You are on page 1of 11

dagli.

isang pagbabahagi
ang dagli
Sinasabing ang dagli ay isang maikling maikling
kuwento na nagsimulang umusbong noong mga
unang taon ng kolonyalismong Amerikano bilang
mga katha na pumupuno sa mga maliliit na
espasyo sa mga pahayagan.

Hibla lamang isang buong kuwento ang dagli.

- Eros Atalia

Wag Lang Di Makaraos
(Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)

Isang koleksiyon ng 100 dagli


na isinulat ni Eros Atalia.
Birthday Wish
mula sa Wag Lang Di Makaraos
Pumikit siya nang mariin. Pagdilat ng mata, sabay ihip sa
kandilang hugis 7.

Nagpalakpakan ang naluluhang inat ama,


gayundin ang kanyang kuayt ate.

Hayaan mo anak, malay mo, sa susunod na taon,


may cake ka na talaga.

Bumuhos ang luha ng kanyang ama.


Saludo
ni Student
At tiningala niya ang bandila.

Tulad ng matagal na niyang hinihintay.

Ang masilayan ang bughaw sa ibabaw ng pula, na muling


ipinapaalala ang kalayaang matagal nilang pinangarap. Ang
makita ang puti matapos masadlak sa dilim. Ang muling
matanaw ang tatlong bituinang mga natatanging gabay
nila sa malamig at mahabang magdamag. At ang muling
masilaw sa araw.

Sa araw.

Na tila ba ngayon lang ito muling sumikat.


Nag-uunahang bumalik sa isip niya ang mga pinagdaanan
sa kampo na ngayoy himlayan na. Ang kati. Ang kaba. Ang
takot. Ang kabog. Ang talim. Ang dilim. Ang talas. Ang
dahas. Ang putok, at sabog, at kulog, at saksak, at wasak.

Ang trumpeta. Ang tambol. Ang tindig. Ang martsa.

At ang pagsaludo.

Ngayon na tinitingala niya ang natatanging bagay na


pinaglaban niya, nais niya itong gawing muli.

Ang itaas ang kanang kamay at maramdaman sa dulo nito


ang sariling noo.

Ngunit di na niya ito magawa. Di na tulad ng dati.


Dahil kaliwa na lang ang mayroon siya.
Sanggunian:
http://varsitarian.net/filipino/20140624/muling_pag_usbong_ng_dagli

You might also like