You are on page 1of 16

Mga Sangkap/Elemento ng Tula:

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinghaga
6. Tono/Indayog
7. Persona
1. Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod ng tula.

Mga uri ng sukat:

1. Wawaluhin – 8 pantig sa bawat taludtod

Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
2. Lalabindalawahin – 12 pantig sa bawat
taludtod
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin – 16 pantig sa bawat
taludtod
Halimbawa:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at
matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa
paligid
4. Lalabingwaluhin – 18 pantig sa
bawat taludtod
Halimbawa:
Tumutubong mga palay, gulay at
maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod
pang kahoy na malabay
2. Saknong
Ito ay isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya (taludtod).
Hal:
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave
3. Tugma
Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong
himig o indayog. May tugma ang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat
taludtod ay magkakasintunog.

Mga Uri ng Tugma:


1. Hindi buong rima (assonance) - paraan
ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali.

Para masabing may tugma sa patinig,


dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o
salitan.
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng
pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita
ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon (tugmang malakas) - mga salitang
nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lipon (tugmang mahina) - mga
nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
4. Kariktan
Ito’y ang malinaw at di-malilimutang
impresyon na nakikintal sa isipan ng
mambabasa.
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit
na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang
damdamin at kawilihan.
5. Talinghaga
Ito’y ang matayog na diwang
ipinapahiwatig ng makata. Tumutukoy ito
sa paggamit ng matatalinhagang salita at
tayutay.
6. Tono/Indayog
Ito’y tumutukoy sa damdaming
namamayani sa tula.
7. Persona
Ito’y tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng
tula.
Maaaring ang persona sa tula ay lalake,
babae, matanda o bata.
Kailangang may batayan sa pagtukoy ng
persona sa tula.
Ang Makata at ang Tula
 Sa simula, ang makata ay kaisa ng daigdig: tagapagsaysay
ng maalamat na kapaniwalaan, tagapagsalita ng relihiyon
at kagandahang-asal, tagapamansag ng pambansang
kaisipan. Ngunit ang sining ay isang patuloy na
paghahanap. Ang makata, sa kanyang laging uhaw na
kaluluwa, ay hindi habang panahong masisiyahan sa
piling ng daigdig. Maghahanap siya sa rnga katulangan
nito; makadarama ng kabiguan sa kawalang-katapatan
nib, ng pagkawala sa masalimuot na kalagayang hatid ng
mekanisasyon at kaunlaran; maghihimagsik sa nakatatag
na mga kapaniwalaan at alituntunin.
Mga Kaanyuan ng Tula
1. Ang Malayang taludturan - Isang tula na
isinulat nang walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang ano mang naisin
ng sumusulat. Ito ay ang anyo ng tula na
ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa
kanya, maaaring makalikha ng tula na
walang sukat at walang tugma.
2. Ang Tradisyonal na Tula
Ito ay isang anyo ng tula na may
sukat,tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan.
Hal:
Mga katutubong tula tulad ng diona,
tanaga, dalit
Mga halimbawang teksto ng mga
kilalang manunula:
“Ang Pamana” ni Jose Corazon de Jesus
“Panambitan” ni Myrna Prado
“Babang-Luksa” ni Diosdado Macapagal
“Ang Guryon” ni Ildefonso Santos
Maraming Salamat

Sa inyong pakikinig!

You might also like