manggagawa ay may karapatan sa makatarungang sahod
at ligtas na kondisyon sa trabaho.
4..Aplikasyon Pangkatang Gawain: "Igalang at Itaguyod!"
Hahatiin ang klase sa maliliit na grupo.
Ang bawat grupo ay gagawa ng isang:
o Campaign Poster na nagtutulak ng kamalayan tungkol sa isang isyu
ng paglabag sa karapatang pantao.
o Maikling Role-Playing Scene na nagpapakita ng isang sitwasyon
kung saan nalalabag o naitataguyod ang karapatang pantao
5. Assessment Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng paglabag sa karapatang
pantao?
a) Malayang pagboto sa halalan
b) Hindi pagbabayad ng tamang sahod sa manggagawa
c) Libreng edukasyon para sa lahat
d) Pantay na pagtrato sa lahat ng kasarian
2. Ano ang pangunahing layunin ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR)?
a) Upang limitahan ang kalayaan ng mga tao
b) Upang protektahan at ipagtanggol ang karapatan ng bawat tao
c) Upang bigyang kapangyarihan ang gobyerno na kontrolin ang mamamayan
d) Upang alisin ang lahat ng batas tungkol sa karapatang pantao
3. Anong uri ng karapatan ang may kaugnayan sa malayang pagpapahayag ng
saloobin?
a) Karapatang Sibil at Pulitikal
b) Karapatang Pangkultura
c) Karapatang Pangkalikasan
d) Karapatang Pangkabuhayan
4. Aling batas sa Pilipinas ang direktang nagpoprotekta sa mga karapatang pantao
ng mamamayan?
a) Batas Republika Blg. 10121
b) Artikulo III ng Saligang Batas ng Pilipinas
c) Batas Republika Blg. 9165
d) Batas Republika Blg. 1425
5. Ano ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang karapatang pantao?
a) Pagtatago ng mga paglabag sa karapatang pantao
b) Pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa mga karapatan
c) Pagpapabaya sa mga isyu ng paglabag sa karapatan
d) Pagtanggal ng mga batas na may kinalaman sa karapatang pantao
6. Takdang Aralin
IV.MGA TALA
V.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B.Bilang ng mag-aaral
nanangangailangan
ng iba pang Gawain
parasa remediation.
C.Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral
nanakaunawa sa
aralin.
D.Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E.Alin sa mga
istratehiyang
pagtutroang
nakatulong ng lubos?
Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ng aking punungguro
at superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
Inihanda ni:
MARY ROSE P. PASACAS
Guro
Iniwasto ni:
SHERYL JEAN M. GARCIA
Ulong Guro