You are on page 1of 6

 Ang literasi ay ang kakayahan ng isang tao na makapagbasa, makapagsulat at ang

kakayahang umunawa ng simpleng mensahe.

 Ang literasi ay mahalagang iugnay sa wika lalo na kung susuriin ito bilang
mahalagang aspeto ng edukasyon, pulitika at ekonomiya ng bansa.

 Ang literasi ay hindi lamang pagkatuto kundi pagkatuto sa wika upang maging kapaki-
pakinabang ang mamamayan sa lipunan.

 Sa Pilipinas, ang lumalaking problemang ekonomiko ay nakaapekto nang malaki sa


literasi ng bansa.
 Makakatulong ang paggamit ng katutubong wika (maaaring ang wika sa rehiyon o
kaya’y wikang pambansa) upang magkaroon ng minimum na functional literacy (o
iyong kaalaman sa wika para sa mga praktikal na pangangailangan) ang mga
nakararaming mamamayan sa Pilipinas at nang sa gayo’y maging kapaki-pakinabang
sila sa lipunan.

 Ang kapakinabangang ito naman ang siyang tutulong upang magkaroon ng


kapakinabangang sosyal at panlipunang pakikisangkot ang mga mamamayan.
 Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagmamahal at pagmamalaki sa sarili mong
bayan o ang pagiging makabayan.

 Isa pa ring mahalagang elemento na kung saan mapag-uugnay ang mga larangan ng
edukasyon at ekonomiya sa pamamagitan ng wika ay ang nasyonalismo.

 Ang nasyonalismo ay itinuturing na isang ideolohiya.

 Ang salitang ideolohiya ay ayon kay Plamenatz (1970) ay tumutukoy sa isang “set ng
magkakaugnay at organisadong paniniwala o ideya, at maging atityud ng isnag grupo
o komunidad.”
 Ang nasyonalismo naman bilang ideolohiya ay may sumusunod na element: ang
pagkakaroon ng kamulatang pambansa, pambansang identitad, dimensiyong
heograpikal, patriotismo at pangangailangang aksiyon para sa lalong ikagagaling ng
grupo o komunidad.

You might also like