You are on page 1of 10

KABANATA 19 :

ANG MITSA
KABANATA 19 :
ANG MITSA
Mga Tauhan :

- Placido Penitente
- Simoun
- Kabesang Andang
- Padre Sibyla
- Don Custodio
Mitsa
– isang parte ng bomba na
sinisindihan para ito’y
pumutok ; nagsisilbi rin itong
orasan kung iilan nalang na
oras ang bibilangin bago
pumutok ang bomba.
Makikita sa kabanatang ito ang
hambingan na ginawa ng may-akda ukol
sa mitsa. Isang nag-aalab na damdamin
ang nararanasan ni Placido Penitente na
tulad ng mitsa’y maaari nang sumabog.
Masamang-masama ang kaniyang loob
sa mga prayle na kulang na lamang na
pumatay o makapatay.
Nakita ni Placido ang mga inihanda ni
Simoun na mga paputok o mga
pasabog na gagamitin niya sa
kaniyang paghihimagsik. Kulang na
lamang na sindihan ang “mitsa” ng
pulbura na maghuhudyat ng
kaguluhan at simula ng himagsikan.
Subalit sa likod ng pagngingitngit ng kalooban at paghahanda sa
himagsikan, napakapersonal ng layunin ni Simoun.

- Lilitaw na gusto niyang ipaghiganti ang kaniyang mga mahal sa buhay na


nakaranas ng panggigipit.

- Ninais rin niyang ipaghiganti si Elias na sumuporta at nag-alay ng buhay


upang siya’y mailigtas

- At higit sa lahat, gagawin niya ang paghihiganti para kay Maria Clara na
nakakulong sa kumbento.

Uhaw na uhaw siya sa paghihimagsik at naniniwala siyang ito ang mabisang


paraan upang masugpo ang kasamaan at pang-aalipin ng pamahalaan.
Bigla na lamang
napadukwang si Simoun sa
bintana nang may naaninag
siyang dalawang kaluluwa
na tumatawag sakanya at
parang totoong-totoo.
Sa bandang huli'y ipahihiwatig ni Rizal ang pag-
aalinlangan sa kaniyang pamamaraan kahit
naihanda na niya ang mga taong tutulong at
makikiisa sa kaniya. Pilit niyang papaniwalain
ang sarili na tapos ang ideyalismo, ang mga
bungang-isip at mga pangarap. Panahon na
upang pag-alabin at sindihan ang mitsa na
papatay sa kanser ng lipunan at mula rito’y
sisikapin niya ang pagpapanibagong-buhay ng
kaniyang bayan.
Tulad ni Placido na hindi
pinapansin kung siya may
maging isang pilibustero
sapagkat nanaig ang isang
hangarin na mabuhay ng
malaya.

You might also like