You are on page 1of 24

Pangatwiranan!!!!

Itinuro ka ng iyong kaklase sa


iyong guro na ikaw ang
napagkamalang naghagis ng balat
ng saging sa sahig upang madulas
ang iyong kaklase.
1.Iaabot mo sana ang wallet
na napulot mo sa taong
naiinis sa iyo. Subalit,
pinagbintangan ka niya na
ikaw ang kumuha ng wallet
niya.
POSISYONG PAPEL
A.KAHULUGAN NG POSISYONG
PAPEL
Ang posisyong papel , kagaya ng
isang debate, ay naglalayong
maipakita ang katotohonan at
katibayan ng isang tiyak na
isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa marami
depende sa persepsiyon ng mga
tao.
• Ang layunin ng posisyong papel ay
mahikayat ang madla na ang
pinaniniwalaan ay katanggaptanggap at
may katotohanan. Mahalagang maipakita
at mapagtibay ang argumentong
pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang
magpapatotoo sa posisyong
pinaniniwalaan o pinaninindigan.
> Ang posisyong papel ay
isang sanaysay na naglalahad
ng opinyon hinggil sa isang
usapin, karaniwan ng awtor o
ng isang tiyak na entidad
tulad ng isang partidong
politikal.
Ang mga posisyong papel ay
inilalathala sa akademya, sa
politikal, sa batas at ibang
pang domeyn.
Ayon naman kay Grace Feming, sumulat ng
artikulong “How to Write an argumentative
Essay,” ang posisyong papel ay ang pagsalig o
pagsuporta sa katotohana ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng
pagbuo ng isang kaso o usapin para sa inyong
pananaw o posisyon.
Mga dapat isaalang-alang para sa
mabisang pangangatwiran
Alamin at unawain ang paksang
ipagmamatuwid
Dapat maging maliwanag at tiyak
ang pagmamatuwid
Sapat na katwiran at katibayang
makapagpatunay
Dapat ay may kaugnayan sa paksa
ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
Pairalin ang pagsasaalang-alang,
katarugan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga
ilalahad na katwiran.
Mga Hakbang o Paraan ng Pagsulat
ng Posisyong Papel
1. Pumili ng isyung tatalakayin
2. Pumili ng posisyon sa isyu
4. Pag-isip at pagpili kung anong uri ng
pahayag ang iyong isinusulat
3. Magsaliksik ng mga impormasyon
5. Magsulat patungkol sa iyong
mambabasa
6. Pagsulat ng balangkas
7. Pagsulat ng burador
8. Pagrebisa ng burador
9.Aktwal na papel
Pormat ng Posisyong Papel
Introduksyon
Katawan
Kongklusyon
C. ANG PAGSULAT NG POSISYONG
PAPEL
1. Pumili ng paksa
- Ang posisyong papel ay iinog sa
iyong personal na paniniwala na
sinusuportahan ng pananaliksik.
2. Magsagawa ng panimulang
pananaliksik
- Kailangan ng panimulang
pananaliksik upang malaman kung
may mga ebidensyang sumusuporta sa
iyong posisyon. Hindi mo
gugustuhing madikit sa isang
posisyong guguho kapag inatake.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa
- Kailangan alam mong hindi lamang
ang iyong sariling posisyon, kundi
maging ang sasalungat sa iyo.
Kailangang alam mo ang mga
posibleng hamong iyong
kakaharapin.
4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng
mga sumusuportang ebidensya
- Sikaping makakolekta ng iba’t
ibang suporta tulad ng opinyon ng
mga eksperto at personal na
karanasan. Ang pagsangguni sa mga
kaugnay na aklat at babasahin,
maging sa mga tv na may mabuting
reputasyon at pakikipagpanayam sa
mga awtoridad ay makakatulong ng
lubos.
5. Gumawa ng balangkas
a. Ipakilala ang iyong paksa sa
pamamagitan ng kauting kaligirang
impormasyon. Gawin ito hanggang sa
iyong tesis na pahayag na
naggigiit sa iyong posisyon.
6. Isulat na ang iyong Posisyong
papel.
- Sa pagsulat ng posisyong
papel, kailangang maipamalas
ang tiwala sa sarili
(confidnce). Sa sulating ito,
kailangang maipahayag ang iyong
opinyon ng may awtoridad.
Tandaan, ang layunin mo ay
maipakita ang iyong posisyon na
tama.
• Pangkatang gawain
• -Hatiin ang klase sa 4-5 grupo upang basahin ang isang
Halimbawa ng Posisyong Papel
• Pantulong na tanong:
• 1. Tungkol saan ang binasang artikulo?
• 2. Paano ito sinimulan?
• 3. Sa inyong palagay paano sinusulat ang posisyong
papel?

• Ilalahad ng bawat pangkat ang argumento at
ebidensya na maaaring Makita mula sa artikulo.
Takdang aralin!!! manaliksik
Paggamit ng tablet o iba pang gadget sa
pagaaral sa halip na aklat sa paaralan
Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic
education (k to 12 program ,Senior HS)
Malayang paggamit ng Internet at social
media sa pag-aaral at pagpapahayag
Indibidual na Gawain!!!

• Ang kakayahang manindigan o


tumayo para sa isang paniniwala
o katotohanan ay isa sa
mahalagang katangiang dapat
taglayin sa pagsulat ng posisyong
papel .
Ipahayag mo nang buong-buo ang
iyong paninindigan . Sumulat ng isang
posisyong papel upang maipakita ang
katotohanan at katibayan ng iyong
pagmamatuwid at mahikayat mo ang
mga kabataang tulad mo na maganda
at tama ang iyong pinaniniwalaang
panig .
• Kailangan kong magkaroon ng panindigan
dahil
…____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Pamantayan Puntos

Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5


posisyong papel

Nakasulat ng organisado ,malikhain at kahika-hikayat na posiyong 5


papel

Nakasusulat ng posisyong papel batay sa maingat,wasto at angkop 5


na paggamit ng wika

Nakababatay sa pananaliksik at matibay na ebidensya ng 5


posisyong papel na nabuo

kabuoang puntos 20
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like