Professional Documents
Culture Documents
Denotasyon at Konotasyon
Denotasyon at Konotasyon
Matangkad
TANDAAN
Mahalaga ang semantika
dahil dito natin nalalaman
ang kahulugan at
kaangkupan ng bawat salita.
DENOTASYON
AT
KONOTASYON
Buwaya Rosas
Ahas
Denotasyon
Tumutukoy sa tuwiran o
direktang pagtukoy na bagay.
Diksyonaryong
pagpapakahulugan
Tahas o literal na
pagpapakahulugan
Halimbawa:
1. Inaalagaang mabuti ang mga
buwaya sa Manila Zoo.
2. Binigyan sya ng pulang rosas
ng kanyang mga estudyante.
Konotasyon
Tumutukoy sa di-tuwiran o di-
direktang pagtukoy na bagay.
Ang kahulugan ay nakabatay
sa kung paano ginagamit ang
salita sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Maraming buwaya ang
naglipana sa ating lipunan.
2. Pulang rosas para sa pag-ibig
na wagas.
Panuto: Piliin ang letra ng
pahayag na nagbibigay ng
angkop na pagpapakahulugan
sa salitang may salungguhit
batay sa pagkakagamit sa
pangungusap.
1. Maraming plastik sa mundo
kaya’t di dapat agad-agad
magtitiwala.
a. Sisidlan na yari sa materyal
na plastik.
b. Taong may mapagkunwaring
pag-uugali.
2. Mapait na karanasan ang
kanyang sinapit sa ibang bansa.
a. Isang uri ng panlasa o lasa ng
pagkain.
b. Kabiguan at paghihirap na
dinanas sa buhay.
3. Ubod ng hangin ang taong
nakausap ko kanina.
a. Mayroong mayabang na
pag-uugali.
b. Nararamdamang
dumadampi sa balat ngunit
hindi nakikita.
4. Langit sa piling mo.
a. Bahagi ng mundo na
natatakpan ng ulap.
b. Pakiramdam ng isang taong
walang problema o lubos na
kasiyahan.
5. Tadtad ng barya ang binte ng
bata.
a. Uri ng pera na yari sa tanso.
b. Markang naiiwan sa balat
matapos maghilum ang
sugat.
Takdang Aralin:
Sumulat ng sampong hugot line
na mayroong denotasyon at
konotasyon na pagpapakahulugan