You are on page 1of 12

NOBELA O

KATHAMBU
HAY

NOBELA

ay isang mahabang kuwentong piksyon na


binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong
60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong
ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig
at naging bahagi ng mga pangunahing
literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming
tiyak na istilo

NOBELA

Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari napinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila.

isang makasining na pagsasalaysay ng maraming


pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga
pangyayaring ito ay may kanya kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawiliwiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at


pangyayari -kinasasangkutan ng 20 higit pang tauhan

LAYUNIN NG NOBELA
1. Gumising sa diwa at damdamin
2. Nananawagan sa talino at guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at
lipunan
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at
lipunan
6. Makalibang
7. Maglahad ng isang suliranin.
8. Ipahayag ang mga kuru-kuro ng mga akda hinggit sa
isang paksa sa pilosopiya, sosyolohiya o sikolohiya.
9. Bigyan ng higgit sa karaniwang pansin ang isang
dakilang tao o panahon sa kasaysayan

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG NOBELA


Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at
kaisipan.
Kailangang isaalang-alang ang tungkol sa
kaasahan.
Pumupuno ito sa lahat ng larangan sa buhay- sa
mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at
relihiyon.
Dapat maging malikhain itoy maguniguning
nilalahad.
Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa
kaisahang ibig mangyari.

KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG NOBELA

Pumupuna

sa lahat ng larangan ng buhay


Dapat maging malikhain at maguni-guni ang
paglalahad
Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya
ito nagiging kawili-wili
Binubuo ng 20, 000 - 40 ,000 na salita
Kailangang isaalang-alang ang ukol sa
kaasalan / pag-uugali
Maraming ligaw na tagpo at kaganapan

KAHALAGAHAN NG NOBELA

Ang marangal ng kaalaman na maipapahayag sa


nobela pumupukaw at nagpapakilos sa damdamin ay
isang napakalakas na puwersa na humuhubog sa
kamalayan ng mambabasa ay

a. Nagpalawak ng kanilang kumulatan


b. Nagpapalalim ng kanilang pagkatao
c. Nagpapalabas
d. Nagpapailanlangan ng kanilang pagkalaki
e. Nagpapakalinang ng kanilang kultura
f. Nagsisilbing tala aralan na kinapapanutuhan ng buhay

BAHAGI O ELEMENTO NOBELA

Tagpuan sumasaklaw sa panahon, pook at mga


pangyayaring nasalikod o nakalilikod sa kwentong
nilalaman.

Banghay pinakabalangkas ng buong kwento na


nagbibigay-hugis sa nobela. Ito ay karaniwang may isang
punong hibla at mga kasangay na hibla ng magkakaugnay
ng mga pangyayari.

Tauhan dapat tumugon sa hinihinging tunay na buhay at


di-karapat-dapat makilala bilang iba. Hindi dapat maging
parang mga tau-tauhan na pinagagalaw lamang. Sila ang
nagpapatakbo sa galaw ng kwento at hindi ang kwento ang
nagpapakilos sa kanila.

Pananaw

- panauhang ginagamit ng may-akda

una - kapag kasali ang may-akda sa kwento


pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa


nobela
Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
Pamamaraan - istilo ng manunulat
Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Kasaysayan
- ang nobela ay isang paglalarawan ng buhay o ng isang kapanapanabik na kasaysayang aakit sa babasa upang basahin at
subaybayan ito.

MGA SANGKAP NG NOBELA

Pag-aaral
- upang maging makatotohanan ang paglalarawan sa buhay, ang
nobela ay dapat gumawa ng masusing pagmamasid sa kilos at gawa
sa lipunan. Dapat nitong unawain ang tunay na sanhi sa likod ng
mga pangyayari at sa kilos ng mga tauhang ito ay kinatawan lamang
ng mga talagang taong may sariling adhika; tagumpay, kabiguan,
pag-asa at pangarap sa buhay.

Paggamit ng malikhaing guni-guni


- Dito nakasalakay ang buhay ng nobela. Ito ang mag papagalaw sa
mga tagpo at magbibigay ng tinig sa pamamagitan ng wastong
pananalita sa mga damdamin o kaisipang nais pahayag. Ito rin ang
nagsasaayos upang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari ay
maging likas at makaktotohanan.

URI NG NOBELA

Nobela ng pangyayari o makabanghay


- nangingibabaw ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari o ang
porma ng pagkakalahad ng kwento.

Nobela ng tauhan
- binibigyang- diin ang katauhan ng pangunahing tauhan gayundin ang
mga pangangailangan at hangarin nito.

Nobela ng romansa
- binibigyang-pansin dito ang pag-ibig: sa bayan, sa Diyos, sa kapwa,
sa mga magulang. Nagbibigay halaga s autos ng puso o damdamin at
paghuhumaling.

Nobela ng pagbabago o panlipunan


- binibigyang-diin ang mga layunin ng may-akda o mga ninanais na
pagbabago sa pamahalaan at lipunan.

URI NG NOBELA

Nobela ng kasaysayan
- ang may akda ay hindi lamang naglalayong maiulat ang
mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa kasaysayan
kundi maglarawan ng pagmamahal at pakikipaglabang ginawa n
gating mga bayani para sa minimithing kalayaan ng Inang Bayan.

Nobela ng layunin
- nagbibigay-diin sa mga layunin at simulang mahalaga sa
buhay ng tao.

Nobela ng Masineng
- mahusay ang pagkakahanay at pagkakatalakay ng mga
pangyayari. Taglay rin nito ang mahusay na paglalarawan ng
pagkatao ng mga tauhan.

You might also like