You are on page 1of 12

PAGSASALIN

Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
sa diwa at estilong nasa wikang isinasalin. Diwa ang
isinasalin at hindi salita.
Mga Katangiang Dapat Taglayin
 Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
sa pagsasalin.
 Sapat na kaalaman sa paksang isinasalin
 Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang
bansang kaugnay sa pagsasalin.
Ilang Simulain sa Pagsasalin
1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito.
Hal: as white as snow - kasimputi ng nyebe? -
kasimputi ng bulak?
Kasimputi ng yelo? - kasimputi ng kinudkod na yelo?
Busilak sa kaputian?
2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging
kakanyahan.
Hal: (Filipino)
Diniligan ni Jose ang halaman. (Panaguri + Simuno)
Ang mga halaman ay diniligan ni Jose. (Simuno + Panaguri)
(English)
Jose watered the plants. (Subject + Predicate)
3. Hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinang wika ang
kakayahan ng wikang isinalin.
Hal: Si Pedro ay nanood ng sine. - Pedro watched a
movie.
Nanood ng sine si Pedro. - Watched a movie Pedro.
X
Nanood si Pedro ng sine. - Watched Pedro a movie.
X
Sine ang pinanood ni Pedro. - A movie is watched by
Pedro. X
tsinelas – tsitsinelasin slipper – slipperize X
4. Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay
kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat ng gagamit
nito.
6.Laging isaisip ang pagtitipid ng salita.
Hal: Tell the children to return to their seats.
Sabihin mo sa mga bata na bumalik sila sa kanilang
mga upuan. (Di-matipid)
Paupuin mo ang mga bata. (matipid)

Isalin ang pahayag na isinasaalang-alang ang pagtitipid ng


salita.

Juan bought a new pair of shoes in the


market yesterday.
7. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang
isang salita kapag ito’y nagiging bahagi ng parirala
o pangungusap.
Hal: He ate a cup of rice. (kanin)
The farmers sold 1000 sacks of rice. (palay)
He bought a kilo of rice. (bigas)
8. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga
magkakaugnay na salitang hiram sa Ingles.
Hal: solid and liquid (Mali) solido at likwid; solid at
likido
(Tama) solido at likido; solid at likwid
Mga Konsiderasyon Bago Magsalin
1. Layunin
2. Mambabasa
3. Anyo
4. Paksa
5. Pangangailangan
 
Mga Paraan ng Pagsasalin
Pagtutumbas (citizen – mamamayan)
(faith – pananalig o pananampalataya)
Panghihiram (kusina, imprenta, kubyerta, donya, kutsilyo) -
Espanyol
(abstrak, record, kompyuter, debelopment, diksyon) -
English
(spaghetti, pizza, inamorato, intermezzo) - Italyano
(bon apetit, mardigras, grand prix) – Pranses
(Habeas corpus, modus operandi, ex oficio) - Latin
Pagsasaling-Pa-idyomatiko
Hal: bread and butter - hanapbuhay o trabaho
Dress to kill - bihis na bihis, nkapamburol
To give hand - tumulong
To go with - sumama
Paglikha ng salita
Hal: dance, poem, song - satulawit (sayaw, tula,
awit)

dalubwika(dalubhasa-wika)
Pork loin, fried rice, egg - tapsilog (tapa,
sinangag at itlog)
Triangle - tatsulok (tatlo ang sulok)
Mga Posibleng Kahinaan ng Salin
 May dagdag na diwa ang salin.
Hal: Orihinal: John Paul and I went to see a
movie.
Salin: Si John, Paul at ako ay nanood ng sine.
 Kulang ang diwa ng salin.
Hal: Orihinal: John, Paul and I went to see a
movie yesterday.
Salin: Si John Paul at ako ay nanood ng sine
kahapon.
 Mali/Iba ang diwa ng salin.
Hal: Orihinal: John, Paul and I went to see a
 May mga bahaging Malabo ang kahulugan kaya’t
nagkakaroon ng higit sa isang kahulugan. Hal:
Orihinal: Ang pagpapalipad ng saranggola ay
maaaring maging mapanganib.
Salin: Flying kites can be dangerous.
The baby fell from the hammock.
Nahulog ang sanggol sa duyan.
 Hindi nauunawaan ng pinag-uukulang mambabasa ang
salin.
Hal:
Orihinal: The crowd sang in chorus.
Saling-pambata: Sabay-sabay na humugang sap ag-
awit ang madla.
Pagsasanay:Isalin sa Filipino ang buong pahayag. Panatilihin ang
buong diwa ng orihinal sa salin.

Si Tamis usa ka isdang gamay nga pinangga sa iyang Nanay. Gipa-


eskwela siya ug ihatud kada adlaw sa iyahang nanay sa eskwelahan.
Pagbiya sa iyang nanay, molakaw dayon siya ug dili mosulod sa
iyahang klase. Wala gayud siyay naantiguhan, gani maglisud siya
bisan sa pagbasa. Usa ka higayon niana, mitan-aw siya ug kalingawan.
Giduol siya sa iyang mga higala ug gibutangan ang iyang likod ug: “Dili
ko kaantigo”. Wala siya'y nasabtan kay dili man siya kaantigo mobasa.
Gikataw-an siya sa iyang mga amigo. Tungod kay dili kaantigo mobasa
si Tamis, mipauli na lang siya nga naghilak ug nag-ingon: “Sukad
karon, magtarong na ko. Mosulod nako sa akong klase“ matud pa ni
Tamis. Gikan niadto nga panghitabo, nagtarong na si Tamis sa iyang
pag-eskwela. nakamao ug maayo na gayud siya mobasa. Siya pa ang
nanguna sa klase.
-”Ang Isdang Malipayon ni (Marilou M. NUevo)

You might also like