VE – PERFORMANCE TASK DULA
“CLICK”
Tauhan:
Marco – Marc Lance – Ryan Quinee – CM 1
Jared – Gregory Kristina – Aling Teresa Gwyneth – CM 2
Jewel – Psychiatrist
Script:
Eksena 1:
Gabi. Madilim ang kwarto ni Marco, tanging liwanag mula sa kanyang
cellphone ang nagbibigay-ilaw sa kanyang mukha. Halata ang
pagkahumaling niya sa pinapanood. Tutok na tutok sa kaniyang
cellphone na parang pinapasok niya ang mundo.Ng Biglang bumukas ang
pinto
Aling Teresa: (nagulat) Marco?! Ano ‘yang pinapanood mo?!
*(Mabilis na isinara ni Miguel ang cellphone, ramdam ang kaba sa
kanyang dibdib.)*
Marco: (gulat) W-wala po, Ma! May nag-pop up lang sa screen ko!
Aling Teresa: (nakakunot-noo) Siguraduhin mo lang, anak. Huwag kang
magpapakalulong sa kung ano-anong bagay. Matulog ka na, may pasok ka
pa bukas.
Napalunok si Marco, hindi makatingin nang diretso sa ina a Tumango
na lamang siya habang hinhintay itong lumabas.
Eksena 2:
Sa Silid-aralan habang May klase. Si Marco ay nasa isang sulok,
tahimik ngunit abala sa kanyang cellphone. Abala siya sa panonood,
hindi alintana ang mga nangyayari sa paligid.
KAKLASE 1: (pabulong sa kaklase) Uy, tignan mo si Marco… Mukhang
hindi lang lecture ang pinapanood niyan!
KAKLASE 2: (natatawa) Grabe! Talaga bang sa klase pa? Wala ka bang
mapiling oras, Marco?
Napansin naman ito ng guro at mabilis na lumapit kay Marco.
GURO:(mahigpit) Marco! Ano ‘yang ginagawa mo?!
Marco: Ah-eh wala po maam, nagtitiktok lang po, pasensya na
Nagulat si Marco at agad na sinara ang cellphone, ngunit huli na ang
lahat. Ramdam ni Marco ang panlalait sa kanya, tila binabalot siya
ng matinding kahihiyan.
Eksena 3:
Matapos ang klase, Sa isang sulok ng silid, mag-isang nakaupo si
Miguel. Lumapit si Jared, ang kanyang tapat na kaibigan.
JARED: Marco… Alam kong hindi lang ito simpleng pagkakamali. Ano
bang nangyayari sa’yo?
MARCO: (mahina ang boses) Hindi ko alam, Jared… Nagsimula lang sa
curiosity. Nakikita ko sa social media, sa ads, sa mga post…
Hanggang sa… hindi ko na mapigilan.
JARED: Marco, hindi mo ba napapansin? Hindi na ito normal. Sa klase,
sa bahay, pati sa sarili mo—parang hindi ka na mapakali kung hindi
mo ito ginagawa.
MARCO: (napayuko) Alam ko… Pero paano ko titigilan? Para bang
kinakain na ng utak ko. Kahit anong pigil ko, hinahanap-hanap ko pa
rin.
JARED: Hindi mo kayang lampasan ‘to nang mag-isa. Hindi ito biro,
Marco. Isa itong bagay na tiyak na makakaapekto sa buhay at unti-
unting suisira sa’yo.
Tahimik si Marco. Alam niyang may katotohanan ang sinabi ng
kaibigan.
Eksena 4:
Makalipas ang ilang araw. Napapansin na ng nakararami ang pagbabago
sa kaniyang mga kilos, sa paaralan o sa kanilang Bahay. Kinausap na
rin ng kaniyang guro ang kaniyang ina ukol rito.
(Biglang may kumatok nang malakas sa pinto. Hindi niya pinansin.
Muling bumukas ang pinto—si Aling Teresa)
ALING TERESA: Marco anak tama na! Alam kong may bumabagabag sa’yo.
Kausapin mo naman ako, anak.
MARCO: (mahina ngunit matatag) Ma… May gusto po akong aminin, Ma
sorry po
ALING TERESA: (mahigpit ang hawak sa kamay ng anak) Anak, anuman
‘yan, nandito ako.
MARCO: (nagpipigil ng luha) Hindi ko po mapigilan… Hindi ko po alam
kung paano titigil… Parang nilalamon na ako.
ALING TERESA: Hindi mo kailangang harapin ito mag-isa, Marco. Huwag
mong hayaang sirain ka ng bagay na ito. Alam ko na kailangan mo ng
tulong at nandito kami para sayo, bukas magpapatingin tayo sa
psychiatrist
Eksena 5:
PSYCHIATRIST: Magandang araw po ma'am ano pong pakay po Ninyo
ALING TERESA: Nais ko po sanang ipatingin ang aking anak, sapagkat
nahumaling po siya sa isang masamang Gawain at ngayoy nakaka apekto
na ito sakanya:
PSYCHIATRIST: Mhmm, naiintindihan ko po kayo maam, at Mabuti nga at
ipinunta niyo po siya dito upang maagapan ito at matulungan siya,
nakakaapekto po asi ito sa ating pag iisip, sa paglipas ng panahon.
Inirerekomenda ko pong dumaan siya sa therapy at pagbabawas po ng
exposure sa online world...
Lumipas ang ilang lingo, at mas nagging maayos na ang lagay ni
Marco. Mas na-eenjoy niya na ngayon ang mga gawaing natitiyak para
sakanyang edad.
JARED: uy marco, buti naman at pumasok kanang muli, ano ayos kanaba?
RYAN: Na-miss ka namin pre, Kahit na may kalokohan ka hehe, joke lng
MARCO: Ano ba kayo, alam kong nagkamali ako, malaking pagkakamali.
May mga humusga, may mga tumawa. Ngunit masasabi kong nalalagpasan
ko na to ngayon. Noon, akala ko wala lang, libangan lang. Pero unti-
unti, di ko namalayang kinakain nako nito. Hindi lang oras ang
Nawala sa akin, pati tiwala ng ibang tao at maging respeto saking
sarili. Napakahirap ng napagdaanan ko, at iyon ay ayaw ko nang
balikan muli, at kung may iba pang nagging katulad ko, ay sanay
maaga pa lang ay maagapan na at silay matulungan
JARED: Naks naman pre, ang galling mo ah
RYAN: Lupet mo tol!
(Patuloy ang masayang pagkkwentuhan ng mga magkakaibigan)