You are on page 1of 54

Aralin 6-Day 6

Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang salitang iisa
ang baybay ngunit magkaiba ang diin
Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa
teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman
Pagbabaybay
Paunang Pagsusulit
SALITA GUHIT KO
baton

majorette

musiko

prusisyon
Ano ang kahulugan
ng baton? Majorette?
Musiko? Prusisyon?
Balikan natin ang liham na
natapos nang nagdaang araw.
Saan mo inaanyayahang
mamasyal ang iyong kaibigan?
Bakit dito mo siya
inaanyayahan?
Saang lugar nandoon
ang magkakaibigan?
Gawin Natin
Basahin ang teksto na
makikita sa Basahin
Mo, KM, p. 51-52.
Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko.Bababa na ako,” sigaw
ni Bert sa mga kalaro.”
Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,”
nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang
mga bata. Nagkagulo ang mga bata nang makita
ang Ati-atihang sumasayaw sa saliw ng tugtog ng
mga tambol. Buong siglang umikot-ikot ang mga
majorette at ang kanilang baton habang
tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo.
Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno
ng pagkain ang mesa, may adobong manok,
mechadong karne ng baka,paksiw na pata at
marami pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y
may prusisyon sila.Suot ng mga matatanda ang
kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang
umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay may kakaibang
nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw
pagkatapos ng pista.Pata at malata ang
katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang
handa ay magtiis na lang sila sa mga de-lata
o di kaya’y sa ginataang gabi.
Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit
ngayo’y unti-unti nang
nagbabago.Ipinagdiriwang pa rin ang
kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot
na lamang ng kanilang makakaya.
Anong lugar binanggit sa
teksto?
Saan ang pistang ito?
Paano mo nasabi?
Ipaturo sa mapa ng Pilipinas
ang Aklan kung saan ginagawa
ang Ati-Atihan.
Ano-ano ang nagaganap tuwing may
pista?
Ihambing ang pagdiriwang ng pista
noon at ngayon?
Ano sa palagay mo, kailangan bang
ipagpatuloy ng bawat pamilyang
Pilipino ang magarbong pagdiriwang ng
pista sa kanilang lugar?Bakit?
Muling ipabasa nang tahimik ang
kuwento ng pinamagatang Pista sa
Barangay.
Ano-ano ang napansin ninyo sa mga
salitang ginamit sa teksto?
Ano-anong salita ang
magkakatulad?
Basahin:
Puno ng makopa
puNo ang mesa ng pagkain
suot ang Saya
ang saYa ng mga mag-aaral
paksiw na Pata
paTa ang katawan dahil sa pagod
may prusisyon sa gaBi
nilagang Gabi ang kanilang meryenda
Ano ang napansin ninyo sa mga
pariralang binasa?
Ano ang pagkakaiba ng mga
salitang ginamit sa parirala?
Gamitin ninyo ang mga
pariralang ito sa pangungusap.
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang
kanilang bigkas. Marami nito sa binasang kuwento.
Ano-ano ang mga ito? Magkatulad ba ang mga ito ng
kahulugan?Ngayon, tukuyin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

1. Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng


Akasya. Laging puno ng tubig ang mga tapayan
sa bakuran upang gamitin sa kanilang taniman.
Dahil sa matiyagang pagtatanim naging maayos
ang buhay nina Kadyo.
2. Ang malaking paso sa kaniyang kamay ay dahil sa
hindi niya pag-iingat habang nagluluto. Sa sobrang
sakit nito, nasagi niya ang magandang paso ng
halaman malapit sa kanilang bintana.

3. Maluwang ang taniman ng tubo ng pamilyang


Santos. Maliit ang tubo ng pera na inilagak sa
bangko.Ang mga anak nila’y nakaupo sa mahabang
bangko habang naghihintay sila ng tawag ng kahera ng
bangko.
4. Pito ang pulis na nakabantay malapit sa paaralan.
May kaniya-kaniya silang pito na nakasabit sa
uniporme.
Gawin Mo
Naririto pa ang ilang pares ng mga salita na
magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ng
bigkas. Gamitin ang mga ito sa sariling
pangungusap .Salungguhitan ang panghalip na
ginamit.
1. aso-aSo 5. buKas-bukas
2. kita-kiTa
3. paso-paSo
4. saWa-sawa
Paglalahat
Kailan nagbabago ang
kahulugan ng mga salitang
parehas ang baybay?
Day 7
Layunin
Naipahahayag ang sariling opinion o
reaksiyon sa napakinggang isyu o usapan
Naisasadula ang nagustuhang bahagi ng
napanood
Pagbabaybay:
Pagtuturo ng salita
Ipagawa ang vocabulary Frame
Sa bawat salita
Ano ang pagkakunawa
mo sa salitang ito?

Salita
Pag-usapan ang karanasan ng mga
mag-aaral sa pista na kanilang
nasaksihan o pinuntahan.
Gawin Natin
Basahin nating muli ang kuwentong “Pista sa
Barangay”.
Ano-ano ang pangyayaring binanggit sa binasang
teksto?
Alin sa mga gawain na ito ang nagustuhan mo?
Paano ipinagdiriwang ang pista noon?
Ano ang epekto nitong mga kaugaliang ito matapos
ang pagdiriwang ng pista?
Dapat pa ba itong ipagpatuloy o hindi?Bigyang
katwiran ang sagot.
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawin
Dula-dulaan
Gawin Mo
Dapat pa bang ipagpatuloy
ang pagdiriwang ng pista?
Paglalahat
Ano-ano ang dapat
tandaan sa pabibigay ng
reaksiyon o palagay?
Day 8
Layunin
Nagagamit nang wasto ang
pang-uri sa paglalarawan ng tao,
lugar, bagay, at pangyayari
Pagbabaybay
Muling pagsusulit
Paano ipinagdiriwang
ang pista sa lugar
na napuntahan mo?
Gawin Natin
Paghambingin ang pagdiriwang
ng pista noon at ngayon.
Ano-anong pag-uri ang
ginamit?
Ano ang idinagdag dito
upang maipakita ang
paghahambing na ginawa?
Ilan ang pinaghambing?
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawain
PANGKAT I PANGKAT II PANGKAT III PANGKAT IV
MASKARA PAHIYAS PARADA NG SINULOG
PESTIBAL PESTIBAL LECHON PESTIBAL
Gawin Mo
Ilarawan ang pagdiriwang ng
pista sa lugar na iyong
napakinggan sa natapos na
pag-uulat at pagdiriwang ng
pista sa sariling lugar.
Paglalahat
Paano ginagamit ang
pahambing na pang-
uri?
Subukin Natin
Isulat ang pang-uri na ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat sa tapat nito kung anong antas ng
paglalarawan ang ginamit.
1.Mas payat si Rodel kaysa kay Roel.
2.Higit namang matangkad si Roel kaysa kay
Rodel.
3.Masayahing bata si Roel.
4.Pinakasakitin si Rodel sa lahat ng
magkakapatid.
5.Nagmamahalan ang magkakapatid nina Rodel.
Day 9
Layunin
Nakasusulat ng liham-paanyaya
Pagbabaybay
Muling pagtuturo ng mga salita. Balikan
ang vocabulary Frame ng mga mag-aaral.
Ano ang Ano ang
pagkakaunawa mo sa nauunawaan mo sa
salitang ito? salitang ito?

SALITA

Gamiting sa sariling
pangungusap ang bagong salita.
Saan sa mga napag-aralan
nating lugar ang nais mong
mapuntahan?
Bakit gusto mo rito?
Gawin Natin
Ano-ano ang bahagi ng liham?
Ano ang inilalagay sa bawat bahaging
sinabi?
Mga Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan
Sinusulat sa pamuhatan ang mga sumusunod:
 Ang bilang at kalye ng tirahan ng sumusulat
 Ang kanyang bayan o lungsod at lalawigan
 Ang petsa ng pagsulat ng liham
2. Bating Panimula
Dito nakasaad ang pagbibigay-bati
sa taong sinusulatan. Ito ay dapat
nababagay sa kung ano ang relasyon
ng sumulat sa sinusulatan.
Nagsisimula ito sa malaking titik at
nagtatapos sa kuwit (,).
3. Katawan ng Liham
Ito ang nagsasabi kung ano ang
nilalaman ng liham. Dito mababasa ang
mga bagay na nais sabihin ng sumusulat.
Binubuo ito ng tatlong talata.
Unang talata- pangungumusta
Ikalawang talata- pagbabalita
Ikatlong talata- pamamaalam
4. Bating Pangwakas
Ang bating pangwakas ay ang
huling bati ng sumusulat. Tulad ng
bating panimula, malalaman natin dito
kung ano ang kaugnayan ng sumusulat
sa sinusulatan. Ito ay nagsisimula rin
sa malaking titik at nagtatapos sa
kuwit (,).
5. Lagda
Ito ay ang pangalan ng
sumusulat. Kadalasan ito ay
pangalan o palayaw lamang.
Hindi ito ginagamitan ng
bantas.
Gawin Natin
Kung gagawa ng isang liham-paanyaya
para sa isang lugar na nais mong
mapuntahan ng iyong kaibigan, ano-ano ano
ang bagay na dapat ilagay rito?
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat
ng isang liham?
Gawin Ninyo
Pangkatang Gawin
Gumawa ng liham na
paanyaya para sa isang
kaibigan upang mamasyal sa
isang lugar sa Pilipinas.
Gawin Mo
Isapuso Mo
Ipagmalaki ang sariling
pamayanan sa pamamagitan ng
isang poster. Gawin ito sa isang
malinis na papel.
Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham?
Ano-ano ang natatandaan mo sa pagsulat ng isang
liham?Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Natutuhan

Hindi masyadong malinaw

Opinyon
Day 10
Layunin
Natutukoy ang pangngalang pantangi at
pambalana sa talata
Naisasalaysay ang mga pangyayari gamit ang
pangngalan
Pagbabaybay
Pagsusulit na pang-masteri
Gawaing Pantahanan
Gumawa ng talaan ng
mga pagdiriwang sa bansa,
ang petsa nito, at saan ito
ginaganap.
Pagtatapos
Gumawa ng banderitas at
isulat sa bawat banderitas ang
mga pang-uring natutuhan sa
aralin.
Panlingguhang Pagsusulit
Pangkatang Gawain
Maghanda ng isang dula-dulaan
kung paano dapat ipagdiriwang ang
pista sa panahon ngayon. Gamitin
ang mga pang-uring natutuhan sa
klase.

You might also like