You are on page 1of 6

MGA NOBELA

naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa panahon ni Rizal


o kamalian, kahinaan at pagkukulang di lamang ng mga Espanyol kundi pati ng mga
Pilipino
o dito masasalamin ng bawat isa ang kanyang sarili
o naglalarawan ng karakter ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan
ang panahon ni Rizal ay panahon ng pagtutunggali ng makabago at makalumang
kaisipan
sa pamamagitan ng kanyang panulat ay magiging tagapagtanggol si Rizal ng mga
makabagong karapatang pantaong bunga ng Himagsikang Pranses
makikita sa isinulat na si Rizal ay hindi mapusok na manghihimagsik ngunit nais
niyang maging handa ang kaniyang mga kababayan sa kanilang pagsasarili, pagsapit
ng araw
ipinakikita ng mga nobelang makasaysayang tao si Rizal
o lubos niyang nauunawaan ang kanyang panahon, at dahil matalas ang kanyang
panamdam, mas una siya sa panahong kanyang ginagalawan
siya ay bunga ng isang panahong nakuha niyang unawain nang lubus-lubusan, nang
buong katalasan at puno ng orihinalidad

romantisismo
masasalamin ang pagkamapangarapin ni Rizal sa kanyang mga nobela
tanawin, mga elemento ng kalikasang ginamit
pagtalakay sa maraming trahikong tagpo (kuwento ni Elias, Sisa, Simoun, atbp.)
matinding pagnanais na ialay ang buhay sa bayan, ang paksa ng kamatayan, hiwaga
ng romatikong pag-ibig

realismo
tauhang pinagalaw ay buhay tulad ng mga lugar na kaniyang inilarawan, at
karaniwang kilala ng mga Pilipino
hango sa tunay na pangyayari (makasaysayang batayan, sariling karanasan)
malimit tukuyin ang kanyang talambuhay, kaniyang mga kaibigan, pangyayaring
naganap sa kaniyang bayan

kostumbrismo
nakita ni Rizal ang masamang bunga ng karamihan sa ating mga kaugalian
inilarawan niya, kadalasan ay kasama ng matinding ironiya, ang mga bisyo at maling
pag-uugali ng mga Pilipino upang may aral na mapulot dito

pagsulat ng nobela ay panukalang inihain ni Rizal sa mga Pilipino sa Madrid


sa unay sinang-ayunan ngunit ipinasantabi ng karamihan
nagpasiya si Rizal na siya na lamang ang susulat ng aklat

Noli Me Tangere
Hangad ang iyong kapakanan, at naghahanap ng pinakamainam na gamot, gagawin ko sa
inyo ang ginagawa ng mga sinauna sa mga maysakit, ilalantad sila sa hagdan ng templo
nang sa gayoy lahat ng humingi ng tulong sa Diyos ay makapag-aalay ng lunas
nais ilarawan ang mga suliranin ng Pilipino ng sa gayon ang makaaalam niyon ay
makapagbigay ng kalutasan
pinaksa ang lubhang maseselang bagay (kanser ng lipunan) kung kayat ibinigay ang
pamagat na nanganaghulugang huwag mo akong salingin
El Filibusterismo
Lagi na lamang tayong natatakot sa multo ng pilibusterismo na dahil lamang sa
pagsasalaysay ng isang tagapa-alaga ay naging positibo at totoong nilalang, na sa ngalan
pa lamang ay gumagawa na tayo ng napakalaking kathang kuwento nang sa gayon ay hindi
makatagpo ang kinatatakutan. Sa halip na lumisan, harapin natin ito, at nang may kamay
na determinasyon, kahit walang kasanayan, at tatanggalin natin ang belo nito sa harap ng
sangkatauhan nang mailantad ang kabuuan nito.
pinamagatan ni Rizal dahil na rin sa mga pangunahing katangiang pilibustero ng
mahahalagang tauhan nito, lalo na si Simoun.
ang katagang pilibustero ay ginamit sang-ayon sa kanyang kahulugan noong ika-19 na
dantaon, sampu ng katangian nitong lubhang liberal, salungat sa mga klerigo
(mapanghimagsik at mamamatay-tao)

NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

sinimulan sa Madrid noong 1884 sinimulan sa Calamba noong 1887

natapos sa Alemanya noong 1886 natapos sa Biarritz noong 1891

nalimbag sa Berlin (Germany) nalimbag sa Ghent (Belgium)

sa tulong ni Maximo Viola sa tulong ni Valentin Ventura

- binigyan ng galley proof - binigyan ng orihinal na manuskrito

inalis ang Kabanata XXIV inalis ang Paunang Salita at Babala

- Elias at Salome - binura ang 47 pahina

may kabuuang 64 na kabanata may kabuuang 38 na kabanata

inihandog sa bayang Pilipinas inihandog sa GOMBURZA

ipinadala ang mga unang sipi kina ipinadala ang mga unang sipi kina
Blumentritt, Regidor, Jaena, Ponce, Blumentritt, Ponce, Jaena, Pardo de
Hidalgo Tavera, magkapatid na Luna

nobelang romantiko nobelang pulitikal

gawa mula sa puso gawa mula sa isip

bahay ni Kapitan Tiago bapor Tabo

Ibarra Simoun

Pilosopo Tasio Padre Florentino

PAGSUSURI NG 2 NOBELA
hango sa Si Rizal: Nobelista (Almario, 2008)
PANGUNAHING TAUHAN
Crisostomo bumalik upang bumuhay, magdulot ng pagbabago sa kaniyang tila
Ibarra patay nang lupang sinilangan
o buhayin ang pag-iibigan nila ni Maria Clara
o buhayin ang pagnanasa ng susunod na henerasyon sa
pamamagitan ng edukasyon
katapatan ang birtud ngunit ito rin ang sanhi ng kanyang
pagdaraanang kasawiang-palad
o katauhan ay walang salimuot, tangay-tangayin ng tadhana, hindi
makapag-isip nang labas o lampas sa kaniyang pangunahing mithi,
kahit matalino at nagtapos sa ibang bayan
o hindi sapat ang pagsisiwalat ni Tenyente Guevarra at payo ni
Pilosopo Tasyo upang mapaghandaan ang mga dagok ng kapalaran
o ilang ulit kinailangang saklolohan ni Elias
o sa dulo nakapagtanto kayat tumaas ang kamalayang
rebolusyonaryo
sa pagtatapos ng nobela, sapat na ang edukasyon upang muli ng
maglaho si Ibarra
ginawang kawangis ni Kristo upang malinaw ring maitanghal ang
di-Kristiyanong asal ng mga itinuturing na tagapagpalaganap ng
Mabuting Balita
o nang barilin si Ibarra sa lawa, natapos ang pagpapako at
pagpatay ng mga prayle sa Bagong Kristo, natapos din ang
panimulang edukasyon ni Ibarra sa Nolin a nakatakdang muling
magbalik
o isang siklo lamang ang natupad sa Noli
o ipinanganak si Ibarra sa isang piging (Araw ng mga Patay) at
namatay sa lawa (umaga ng Pasko)
kailangan ng bagong siklo, ng bagong muling pagbabalik
bumalik upang mag-alay ng karunungan sa bayan ngunit
NABIGO
Simoun nagbalik upang pumatay, upang ipaghiganti ang mga dinanas na
kasawian
Ibarra bilang Simoun ay nagbalik bilang mapaghiganting bathala
o inilihis ni Rizal ang misyon ni Simoun sa aral ng pasyon hinggil sa
walang-hanggang pagpapakumbaba at dalisay na pagpapatawad
sa nagkasala
o sa halip na isang anghel ng kapayapaan at oliba, isa siyang
demonyo ng katarungan
o mithi ay pagwasak ng kaayusang kolonyal na ipinalalagay na
lubhang bulok at wala ng pag-asang tubusin
o gumawa pa ng hakbang upang higit na mabulok ang bulok na
o quos vult perdere Jupiter, prius dementat (whom Jupiter
would destroy, he first makes mad liham kay Blumentritt,
19 Hunyo 1887)
o paniniwalang hindi mahalaga kung masama ang pamamaraan kung
mabuti naman ang ibubunga
sa kuwento ng gamugamo
o nilunggati ni Simoun ang paglapit sa ningas ng lampara
o bahagi ng kanyang pasyon ang paglalaro ng apoy ng himagsik
upang tupukin ang sarili (ang sariling panahon at lipunan) upang
maabot ang inaasam na bagong-buhay mula sa sariling abo
o iba sa pasyon ni Ibarra na umiiwas sa apoy o anumang may
sangkap ng dahas, matamang tinitimbang ang panganib at
hinahanap ang lahat ng paraan upang maisagawa ang pagbabago
sa mapayapa at ligtas na paraan
may paing alahas ng korupsyon at maitim na kaloobang maghasik ng
poot at himagsik ngunit BIGO rin

ang mambabasa ang inaasahang makikinabang sa 2 bigong pagbabalik


o matututo mula sa mga limitasyon at pagkakamali nina Ibarra at Simoun

sa pagwawakas ng El FIlibusterismo, nabuo ang parabula ni Rizal ukol sa mabuti at


masamang potensyal ng tao
o mabuti: Ibarra na sinikap igpawan ang anumang dusa sa pamamagitan ng
paglilingkod sa ikagagaling ng kapwa at magpakatao sa pamamagitan ng
paninindigan para sa katuwiran at katarungan
o masama: Simoun na sinira ng panlulupig ang isip at nabaluktot ang mga
lunggati tungo sa huwad na kapangyarihan at pansariling kaligayahan

si Andres Bonifacio ang dumugtong sa kamatayan ni Simoun


o siya ang ironiya ng pagpatay ni Rizal kay Simoun
o Bonifacio bilang sintesis ng tesis na si Ibarra at antithesis na si Simoun
o ang HIMAGSIKANG 1896 ang IKATLONG NOBELA na hindi na
kinailangang isulat ni Rizal
o nangangahulugang wasto ang basa ng mga prayle ukol sa isinulat ni Rizal

UNANG KABANATA / LUNAN

hambingan ng estado ng Pilipinas ng ika-19 na dantaon


lagom ng sining at teknolohiya na naidulot ng kolonyalismo sa Pilipinas sa 300 taon

BAHAY NI produktong pang-arkitektura ng 300 taong pananakop at


KAPITAN TIAGO nagtatanghal ng pagsasanib ng teknolohiyang natutunan sa mga
Europeo
lunggating gayahin ang sining kanluranin na pinangibabawan ng
halagahang relihiyoso
tagilid na tindig ng bahay dahil mahina ang mata ng arkitekto
pagtitipon nahati ang panauhin sa 2
o kababaihan Pilipina at Espanyola na sakbibi ng katahimikan
- papel ng kababaihan bilang tau-tauhan sa
lipunan
o kalalakihan dominanteng saray ng pagtitipon / lipunan
kolonyalista
o pari - Padre Sibyla (Dominiko)
- Padre Damaso (Fransiskano)
o militar, bagong dating na binata
- Tenyente Guevarra
- binatang mapula ang buhok (sa kasalukuyang
kalagayan ng mga
bagay-bagay sa Pilipinas, halos ikabubuti ang mga
Pilipino na
pagbawalan nilang umalis ng kanilang bayan at huwag
silang
turuang bumasa
o pinangingibabawan
o mga hindi inimbitahan (kalatog-pinggan, limatik, langaw ng
Maynila)
Ibarra bilang tagapamagitan sa 2 panig
o lumapit sa kababaihan matapos ipakilala sa mga lalaki
BAPOR TABO kabaguhan sa transportasyong pantubig at isang imbensyong
kanluranin
agham ng bapor ay lubhang nahuhuli sa panahon at nababalot ng
marangyang pagkukunwari upang magmukhang makabago
nakabubulahaw na pitada ng bapor - paos at naninindak tulad ng
isang hari-harian na ibig mamahala nang pasigaw-sigaw kaya hindi
maunawaan ng mga pasahero kahit ang kanilang sarili
2 palapag ng bapor ay matalim na naglalarawan ng pang-itaas at
pang-ibabang saray ng lipunan
o kubyerta
mga prayle Padre Sibyla (Dominiko)
- Padre Salvi (Pransiskano)
- Padre Irene, Padre Camorra
Ben Zayb, Don Custodio, Doa Victorina
o ibaba ng kubyerta
mga panauhing tahimik, natutulog o nagsisikap aliwin ang
sarili sa kabagot-bagot na biyahe ng barko ng Estado
naibukod sina Basilio, Isagani, Kapitan Basilio, Padre Florentino
(panggitnang uri?)
Simoun bilang tagapamagitan
o pagpapalalo laban sa mga kinatawan ng naghaharing-uri,
pagkatapos ay bumaba sa karaniwang tao ngunit batay sa
reaskyon nila ay makikita ang pagkukulang na iugnay ang sarili sa
mga nais niyang iligtas
o indikasyon ng magiging suliranin ng lihim niyang misyon

Iba pang Di Natapos na Nobela


1. walang pamagat (Etikang Tagalog)
tradisyunal na gawi at kostumbre ng Pilipinas
sinimulan noong Okt. 1891 habang patungong HongKong, mula Espanya
nasa wikang Tagalog, kalaunay lumipat sa Ingles
44 na pahina
2. Makamisa
impluwensya ng mga prayle sa bayan
nasusulat sa Tagalog, 2 kabanata

3. Dapitan
isinulat habang tapon sa Dapitan
nasusulat sa Kastila, 8 pahina

4. walang pamagat
ukol sa bayan ng Pili, Laguna
147 na pahina

5. walang pamagat
ukol sa mag-aaral na nagmula sa Europa
34 na pahina

6. walang pamagat
ukol sa mga diyos na naglalarawan sa kaawa-awang kalagayan ng Pilipinas
nasusulat sa wikang Kastila
nasa 2 kwaderno (31 pahina, 12 pahina)

Mga Tema ng mga Akda ni Rizal


1. Ang Diyos ang nakapangyayari sa Mundo
tinawag na providence
di naniniwala sa kahigitan ng isang pananampalataya / relihiyon sa iba
paniniwala sa Diyos na ipinakikita ang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagmumulat sa kaisipan ng tao dala ng edukasyon at kaliwanagan ng agham

2. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa dangal.


walang lahing mas nakahihigit sa iba
ang pagkaduhagi ay dahil sa pang-aalipin
ang karahasan ay bilang huling paraan na lamang dahil sa pakadamay ng mga
inosenteng buhay

3. Ang kalayaan ay mahalagang salik upang makamit ang dangal


sa pamamagitan lamang ng mga kalayaan tunay na uunlad ang diwang ibinigay ng
Diyos sa tao
kung walang kalayaan, di maipapahayag ang pinakamahusay na kaisipan, di uunlad
ang agham at walang magaganap na progresong materyal
pinakamahalagang salik sa mga kalayaan ay edukasyon
maling uri ng edukasyon ang itinuro ng mga prayle

4. Ang pag-ibig ang pinakamatayog na manipestasyon ng pagkilala ng tao sa


kanyang banal na pinagmulan
sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga mahihirap at aba
sa pamamagitan ng pagpawi ng sakit, pagtuturo sa mangmang, pagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan

*ang relihiyon ni Rizal ay ang pagmamalasakit sa kanyang mga kabababayan

You might also like