You are on page 1of 48

Sacred

Vessels,
Books,
Linens
T &
he practical server must know and
understand the various objects and

Vestments
vestments used in the liturgy.
The
Sanctuary

Altar
Crucifix
Tabernacle
Presiders Chair
Lectern/Ambo
Credence Table
Baptismal Font
Sacred Vessels
Chalice/Kalis- pinaglalagyan at
iniinuman ng itinalagang alak sa
Misa. Mula sa salitang latin na
calix, na nangangahulugang kopa
o mangkok.

Ciborium/Siboryo- ito ay sisidlan ng


mga maliliit na ostiyang ipinamahagi
sa tao sa komunyon at inilalagak ang
mga natira sa tabernakulo. Mula sa
salitang griyego na
kiborion), isang kopang inuman na
siyang hugis nito.
Paten/Patena- hugis platitong
lalagyan ng malaking ostiya.
Karaniwang nakalagay sa ibabaw
ng kalis. Galing sa salitang
griyego na patene), na ang
ibig sabihin ay platito o mangkok.

Cruets/Binahera- ito ay ang


lalagyan ng mga alak at tubig
para sa Misa. Kinakailangang
madaling makilala kung alin
ang naglalaman ng alak at
tubig.
Lavabo Set/Pitcher and Basin-
ito ay ginagamit sa paghuhugas
ng kamay ng pari matapos
maihanda ang mga alay, at
maaari rin namang matapos ng
komunyon sa mga tao.

Pyx- ito ay maliit na sisidlan ng Banal


na Sakramento na ginagamit sa
pagdadala ng komunyon sa maysakit.
Hango sa salitang griyego na s
pruxis), na nangangahulugang isang
sisidlang kahon.
Monstrance/Ostensoryo- ito ay
sisidlan ng Banal na Sakramento
para sa pagtatanghal at
pagbabasbas sa pamamagitan ng
Banal na Sakramento. Ang tawag
dito ay hango sa salitang latin na
monstrare o ostendere na ang
kahulugan ay ipakita.

Lunette/Luna- ito ay sisidlang


pinag-iipitan ng Banal na
Sakramento, upang ito ay tumayo
habang nasa ostensoryo. Luna-
sapagkat ito ay hugis buwan.
Holy Oil Container/Oil Stock-
lalagyan ng ng mga banal na
langis: langis para sa may sakit,
langis para sa mga ihahanda sa
pagbibinyag, at Langis ng
krisma.

Sa kaliwa; imahen ng
pagdiriwang ng Misa ng
Krisma.
Aspersorium/Aspergillium/Holy
Water Container- ito ay lagayan
ng Banal na Tubig (Holy Water) na
ginagamit sa pagbabasbas. Ang
tawag dito ay galing sa simula ng
antipona sa pagwiwisik (Salmo
50:9) na naisalin sa wikang Latin
bilang Asperges me

Communion Plate- ginagamit ito


upang saluhin ang mga mumo na
nalalaglag sa pagbabahagi ng
komunyon. Hawak ito ng mga
tagapaglingkod sa ilalim ng baba ng
nangongomunyon o sa may ilalim ng
kamay kung sa paraang ito niya
tatanggapin ang komunyon.
Thurible/Insensaryo- ito ay isang metal
na nalalagyan ng kamanyang/insenso
ang baga sa loob nito . Ginagamit ito
sa pagprusisyon, pagbabasbas o
pagsamba sa Banal na Sakramento.
Hango sa salitang latin na thus, na ang
ibig sabihin ay insenso.
Thurifer- tawag sa taong
may hawak ng insensaryo.

Incense Boat/Lalagyan ng
Insenso- metal na sisidlan ng
kamanyang/insenso na
ginagamit sa pag-iinsenso. May
kasama itong kutsarita upang
makapaglagay ng insenso sa
insensaryo. Incense boat- dahil
sa hugis bangka ito.
Bell- ginagamit ito upang
makatawag pansin sa mga
nagsisimba at ituon nila ang
kanilang pansin sa ginagawa
sa dambana, lalo na ang
mahahalagang bahagi nito.

Matraka- ito ay kahalili ng bell


mula pagkatapos ng pag-awit ng
Papuri sa Misa ng Huling Hapunan
hanggang bago magdiwang ng
Misa ng Pasko ng Pagkabuhay.
Karaniwang gawa ito sa kahoy.
Ciriales/Seryales- ito ay
binubuo ng isang krus, at
dalawang kandila na nakalagay
sa mahabang kahoy o bakal at
ginagamit upang pangunahan
ang prusisyon. Hango sa
salitang kastila na cirio na ang
kahulugan ay malaking kandila.
Processional Candles/Kandilang
Pamprusisyon- ito ay matayog at
magkaparis na lalagyan at kandilang
dinadala ng dalawang sakristan sa
pagpuprusisyon sa simula at wakas
ng Misa, gayun din sa pagpapahayag
ng Mabuting Balita (maliban kung
panahon ng Pasko ng Pagkabuhay) at
sa bahagi ng konsegrasyon.
Sacramentary Stand- ito ay
ipinapatong sa ibabaw ng
altar upang patungan ng
sakramentaryo o maliit na
misal. Maaari itong gawa sa
kahoy o metal.
Altar Candles/Mga Kandila sa
Altar- ito ang mga kandilang
nakalagay sa paligid ng dambana
bilang sagisag ng ating
pananampalataya sa pananatili ni
Kristo sa ating sambayanan lalo na
sa ginaganap na pagdiriwang. May
ibat-ibang antas ng pagdiriwang;
dalawa- karaniwang araw, apat-
kapistahan, anim-dakilang
kapistahan, at pito- tuwing may
obispo.
Paschal Candle-
sumisimbolo kay
Kristong muling nabuhay,
na siyang pinagmumulan
ng kaliwanagan. Wala ng
kandila sa pagbasa ng
Mabuting Balita.
Sacred Books
Sacramentary/Sakramentaryo- aklat
na naglalaman ng panalangin sa
Misa sa anumang pagkakataon,
wastong pagdiriwang, at mga
pangkalahatang pagdiriwang . Ito
ang ginagamit ng pari na karaniwang
nakalagay sa dambana.
Lectionary/Leksyonaryo- aklat na
naglalaman ng lahat ng pagbasang
ipinahahayag sa Misa: Unang
Pagbasa, Salmong Tugunan,
Ikalawang Pagbas, at Mabuting
Balita. Ito ang ginagamit ng Lektor
sa pagpapahayag ng Salita ng
Diyos. Hindi ito dinadala sa
prusisyon sa pasimula ng Misa.
Gospel Book/Evangelary- aklat na
naglalaman ng Mabuting Balita na
ipinahahayag ng pari o diyakono
tuwing araw ng Linggo, mga
kapistahan at iba pang
pagdiriwang. Ito ay dinadala ng
Diyakono sa prusisyon sa pasimula
ng Misa. Maaari ring dalhin ng
Lector kung walang Diyakono.
Missalette/Maliit na
Misal- maliit na aklat na
naglalaman ng mga
panalangin, pagbasa at
awit para sa mga Misa
sa nakatakdang
Ordo- aklat ng taunang
kalendaryo ng simbahan na
naglalaman ng araw ng
kapistahan, at iba pang mga
gawain ng simbahan. Dito rin
mababatid ang kulay, pagbasa,
awit at ilan pang gawain
kaugnay ng liturhiya ng
simbahan.
Collectio Rituum- nilalaman
nito ang mga panalangin at
tagubilin sa mga rituwal, gaya
ng pagbabasbas ng mga
sasakyan, at sa mga
pagkakataong magdiriwang ng
sakramento nang labas sa
pagdiriwang ng Misa.
Sacred Linens
Altar Cloth/Mantel ng
Dambana- puting telang
linen na ginagamit na
pantakip sa dambana
(altar).
Corporal- hugis parisukat na
piraso ng telang linen na
tinitiklop sa tatlong bahagi
pahalang at pababa (sagisag ng
Santisima Trinidad). Mula sa
salitang latin na corpus, na ibig
sabihin ay katawan, dahil ito
ang pinagpapatungan ng ostiya
at kalis na nagiging katawan ni
Kristo. Mayroon itong krus(+)
sa gitna.
Purificator- Mula sa salitang
ugat na purify na ang ibig
sabihin ay linisin. Ito ay
ginagamit upang tuyuin at
punasan ang mga bagay na
ginamit sa Misa. Mayroong
krus (+) sa gitna at naiiba ang
hugis dahil ito ay parihaba at
paraan ng pagtutupi.

Pall- pantakip sa kalis upang


hindi malagyan ng dumi. Ito ay
hugis parisukat na linenna may
pampatigas sa loob at may krus
(+) o disenyo sa gitna. Hango
sa salitang kastila na paliar, na
ang ibig sabihin ay takpan.
Finger Towel/Towel- isang
piraso ng linen/bimpo na
ginagamit upang tuyuin ang
kamay ng pari sa paghuhuga
s niya ng kamay matapos
magpakomunyon. Ang krus
(+) nito ay nasa ibaba.
Sacred Vestments

Cassock/Sutana
Cassock/Sutana- ito ang
mahabang kasuotan na siyang
tanda ng katayuan ng mga
tagapaglingkod ng simbahan o
ng isang seminarista. Dati, ito
ang pangkaraniwang suot ng
pari. Ang tawag dito ay hango
sa salitang Latin na subtanea,
dahil sa opisyal na gawain sa
Liturhiya, ito ay pinapatungan
ng surplice o alba kaya
nagiging damit na pang-ilalim.
Most Rev. Gabriel V.
Reyes, D.D.
Bishop of Diocese of
Antipolo

Cassock of the
Bishop/Sutana ng
Obispo
The Pastors of the
Church
Most Rev. Francisco de
Leon, D.D.
Auxiliary Bishop of Diocese of
Antipolo
Color: Red
Violet
His Eminence Luis Antonio
G. Cardinal Tagle, D.D.
Archbishop of Archdiocese of
Manila

Cassock of the
Cardinal/Sutana
ng Cardinal
Prince of the
Church

Color: Red
Cassock of the
Pope/Sutana ng
Santo Papa
The Visible Head of the
Church

Pope Emeritus
Color: White Benedict XVI
Alb/Alba- ito ay puting
damit(panloob ng pari
kung nagmimisa),
mahaba at maluwang
ang manggas at
hanggang sakong.
Kailangan itong puti,
gaya ng sinasaad ng
ngalan nitong hango sa
salitang latin, albus, na
ang ibig sabihin ay puti.
Sumasagisag ito sa
kalinisan ni Kristo.
Chasuble/Kasulya- ito ang panlabas na
kasuotan ng pari tuwing magmimisa.
Maaari itong magtaglay ng kulay na
hinihingi ng panahon ng Simbahan.
Hango ito sa salitang Latin na, casula,
na ibig sabihin ay maliit na bahay,
dahil tinatakpan nito ang alba at
estolang suot ng pari. Sumasagisag
din ito sa pamatok ni Kristo, gaya ng
isinasaad sa panalangin sa pagsusuot
nito.

Center Design
Chasuble-
Alb/Kasulyang Alba-
ito ay isa ring alba na
niyaring may higit na
kaluwagan upang
magmukha ring
kasulya, at
karaniwang nagagamit
ng pari upang
magsilbing alba at
kasulya na rin.
Stole/Estola- makitid at
mahabang balabal na isinusuot ng
Obispo, Pari at Diyakono sa
pagdiriwang ng Liturhiya. Ito ay
sagisag ng kanilang pamumuno.
Kadalasan itong isinusuot sa
labas ng kasulya (o alba sa
diyakono). Nagmula ang pangalan
sa Latin na stola, na ang ibig
sabihin ay mahabang kasuotan.
Ito rin ay nangangahulugang
kawalang-hanggang
kamatayan.
Cincture/Pamigkis- ito ay mala-
lubid na taling ginagamit upang
maiayos ang pagkakasuot ng
alba dahil ang yari nito ay may
kaluwagan. Maaari nitong
taglayin taglayin ang kulay na
hinihingi ng pagdiriwang.
Hango ang tawag sa salitang
Latin na cinctus, na ibig sabihin
ay pamigkis. Ito ay
sumasagisag sa kalinisan mula
sa kamunduhan, na isa sa
ipinangako ng pari.

Sash/Paha
Cope/Kapa- damit na ginagamit
ng pari sa pagprusisyon, sa
halip na kasulya na ginagamit
sa Misa. Maaari nitong taglayin
ang kulay ng kapanahunan sa
simbahan, o pagdiriwang. Ito
ay tinatawag ding pluviale, na
siyang salin sa wikang Latin ng
kapote.
Humeral Veil/Belong
Pambisig- kasuotan para sa
pagdadala sa prusisyon, at
pagbabasbas sa sambayanan,
taglay ang banal na
Sakramentong nakalagay sa
ostensoryo (monstrance).
Surplice/Sobrepelis-
kasuotang ipinapatong
sa ibabaw ng sutana,
lalo na tuwing
naglilingkod. Ito ay
damit na may habang
hanggang sa may
tuhod, at mas
maluwang kaysa
sutana. Mula sa Latin
na superpellicium, ibig
sabihin ay pampatong.
Dalmatic/Dalmatika-
kasuotang ito ay para
lamang sa mga
diyakono, isinusuot sa
ibabaw ng alba at
estola. Ang ngalan nito
ay tinatayang mula sa
lugar na pinagmulan
nito na, ang Dalmatia.

DALMATIC

ALB

STOLE
The Insignia of Bishops
Episcopal Ring- singsing
na sumasagisag ng
kanyang katapatan sa
kanyang nasasakupang
Diyosesis.
The Pope's ring, known
as the Fisherman's Ring
Cardinals make use of
the cardinalatial ring
Bishops use the
episcopal ring bestowed
upon them at their
consecration
Pectoral Cross- kwintas
ng obispo na may haba
ng 6 inch. na isinusuot sa
ilalim ng mga liturhikal
na kasuotan.
Bishops Staff/Crosier- mula sa
salitang latin na crocia, na ibig
sabihin ay pang-kawit. Ito din ay
sumisimbolo ng kanyang
kapangyarihan sa nasasakupang
kawan. Ginagamit sa mga
pagdiriwang at pagbebendisyon sa
tao.

Pastoral Staff of the


Pope
Skull Cup/Zucchetto

For For Pope


Bishops

For For Priests


Cardinals
Miter/Mitre/Mitra-
sombrero ng obispo
na nagpapakita ng
kanyang pangnguna
sa mga pagdiriwang.

Episcopal Ordination
Biretta

This is an optional for clergy whi are


Pallium- isinusuot ng
mga Arsobispo,
Cardinal, at Santo Papa
sa mga Banal na
pagdiriwang.
Six Crosses=Wounds of Jesus
Christ

Y shaped=Way of the Lost


Sheep

Pins=Nails
Sacred
Vessels,
Books,
Linens
T &
he practical server must know and
understand the various objects and

Vestments
vestments used in the liturgy.
Sources:
*Paglilingkod sa Dambana 1,
Rdo. P. San Jose
*Enriching Liturgical Life Vol
1, PDDM Lit. Min., Inc.
*Images from Google images
search
Ut In Omnibus Glorificetur Dei
So that in all things, God may be Glorified

You might also like