You are on page 1of 42

Isa sa unang nakinabang ang Italy sa muling pagsigla ng kalakalan noong ika-11 siglo.

Karaniwang sa Meditteranean Sea dumaraan ang kalakalan ng Europe at mga bansa sa Silangan, gumamit ang mga Venetian at Genoan ng higit na malalaking layag at mga sagwan. o Barko o Pirata

Sasakyang dagat Tumigil ang mga Italyanong mangangalakal sa paglalakbay dahil sa malaking gastos ng biyahe. Ang mga mangangalakal na Italyano ang unang nagsagawa ng malawakang pagsososyo at pamumuhunan.

Sa nakaraang apat na siglo, mula 500 hanggang 900 CE, agrikultural ang pamumuhay sa Europe. Nakatira sa manor ang halos lahat ng tao at kaunti lamang ang naninirahan sa lungsod. Kahit na nabubuhay sa pagsasaka ang malaking bahagi ng populasyon, kinakitaan ng malaking pagbabago ang Europe nang sumunod na 200 taon dahil sa pag-usbong na muli ng mga lumang lungsod at pagsilang ng mga bagong lungsod.

Nagnais ang mga tao sa maliliit na lungsod na makipagkalakalan ngayon sa kanilang pamamaraan dahil walang pinunong lokal o obispo na pipigil sa kanila, sapagkat hindi naman alam ng mga ito ang takbo ng kalakalan at buhay lungsod. Nang lumaon, dumami ang mga lungsod, naging maunlad ang kalakalan at maraming pagbabago sa pagtatanim ang nagbunga ng malaking produksyon na labis sa kanilang pangangailangan. Sanhi ng labis na produksyon, nakipagkalakalan sila ng kanilang mga produkto. Pyudalismo

o Pagsososyo o Isang pangkat ang mga mangangalakal na namumuhunan lamang. Ikalawang pangkat yaong namimili sa ibang pook at kasamang nagbibiyahe ng mga produkto at tiyak ang kabayaran. Naghahati hati sa tubo yaong una ayon sa laki ng kanilang puhunan.

Talastasan Ugnayan

Pamumuhunan
Sa paraang ito, pinagsama sama ng mga kasapi ng isang pamilya ang kanyang puhunan. Pinayagang sumama sa kalakalan ng pamilya ang mga pinagkakatiwalaang empleyado sa negosyo. Ang pinuno ng pamilya ang tagapamahala ng bahay kalakal na pinapasukan. Kadalasan, may mga sangay sa ibat ibang bansa ang naturang bahay kalakal.

Ginagamit sa pagpapautang, pagbabangko at pagpapalit ng pera ng ibang bansa ang kalakalan ng mga puhunan ng pamilya. Nagpapautang din ang malalaking bahay kalakal (pampamilya) sa mga hari, mga prinsipe, mga Papa at mataas na pinuno ng simbahan. Malaki ang halaga ng mga perang ipinautang nila ngunit malaki rin ang tubo nito. Bukod sa pakikinabang na tubo, nakahihingi ang mga namumuhunan ng mga pribilehiyo sa mga pamahalaan tulad ng pagbabayad ng maliliit na buwis.

Sistemang Guild

Samahan ng mga mangangalakal o artisano. Layunin Pangunahing tungkulin ang panatilihin ang kanilang monopolyo sa pagbili ng isa o iba pang produkto. Halimbawa, hindi maaaring bumili at magbili ang mangangalakal kung hindi siya susunod sa mga alituntuning itinakda ng guild. Kung ipinagbibili ng mga taumbayan ang isang produkto ng guild, binabawalang bumili rito ang mga kasapi ng guild.Malayang bumili ng kahit ano ang mga kasapi sa mga fair na may layong akitin ang mga dayuhang mamimili.

Samahan ng mga Artisano May sariling guild Kabilang Karaniwang nakatira sa kalye. Malapit Nasubaybayan Napangalagaan ang mahalagang bagay tunkol sa kanilang industriya. Sumali.

Mga Patakaran sa Paggawa oPresyo at oras. oSilid pagawaan oYaring produkto oPamantayan

Magpulong Nag iipon Dambana Kapilya Nagtatanghal ng dula at parada ang mga guild lalo na ang mga nasa lungsod.

Mga Naidudulot ng mga Samahan ng Mangagawa at Mangangalakal sa mga Kasapi

1. Pangangalaga. Pamantayan. Halaga 2. Buhay panlipunan. Nagtutulungan. Handang makiramay. 3. Itinatakda ang mga alituntuning may kaugnayan sa pangkabuhayan, sahod, oras ng paggawa at dami ng manggagawa na pinangangalagaan ng samahan. Ipinagbawal. 4. Sagisag. Pagkakaisa. Salapi.

Hanseatic League

Pangmalakihang samahan na binubuo ng mga lungsod ng hilagang Europe na itinatag noong ika 13 siglo sa Lubeck, Germany. Layunin na mapangalagaan ang kapakanan ng mga kasamahang mangangalakal ng Hillagang Europe at rehiyong Baltic. 80 kasapi. Lakas. Kontrolado nito ang kalakalan sa England , Belgium, Scandinavia, Germany, Russia at mga sangay tanggapan sa mga tanyag na lungsod sa Hilagang Europe.

Pahiwatig lamang ang samahang Hanseatic ng unti unting paglakas sa kapangyarihan ng bagong antas ng mangangalakal na nagbigay daan sa pagbabagong pampulitika, pangkabuhayan at panlipunan.

Simula ng Moneyed Economy

Sa unang bahagi ng Panahong Midyibal, nasusukat sa lupang pag aari ang kayamanan at lakas ng kapangyarihan ng mga maharlika. Ngunit dahil sa mabilis na pag unlad ng kalakalan, natuklasan ang paggamit ng salapi bilang midyum ng pakikipagkalakalan. Sukatan.

Sagana ang pagtustos ng ginto at pilak mula sa Mexico at Peru na naging daan sa paggamit ng salapi sa pakikipagkalakalan. Lumaganap sa Europe ang mga salaping barya tulad ng gintong augustales ng imperyong Romano, gintong rine ng Florentine, mga pilak na groat at gintong ducat ng Venetia.

Pondo Utang Tubo Dahil dito naakit ang ilan pang mayamang pamilya sa Italy at Germany na pumasok sa negosyong pagbabangko.

Paghina ng Pyudalismo

Nakapagpabago Nakuhang ibagsak ang kapangyarihan ng maharlikang pyudal ang pangkat ng mangangalakal at magbabangko na siyang mayaman sa salapi.

Medieval Period Kalayaan Salapi Paglaya May alituntunin ang kanlurang Europe na kapag naglayas ang isang alipin at nagtago sa bayan nang isang taon at isang araw, matatamo niya ang kanyang kalayaan.

Pagbabago ng Katayuan ng Maharlika

Lupain Utang Pangangaila ngan

Puwersa ng Manganga lakal

Kapangyarihan Pinangangalagaan Sapagkat nangangailangan din ang hari ng salaping pambayad sa kanyang hukbo o tanod, napilitan itong ipagbili ang karapatang mangalakal sa mga makapangyarihang guild.

Buwis Napansin ng hari na mas tapat sa paglilingkod at mas masipag ang mga tanod kaysa mga datihan niyang maharlikang piyudal kapag binibigyan ng sahod ito. Kanyon at pulbura Dating sistemang pyudal Sinasaligan nito ang ibat ibang antas ng tao kasama na ang malalakas na pangkat ng magsasaka, artisano, manggagawa at mangangalakal na may malayang katayuan.

Mahalagang Pamana ng Bayan at Lungsod Medieval

Una, sapagkat ang mga bayan at lungsod ang naging sentro ng kalakalan at industriya,ito na rin ang nagbunsod ng kalakalang pandaigdig na bahagi ng ating makabagong pangkabuhayan.

Pangalawa, ang mga bayan at lungsod ang naging sentro ng kultura, lalung lalo na sa larangan ng sining pagpipinta, iskultura at arkitektura.

Pangatlo, ang mga bayan din ang naging saligan ng kalayaang pampulitika. Nakapagtamasa ang mga mamamayan ng karapatang pampulitika na hindi nila nakamit noon sa kamay ng mga mapagsamantalang maharlikang piyudal. Binigyan din sila ng karapatang gumawa ng batas. Sila ang nagpunla ng pamahalaang parlamentarya.

Panghuli, nakatulong ang malayang kaisipan sa mga bayan at lungsod na sumikat, lalung lalo na sa Italy sa kanlurang intelektwal o pangkaisipan na nagbigay daan sa kilusang Renaissance.

You might also like