You are on page 1of 22

NATIONALISM AND

LANGUAGE
Uri ng Nasyonalismo
1. Nasyonalismong Liberal

2. Nasyonalismong Konserbatibo
2.1. Nasyonalismong Radikal

3. Nasyonalismong Integral
Nasyonalismong Liberal
• Unang umusbong ang Nasyonalismo
noong 1800 sa ilalim ng Konstitusyong
Cadiz noong 1812.

• Wikang Kastila ang Behikulo nito

• Konseptong hiram at galing sa Espanya


Nasyonalismong Liberal
Adhikain:

ay isapi ang Pilipinas bilang probinsya, isali


ang mga tao nito bilang mamamayang
Kastila at bigyan sila ng karapatan sa ilalim
ng Konstitusyong Cadiz.
Nasyonalismong Konserbatibo
• 1860 – Huling bahagi ng1880

• Magkatulad ang adhikain nito sa


Nasyonalismong Liberal kaibhan lamang
ay ang paraan nito na sa pamamagitan ng
peryodiko, literatura, samahan at iba pang
katulad ng mga ito upang ipagtanggol ang
karangalan ng Indio na Pilipino rin.
Nasyonalismong Konserbatibo
• Ang mga ito ay tinawag na propagandista at sa
kauna-unahang pagkakataon, sila ay namulat sa
katotohanang ang mga Pilipino ay may sariling
kabihasnan bago pa dumating ang Kastila.
• At kabilang sa kabihasnang ito’y ang mga sarili
nating wika gaya ng maipagkakapuring Tagalog
at Ilokano.
• Ngunit ang wikang nakapananaig pa rin ay
Kastila at kahit sa pangtatanggol ng kanilang
sariling kabihasnan at wika, Kastila pa rin ang
siyang madalas gamitin.
Nasyonalismong Konserbatibo
Bakit ito nangyari?
• Ang kanilang adhikain ay asimilasyon at hindi
kalayaan at sa sitwasyong ito, Kastila pa rin ang
kailangan.
• Sila ay edukado sa Kastila at bagama’t sila’y
Baylingguwal, ang sariling wika nila’y ginagamit
lamang sa tahanan at pasyalan.
• Ang kanilang nais gisingin ay mga opisyales at
klerikong Kastila at bahagya lamang ang
ginagawa nilang paggising sa kababayan.
Nasyonalismong Radikal
PINANGULUNAN ng Katipunan ni
• Andress Bonifacio
• Emilio Jacinto
• Pio Valenzuela

TAGALOG
Nasyonalismong Integral
• Bagong lipunang itinatag sanhi ng
salubungan ng dalawang uri ng
Nasyonalismo: Konserbatibo at Radikal

• Wikang Kastila pa rin ang nananig


sapagkat ang Konstitusyon ng 1899 ay
ginawa ng mga Ilustrado at mga walang
tiwala sa sariling wika – Tagalog.
Nasyonalismong Integral
Bakit Wikang Kastila Pa rin?

• Sapagkat may prestihiyo ito sa buong


mundo kaysa sa Tagalog.
• Mababa ang pagtingin ng mga may pinag-
aralan sa mga wika ng kanilang
kababayan samantalang ang Kastila ay
mataas.
Digmaang Filipino -
Amerikano
Nasyonalismong Konserbatibo
• Nagkahiwalay ang dalawang
Nasyonalismo at mas nanaig ang Una o
Konserbatibo.
• Nagtagumpay ang Amerikano at ipinilit na
wikang Ingles ang gagamitin bilang
Wikang Opisyal at Pampaaralan, kasama
ang Wikang Kastila.
Nasyonalismong Konserbatibo
• Namayani ang mga Konserbatibong
nasyonalista gaya nina:
1. Sergio Osmena
2. Manuel L. Quezon
3. Manuel Roxas
4. Rafael Palma at iba pa.

• Nagnais ding ibalik ang adhikaing asimilasyon


hindi sa Kastila kundi sa Amerika, pati ang wika.
Samantala ang
Nasyonalismong Radikal ay
• Patuloy na nakipaglaban sa Amerikano.
• Ang Wikang kanilang pinalalaganap ay ang
kanilang sari-sariling wika depende sa kung
saan sila nag-alsa o nakipaglaban, mula sa mga
Pulahanes ng Samar at Leyte hanggang sa
Himagsikang Kabola sa Nueve Ecija; at
• Pinasukan ang nasyonalismong ito ng
ideolohiyang radikal ng Komuniasta noong mga
dekadang 1920 - 1930
Digmaang Hapon-Amerikano
• Nagkaisang muli ang Nasyonalismong
Konserbatibo at Nasyonalismong Radikal
= Nasyonalismong Integral.
• Nahati sa dalawa ang Nasyonalismong
Konserbatibo: maka-Hapon o Asyano at
maka-Amerikano
• Samantalang walang pinanigan ang
Nasyonalismong Radikal.
• Sa panahon ng digma, nagkaroon ng
tunay na direksyon ang paghahanap ng
nasyonalismo ng wikang magiging
behikulo sa paghahasik ng kaisipang ito
sa bansa.
• Ang Military Order No. 2, February 17,
1942 ay nagsaad na Tagalog ang Wikang
Pambansa na dapat ipalaganap.
IDEOLOHIYANG PILIPINO
• Nang magdeklara ng Batas Militar si Marcos,
nakita natin ang muling pagsasama-sama ng
tradisyong Radikal at tradisyong Konserbatibo
sa ideolohiyang Pilipino bagamat hindi
nangangahulugan na ang dalawang ito ay
namatay.

• Ito ay nasyonalismong Radikal at Konsetbatibo


ngunit hindi ito Radikal at hindi rin Konserbatibo,
manapa’y ito’y magkasanig na Radikal at
Konserbatibo.
• Noong 1959 sa utos ni Secretary Jose E.
Romero, ang Tagalog bilang Wikang Pambansa
Pilipino ang pinangalanang Pilipino bilang
Pambansang Wika.

• Ang pag-unlad ng Wikang Pambansa ay


nagkaroon ng balakid nang napagkasunduan sa
Concon noong 1972 na ito ay ihahayag sa
Ingles at Pilipino, isasalin sa bawat wikang
etniko at sa Kastila at Arabik.
• Kung may pagdududa sa nilalaman, ang Konstitusyong sa Ingles
nakasulat ay siyang mananaig. Samantala, ang Pambansang
Batasan ay gagawa ng hakbang tungo sa ikauunlad at
pagsasakatuparan ng Wikang Pambansang ang ngalan ay Filipino.
• Bagamat malaking kaguluhan ang nangyari at nabalik na naman
tayo sa panahong bago mag-Komonwelt sa paghahanap ng Wikang
Pambansa, ang mga nasyonalista pagkatapos ng digma ay gumamit
ng kanilang sari-sariling wika sa pagpapaunlad sa kani-kanilang
tradisyon.
• Gumamit naman ng wikang Ingles ang Konserbatibong tradisyon
bilang isang wikang opisyal at sa panahon lamang ng halaan
gumagamit ng mga wikang sarili natin.
Batayan:
• Constantino at Atienza. “Mga Piling Diskurso sa
Wika at Lipunan.” – Ang Nasyonalismo at Wika.
(UP Press – Diliman Quezon City). p. 3
• Constantino at Atienza. “Mga Piling Diskurso sa
Wika at Lipunan.” – Wika, Nasyonalismo at
Ideolohiya. (UP Press – Diliman Quezon City).
p. 11
• Constantino at Atienza. “Mga Piling Diskurso sa
Wika at Lipunan.” – Intelektuwalismo at Wika.
(UP Press – Diliman Quezon City). p. 47

You might also like