You are on page 1of 27

Modyul 7

Ang Kabutihan o Kasamaan


ng Kilos Ayon sa
Paninindigan,Gintong Aral,At
Pagpapahalaga
GRO

“do unto others as you would
have them do unto you”
(Matt. 7:12).”
Tinuturing na isang makataong
kilos kung ginamit ang isip
upang makabuo ng mabuting
layunin at kilos loob upang
isagawa ito sa mabuting
pamamaraan.
Likas sa Tao na naisin at gawin
ang isang bagay na magbibigay ng
kaligayahan sa kanya
Sa kabilang banda,itinuturing ding
batayan ng paghusga ng kabutihan o
kasamaan ng isang kilos ang bunga o
kakahinatnan nito.
“Gawin mo ang iyong tungkulin
alang alang sa tungkulin”
-Imman
Ang kautusang walang pasubli o categorical
imperative ay ang pagkilos sa ngalan ng
tungkulin,ginagawa ng isang tao ang mabuti
dahil ay nararapat at hindi dahil sa kasiyahan
na gawin ito
Nakabatay sa Dahilan kung bakit ito ginagawa
o gagawin kung maituturing na mabuti o
masama ang isang kilos
May mga kilos ang tao dahil sa kaniyang hilig
(inclination)at hindi dahil ito ay isang
tungkulin(duty)
MGA BALANGKAS NG KAUTUSANG WALANG
PASUBLI
Dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari
niyang gawing pangkalahatang batas ang
paninindigan.
Ano ang
paninindigan?
Ang PANININDIGAN ay ang
dahilan ng pagkilos ng tao
sa isang sitwasyon
Tinataya ang paninindigan sa
dalwang paraan,ang
MAISAPANGKALAHATAN
(Universability)at kung
maaring gawin sa sarili ang
gagawin sa iba(reversibility)
Inaasahan na dapat mangibabaw ang
paggalang sa bawat isa,pagtrato ayon sa
kanilang pagkatao bilang taong may
DIGNIDAD,hindi lamang bilang isang
KASANGKAPAN at bilang isang layuninmismo
(IKALAWANG BALANGKAS)
ANG GINTONG ARAL(THE GOLDEN RULE)
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila
sayo”
Mula sa kasabihan na ito ni confucius,isang pantas mula
sa silangang Asya,makikita ang pagkakatulad sa
ikalawang pagtataya ng unang balangkas ng kautusang
walang pasubali ni kat-ang REVERSIBILITY
Ayon sa kaniya,mahalagang isa alang-alang
ang mabuting pakikisama sa kapakanan ng
kapwa at bawat kilos ng tao.Itinuturing ni
confucius na matibay na batayan ng moral na
kilos ang RECIPROCITY o REVERSIBILITY
Nabanggit din ni Hesukristo nang
minsang mangaral siya na,”kung ano
ang ibig ninyong gawin sa inyo ng
mga tao,gayon din ang gawin ninyo sa
kanila.”
Gayundin ang turo ni Propeta Muhammad sa
pananampalatayang Islam,Makikita sa HADITH (isa sa
mga batayan maliban sa Qur’an)ang pahayag na”wala
man ni isa sa inyo ang tunay na mananampalataya
hangga’t hindi nya ninanais sa kaniyang kapatid ang nais
niya para sa kaniyang sarili.”
ANG PAGNANAIS:KILOS NG DAMDAMIN
Kung ang paninindigan ay dahilan(isip)ng
pagkilos ayon sa kautusang walang pasubali ni
Immanuel kant,ang PAGNANAIS na gawin ang
isang kilos ay bunga ng damdamin
Ninanais ng tao na gawin ang isang kilos dahil
makabubuti ito para sa bawat kilos na ating
ginagawa,may nakikita tayong
PAGPAPAHALAGA na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa
pagiging personalidad
Ang pagpapahalaga bilang
batayan sa paghusga ng
kabutihan o kasamaan ng kilos
Paano natin malalaman kung
masama o mabuti ang mga bagay
o kilos na mahalaga at nagbibigay
kaligayahan sa atin?
Ayon kay Max Scheler,ang tao ay may
kakayahang humusga kung mabuti o masama
ang isang gawi o kilos ayon sa
PAGPAPAHALAGA(values)ang pagpapahalaga
ay obheto ng ating INTENSIYONAL na
DAMDAMIN.
Ayon kay Scheler,nakasalalay sa
PAGPILI ng pahalagahan ang
PAGHUHUSGA sa pagiging mabuti o
masama ng kilos.
Maituturing na mabuti ang isang gawain kung
mas piniling gawin ang mas mataas na
PAGPAPAHALAGA kaysa sa mababang pag
papahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa
sa negatibong pagpapahalaga
Binigyang diin ni Scheler na Hindi ang
layunin o bunga ng kilos ang batayan
sa paghusga ng kabutihan o
kasamaan ng kilos
Ang malalim na pag unawa sa kautusang
walang pasubli,Gintong aral at mga
pagpapahalaga ay magbibigay sa iyo ng
matatag na kakayahan na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama

You might also like