You are on page 1of 61

 YAMAN NG WIKA NATIN, HALINA’T TUKLASIN

 Isang paraan ng komunikasyon ang wika.

 Ano ba ang wika?


 Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na
nagsasalita ng humigit-kumulang 180 wika,
mahalagang maunawaan ang kalikasan ng
wika at maging malay sa mga varayti ng wika
na umiiral sa buong bansa.
 A. Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang
wika para sa iyo. Tingnan ang una bilang
halimbawa
MIDYUM NG
KOMUNIKASYON

WIKA
 B. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa loob
ng kahon sa unahan ng bilang kung tama ang
sinasabi ng pangungusap. Gumuhit naman ng
malungkot na mukha ( ) kung mali ang
pahayag.
 1. Walang malinaw ng konseptong nag-
uugnay sa wika at kultura.
 2. Tagalog ang unang pambansang wika
ng Pilipinas.
 3. May masistemang balangkas ang wika.
 4. Unique o natatangi ang bawat wika.
 5. May mga wikang mas makapangyarihan
kaysa iba pang wika.
 6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat
na maging pambansang wika.
 7. Namamatay ang wika kapag namatay
ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
 8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang
pambansang wika ng Pilipinas.
 9. Ginagamit natin ang wika para makamit
natin ang ating mga kagustuhan.
 10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang
wika.
 11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao
ang wika
 12. Kailangang manatiling puro ang wika at
hindi dapat tumanggap ng mga pagbabago.
 13. Dinamiko ang wika.
 14. Walang mga tuntuning sinusunod sa
paggamit ng wika.
 15. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.
 Mayroon tayong iba’t ibang karanasan
sa paggamit ng wika, Ingles man ito o
Filipino. May mga gumagamit ng
Filipino para masabing makabayan
sila.
 Ang iba naman, gumagamit ng Ingles
para magpasikat sa kausap nila.
 Ano ang karanasang hindi mo
malilimutan sa paggamit ng wika?
 Mayaman ang wika at isa itong
malawak na larangan. Hindi nauubos
ang mga kaalamang natutuhan at
natutuklasan tungkol sa wika.
 Sa tanong na “ano nga ba ang wika?”
napakaraming makukuhang sagot
mula sa iba’t ibang dalubhasa sa wika.
 Pinakagamitin at popular ang kahulugan ng
wika na ibinigay ng lingguwistang si Henry
Gleason (mula sa Austero et al. 1999).
 Ayon sa kaniya, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinisaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
 Saaklat nina Bernales et al.
(2002), mababasa ang kahulugan
ng wika bilang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaring
berbal o di-berbal.
 Samantala, sa aklat naman nina Mangahis et
al. (2005), binanggit na may mahalagang
papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
 Marami pang Pilipinong dalubwika at
manunulat ang nagbigay ng kanilang
pakahulugan sa wika.
 Ayong sa edukador na sina Pamela C.
Constantino at Galileo S. Zafra (2000), “ang
wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang
isang grupo ng mga tao.”
 Binanggitng Pambansang Alagad
ng Sining sa Literatura na si
Bienvenido Lumbera (2007) na
parang hininga ang wika.
Gumagamit tayo ng wika upang
kamtin ang bawat
pangangailangan natin.
 Paranaman sa lingguwistang si
Alfonso O. Santiago (2003), “wika
ang sumasalamin sa mga mithiin,
lunggati, pangarap, damdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman at karunungan,
moralidad, paniniwala, at mga
kaugalian ng tao sa lipunan.
 Kung sasangguni naman sa
mga diksiyonaryo tungkol sa
kahulugan ng wika, ang wika
ay sistema ng komunikasyon
ng mga tao sa pamamagitan
ng mga pasulat o pasalitang
simbolo.
 Samantala, ayon sa UP
Diksiyonaryong Filipino (2001)
ang wika ay “lawas ng mga salita
at sistema ng paggamit sa mga
ito na laganap sa isang
sambayanan na may iisang
tradisyong pangkultura at pook
na tinatahanan.”
 Sa pangkalahatan, batay sa mga kahulugan
ng wika na tinatalakay sa itaas, masasabi na
ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog na binibigkas o
sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan,
nagkakaugnay, at nagkakaisa ang mga tao.
 Kasangkapan ang wika upang maipahayag ng
mga tao ang kaniyang naiisip, maibabahagi
ang kaniyang mga karanasan, at maipadama
ang kaniyang nararamdaman.
 Gayundin, bawat bansa ay may
sariling wikang nagbibigkis sa
damdamin at kaisipan ng mga
mamamayan nito.
 Sa wika nasasalamin ang
kultura at pinagdaanang
kasaysayan ng isang bansa.
 Mula sa mga tinuran ng nabanggit na mga dalubhasa
tungkol sa wika, mapatotohanan na sadyang
mahalaga ang wika at kakabit na ito ng pakikipag-
ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa tao at ng bawat
bansa sa daigdig.
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng
wika ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang
komunikasyon kapag walang wikang ginagamit.
Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang sa
pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa
pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.
 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapahayag, at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao.
 Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa
sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang
magagamit na pantawag sa tradisyon at
kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba
pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at
paraan ng pamumuhay ng mga tao.
 Naipakikilala ang kultura dahil sa
wika. Yumayaman naman ang
wika dahil sa kultura.
 Isang magandang halimbawa nito
ang mga payyo (tinatawag ding
payao o payaw), ang hagdan-
hagdang taniman ng palay ng
mga Igorot.
 Kapang may sariling wikang ginagamit ang isang
bansa, nangangahulugang ito ay malay at may
soberanya.
 Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hini
nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa
pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
 Malaki ang papel na ginagampanan ng wika
bilang tagapagpanatili ng pambansang
kamulatan at pagkakakilanlan.
 wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng
isang bansa at nga mga mamamayan nito.
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan at
kaalaman. Bawat bansa ay may kani-kaniyang
yaman ng mga karunungan at kaalaman.
 Ang mga nakaimbak na karunungan at
kaalaman sa isip at dila ng sinaunang
mamamayan ay nagagawang magpasalin-
salin sa mga sumunod na henerasyon dahil sa
wika.
 Nagkakaroon din ng hiraman ng karunungan
at kaalamang nakasulat at nakalimbag dahil
naisasalin sa sariling wika ng isang bansa ang
karunungan at kaalamang nahiram at
nakapasok sa kanila mula sa ibang bansa.
 Halimbawa, lumaganap ang Bibliya nangg
maisalin sa iba’t ibang wika.
 Naging mahalagang instrumento ang wika
para maunawaan ng daigdig ang nilalaman
ng Bibliya at maipakalat ang Kristiyanismo sa
mundo.
 Ang nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay naisalin
sa iba’t ibang wika ng daigdig, gayundin ang
mga akda ni F. Sionil Jose, isang Pilipinong
nagsusulat sa wikang Ingles, at ang wika na
“Anak” ni Freddie Aguilar.
 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o
bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng
taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
 Mas nagkakaunawaan ang mga tao sa isang
bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat
bansa sa daigdig sapagkat may wikang
nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat
isa.
 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika
sa pagkikipagtalastasan at pakikipag-
ugnayan tungo sa pagkakaunawan at
pagkakaisa.
 Walang saysay ang sangkatauhan kung wala
ang wika sapagkat walang hiraman ng kultura
at/o paraan ng pamumuhay, walang
mangyayaring kalakalan, walang pagbabahagi
ng mga tuklas at imbensiyon, walang palitan
ng talino at kaalaman, walang diplomatikong
pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at
walang pagtutulungan sa paglinang ng
siyensiya at teknolohiya.
 Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng
pagkabigo ng sangkatauhan.
 Sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon
ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at
masiglang sangkatauhang bukas sa
pakikipagkasunduan sa isa’t isa.
 Lahat ng nilikha sa mundo ay may katangian
o kalikasang taglay. Tulad ng mga tao at ng
iba pang mga bagay sa mundo, nagtataglay
rin ng mga katangian o kalikasan ang wika.
 Kung babalikan ang kahulugan ng wika ayon
kay Henry Gleason, nakapaloob sa
kahulugang kaniyang ibinigay ang taltlong
katangian ng wika.
 Una, ang wika ay may sistemang balangkas.
Binubuo ng mga makabuluhang tunog o
ponema ang wika na nakalilikha ng mga yunit
ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang
maayos at makabuluhang pagkakasunod-
sunod ay nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap, at talata.
 Pangalawa,ang wika ay arbitraryo.
Pinagkakasunduan ang anomang
wikang gagamitin ng mga grupo
ng tao para sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay.
 Pangatlo, ginagamit ang wika ng pangkat ng
mga taong kabilang sa isang kultura.
Magkaugnay ang wika at kultura at hindi
maaaring paghiwalayin. Katulad ng
nabanggit, ang kultura ang nagpapayaman sa
wika samantalang ang wika naman ang
nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga
gawaing nakapaloob sa kultura.
 Kasama rin sa mga katangian ng wika ang
pagiging buhay o dinamiko nito. Ibig sabihin,
sumasabay sa pagbabago ng panahon ang
wika at malaya itong tumatanggap ng mga
pagbabago upang patuloy na yumaman at
yumabong.
 Namamatay ang wika kapag hindi nakasabay
sa pagbabago ng panahon o kapag hindi
tumanggap ng mga pagbabago.
 Nagbabago ang anyo, gamit, at kahulugan ng
mg asalita ayon sa takbo ng panahon at sa
mga taong gumagamit nito.
 Dahil nagbabago ang wika, may mga salitang
namamatay o hindi na ginagamit sa paglipas
ng panahon, at may nadaragdag o naisisilang
namang mga bagong salita sa bokabularyo.
 Katulad ng salitang “hataw” na
nangangahulugang “pagpalo”. Ngayon, may
dagdag itong kahulugan sa pangungusa na
“Humataw sa takilya ang pelikula ng bagong
tambalan.” Sa pangungusap na ito, ang
“humataw” ay may dagdag na kahulugan ng
pagiging mabili o nagustuhan ng marami
kaya kumita nang malaki.
 Hindi na naririnig sa ngayon ang mga salitang
“kasapuwego” (posporo), “sayal” (naging
palda at ngayon ay mas tinatawag na skirt)”,
“kolong-kolong” (playpen), at iba pa.
 Bawat wika ay unique o natatangi. Walang
wikang may magkatulad na magkatulad na
katangian. May kani-kaniyang lakas o
kahinaan din ang wika.
 May mga salitang mahirap hanapan ng
eksaktong salin o katumbas sa ibang wika
dahil sa magkakaibang kulturang
pinagmulan.
 Gayundin, hindi dahil mas mayaman,
malakas, at mas maunlad ang isang bansa ay
mas superyor o mas makapangyarihan na ang
wika ng bansang ito kaysa sa ibang mahirap
na bansa.
 Walang wikang superyor sa isang pang wika.
Lahat ng wika ay pantay-pantay sapagkat
mayroon itong kaniya-kaniyang katangian
taglay na natatangi sa isa’t isa.
 Kabuhol ng wika ang kultura dahil
sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay
ng mga tao. Nahihinuha ang kulturang
kinabibilangan ng mga tao sa kanilang
wikang ginagamit.
 Para sa lingguwistang si Ricardo Ma. Nolasco,
dating Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), may bentahe ang pagkakaroon
ng maraming wika at maraming kultura sa
isang bansa.
 Sa kaniyang “Pamaksang Pananalita” sa
Pambansang Seminar sa Filipino ng KWF sa
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM)
noong Mayo 10 hanggang 12, 2006, sinabi
niya na “bukod sa nabibiyayaan tayo ng
maraming katutubong wika ay mayroon din
tayong wikang pambansa – ang Filipino – at
may wikang internasyonal pa – ang Ingles.
 Ang pagtutulungan ng mga wikang ito – lokal
at dayuhan – ay siyang nagpapatotoo kung
gaano ka-linguistically diverse at culturally
diverse ang ating bansa, isang bagay na
dapat nating ipagbunyi at ipagmalaki.
 Ayong sa mga lingguwista, may mahigit
5,000 wika na sinasalita sa buong mundo.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang
biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin
sa 180 ang wikang sinasalita sa Pilipinas.
 Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa
Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito
at may mga diyalekto o varayti ang mga
wikang ito.
 Homogenous ang sitwasyong pangwika sa
isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita
ng mga mamamayan dito.
 Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkakaroon
ng mga diyalekto kahit isang wika lamang
ang ginagamit sa isang bansa dahil likas
lamang sa mga tagapagsalita ng isang wika
na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas
ng mga salita, at sa pagbubuo ng mga salita
at mga pangungusap. Nagkakaintindihan pa
rin ang mga taong gumagamit ng iba’t ibang
diyalekto ng isang wika.
 Ang Tagalog, Sinugboang Binisaya, Ilokano,
Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan, Bikol,
at iba pa ay mga wika, hindi diyalekto at hindi
rin wikain (salitang naimbento upang tukuyin
ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba).
 Ang diyalekto ay nangangahulugang varayti
ng isang wika, hindi hiniwalay na wika.
Kapang hindi nagkakaintindihan ang
dalawang pag-uusap na gumagamit ng
magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang
ginagamit nila ay hiwalay na wika.
 Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga
nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar na
pinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng
bahagyang pakakaiba sa bigkas, paggamit ng
panlapi, o ayos ng pangungusap.
 Dahil dito, may tinatawag na Tagalog-
Bulacan, Tagalo-Cavite, Tagalog-Metro
Manila, at iba pa.
 Ngayon, dahil maraming gumagamit ng
pambansang wika na galing sa iba’t ibang
rehiyon, nakakaroon na rin ng iba’t ibang
diyalekto ng Filipino, tulad ng Filipino-
Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na
bawat isa ay nagpapakita ng natatanging
pagkakakilanlan ng unang wika ng
tagapagsalita ng Filipino.
 Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa
isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika
tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na
wika na ginagamit sa isang lugar na hindi
sentro ng gobyerno o ng kalakal. Tinatawig
din itong wikang panrehiyon.
 Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa
dalawang wika. Isang pananaw sa pagiging
bilingguwal ng isang tao kung
nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang
may pantay na kahusayan. Bilang patakarang
pang-edukasyon sa Pilipinas,
nangangahulugan ito ng paggamit ng Ingles
at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang
magkakahiwalay na subject: Ingles
matematika at siyensiya, Filipino sa agham
panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
 Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi
multilingguwalismo ang pinaiiral na
patakarang pangwika sa edukasyon. Ang
pagpapatupad ng mother tongue-based
multilinggual education o MTB-MLE ay
nangangahulugan ng paggamit ng unang
wika ng mga estudyante sa isang partikular
na lugar.
 Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang
panturo sa mga estudyante mula
kindergarten hanggang ikatlong baitang.
Ituturo naman ang Filipino at Ingles
pagtuntong nila sa ikaapat na baitang pataas.
 Ipanapatupad ang ganitong pagbabago sa
wikang panturo dahil napatunayan ng
maraming pag-aaral na mas madaling
natututo ang mga bata kapag ang unang wika
nila ang ginamit na panturo.
 Mas madali rin silang natututong makabuo ng
kritikal na pag-iisip kapag naturuan sila sa
kanilang unang wika.
 Sa bansang tulag ng Pilipinas na may
humigit-kumulang 180 na umiiral na wika,
hindi kataka-takang maging multilingguwal
ang nakararaming populasyon.
 Halimbawa, ang mga Ilokano, bukod sa wiang
Ilokano, ay marnuong din ng Filipino at
Ingles.
 Ang mga nagsasalita ng Kiniray-a ay maaring
marunong din ng Hiligayon bukod sa Filipino
at Ingles.
 Ang unang wika ay tinawag ding “wikang
sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang
unang wikang natutuhan ng isang bata.
Tinatawag na “taal” na tagapagsalita ng isang
partikular na wika ang isang tao na ang
unang wika ay ang wikang pinag-uusapan.
 Halimbawa, “taal na Tagalog” ang mga tao na
ang unang wika ay Tagalog. May nagsasabi
rin na sila ay “katutubong tagapagsalita” ng
isang wika.
 Pangalawang wika ang tawag sa iba pang
mga wikang matutuhan ng isang tao
pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang
wika.
 Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika ng
mga taga-Iloilo. Ang Filipino ay pangalawang
wika para sa kanila. Ang Ingles, Nipongo,
Pranses, at iba pang mga wikang maaari
nilang matutuhan ay tinatawag ding
pangalawang wika.
 Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at
may konstitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino.
 Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6
ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
 Bilang pambansang wika, Filipino ang
sumisimbolo sa ating pambansang
pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating
kalinangan at kultura, gayundin ang ating
damdamin bilang mga Pilipino.
 Ang wikang Filipino ang nagbabandila sa
mundo na hindi tayo alipin ng alinmang
bansa at hindi tayo nakikigamit ng wikang
dayuhan. Ang wikang pambansa ang
sumasagisag sa ating kalayaan.
 Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang
wika sapagkat ito ang nadadala sa ating sa
pambansang pagkakaisa at pagbubuklod.
Mahalagang pagyamanin at pahalagahan ang
ating pambansang wika, ang isa sa mga
natatanging pamana ng ating mga ninuno at
nagsisilbing yaman ng ating lahi.
 Bukas ang wikang Filipino sa pagpapayamang
matatamo mula sa iba pang mga wika ng
rehiyon. Lalo pang mapapayaman ang
leksikon ng Filipino sa pamamagitan ng
paglalahok ng mga salitang mula sa iba pang
katutubong wika sa Pilipinas.
 Halimbawa, gahum mula sa Binisaya sa halip
ng hiram sa Espanyol na “hegemoniya.”
Marami na ring gumagamit ng “bana” na
nangangahulugana “asawang lalaki.”
 Bukod sa pagiging pambansang wika ng
Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987
ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo.
Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6,
nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaring ipasiya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin
ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipno bilang midyum
ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
 Maraming sikolohista sa wika ang naniniwala
na ang katulong ng utak sa pagproproseso
ng kaalaman ay ang wikang nauunawan ng
tao. Mahalaga kung gayon na gamitin ang
Filipino sa pagtuturo hindi lamang para sa
mas epektibong pagtuturo kundi pati na rin
sa mas makabuluhang pagkatuto ng mga
estudyante.
 Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika
na bingyan ng natatanging pakilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga
opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang
Filipino at Ingles.
 Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.
 Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at
magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
 Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika
sa pag-akda ng mga batas at mga
dokumento ng pamahalaan. Ito rin ang
wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso
sa loob ng bansa, halimbawa, sa mga
talumpati ng pangulo, mga deliberasyon sa
kongreso at senado, pagtuturo sa mga
pamahalaan, mga paglilitis sa korte, at iba
pa. Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa
mga talumpati ng pangulo at sa mga talakay
at diskurso upang maunawaan ng mga
mamamayan ang mahahalagang usapin ng
bansa.
 Bukod sa pagiging pamabansang wika at isa
sa mga opisyal na wika ng Pilipinas,
gumaganap din ang Filipino bilang lingua
franca o tulay ng komunikasyon sa bansa.
Kapag may dalawang taong mag-uusap na
may magkaiba o magkahiwalay na kultura at
sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang
isa ay Kapampangan at isa naman ay
Bikolano, gagamitin nila ang Filipino para
magkaunawaan.
 Samantala, gagamitin naman ang Ingles
bilang isa pang opisyal na wika Pilipinas sa
pakikipag-usap sa mga banyagang nasa
Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa
iba’t ibang bansa sa daigdig. Ingles ang
itinuturing na lingua franca ng daigdi. Ito ang
ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang
bansa para mag-usap at magkaunawaan.

You might also like