You are on page 1of 30

•katapusan ng pangungusap na paturol

o pautos

a. Ang buhay ay sadyang makulay.


b. Ikuha mo ako ng panulat.
•sa mga titik o tambilang na
ginagawang pamilang sa bawa’t
hati ng isang balangkas, talaan.
1. a.
2. b.
3. c.
•pinaikling titik sa ngalang-tao at sa
mga salitang dinaglat
Ginoo - G. Ginang - Gng.
Binibini - Bb. A. Bonifacio
J. P. Rizal F.P.J.
•sa katapusan ng mga pangungusap na
patanong

a. Dapat bang payagan ang mga


kababaihan na magtrabaho sa ibang
bansa?
b. Kailan umalis si George?
•sa loob ng panakling upang magpahayag
ng pag-aalinlangan sa katumpakan ng
sinusundan

a. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?)


pangulo ng Republika ng Pilipinas.
b. Ang Hapon ang pinakamaunlad na
bansa sa Silangan (?).
•sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi
o masidhing damdamin

a. Mabuhay ang Pangulo!


b. Huwag ka nang umalis!
c. Aray! Naapakan mo ang paa ko.
•Pagkatapos ng Bating Panimula at
Bating Pangwakas ng liham

a. Mahal kong Nanay,


b. Sa mga kaibigan ko,
c. Lubos na gumagalang,
d. Nagmamahal,
•Upang ihiwalay sa pangungusap ang
salitang ginagamit na pantawag

a. Shana, saan ka nag-aaral


ngayon?
b. Halika, Peejay, samahan mo
ako sa bayan.
•sa paghihiwalay ng mga salita, mga
parirala, at mga sugnay na sunud-
sunod
a. Bumili ka ng kangkong,
pechay, kamatis, sibuyas at luya.
b . Namasukan siya bilang driver,
konduktor, mekaniko at karpintero.
•Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa
pagitan ng kalye at purok at ng bayan
at lalalwigan sa pamuhatan ng isang
liham
a. Ipinanganak si Jose Rizal sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861.
b. 374 Bacao, General Trias, Cavite
•Sa paghihiwalay ng di makabuluhang
parirala at sugnay sa pangungusap
a. Ayon kay Rizal, “Ang hindi
magmamahal sa sariling wika ay higit
pa sa mabaho at malansang isda”.
b. Si Ferdinand E. Marcos, ang
naglunsad ng batas-militar, ay taga-
Ilocos.
•Sa paghihiwalay ng sinasabi ng
nagsasalita sa ilang bahagi ng
pangungusap
a. Ayon kay Rizal, “Ang hindi
magmamahal sa sariling wika ay higit pa
sa mabaho at malansang isda”.
b. “Ang bansang Pilipinas ay may
mayamang kalikasan”, ang wika ng
dayuhan.
•Sa paghihiwalay ng mga sugnay ng isang
pangungusap na tambalan, kung ang mga
sugnay ay pinag-uugnay ng mga pantig na
na, at, ngunit at o
a. Magtatrabaho ka ba rito sa ating
bansa, o susubukin mong makipagsapalaran
sa Amerika?
b. Mayaman si Aling Emma, ngunit
hindi siya mapanghamak sa mahihirap.
•Pagkatapos ng OO at HINDI na
siyang simula ng pangungusap

a. Oo, uuwi ako ngayon sa


probinsiya.
b. HINDI, ayaw niyang sumama.
•Ginagamit kung may lipon ng mga
salitang kasunod

Maraming halaman ang


namumulaklak sa hardin tulad ng:
Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita,
Santan at iba pa.
•Sa pagitan ng mga sugnay na pangungusap
na tambalan kung hindi pinag-uugnay ng
pangatnig
a. Ang pag-asa sa mga dayuhan ay ating
iwasan; ito’y lalong hindi makatutulong
upang ating bansa ay makaahon sa
kahirapan.
b. Kumain ng maraming gulay; ito’y
makabubuti sa katawan
•Sa katapusan ng bating panimula ng liham-
pangangalakal (Ang tutuldok ay maaari ring
gamitin)

a. Ginoo;
b. Binibini:
c. Kagalang-galang na Hukom;
•Upang kulungin ang bahaging
nagpapaliwanag ngunit maaaring kaltasin
a. Si Gloria Macapagal Arroyo
(dating Pangulo ng Pilipinas) ay isang
ekonomista.
b. Isinilang si Dr. Jose Rizal (ang
Pambansang Bayani) noong ika-19 ng
Hunyo, 1861.
•Upang kulungin ang mga titik o bilang
ng mga bagay na binabanggit nang sunud-
sunod
a. Isulat sa patlang kung ang uri ng
pamahalaan ay (a) demokratiko, (b)
parliamentaryo (c) monarkiya, o (d)
diktaturyal
•Sa pagitan ng panlaping nagtatapos
sa katinig at ng salitang-ugat na
nagsisimula sa patinig

a. pag-asa
b. mag-alis
c. may-ari
•Sa pagitan ng maka, taga, at
ng pangngalang pantangi

a. maka-Diyos
b. taga-Ilocos
c. maka-Pilipino
• Sa pagitan ng salitang inuulit

a. araw-araw
b. gabi-gabi
c. isa-isa
• Sa pagitan ng ika at tambilang

a. ika-24 ng Hunyo
b. ika-19 ng Disyembre
c. ika-31 ng Oktubre
•Kung may nawawalang kataga sa
pagitan ng dalawang salitang pinag-
uugnay

a. kambal-tuko
b. pamatay-insekto
c. tubig-alat
•Sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na pandiwa

a. lakad-takbo
b. gising-tulog
c. iyak-tawa
•Sa pagitan ng di at ng pang-
uri at pagitan ng sa at pandiwa

a. di-maabot
b. sa-iiyak
c. di-matatawaran
• Sa pagitan ng panlaping
magsa at salitang-ugat

a. magsa-lamok
b. magsa-Goliath
c. magsa-tuko
• Sa pag-uugnay ng dalawang
salita ( at/ay)

a. kami ay - kami’y
b. isa at isa - isa’t isa
c. tayo ay - tayo’y

You might also like