You are on page 1of 16

Aralin 2

Natalo rin si Pilandok


Ryan Joseph C. Dungca
John Matthieu Morales
Talasalitaan
 Malalabay- malalagong dahon,
madahon
 Matikas- matipuno
 Sinagpang- sinunggaban
 Nakalundag- nakatalon
 Ipinagbunyi- ipinagdiwang
 Tuso - mapalinlang
Tauhan

Pilandok
• Tuso at
mapaglinlang
Tauhan
Baboy-Ramo
• Gustong kainin si
Pilandok,ngunit
siya ay nalinlang
Tauhan
Buwaya
• Nalinlang na ni
Pilandok ng
maraming
beses
Tauhan
Suso
• Madiskarte, maliit
at maraming
kapatid. Siya ang
tumalo kay
Pilandok.
Buod(Simula)
Nagpunta sa batis si Pilandok upang
uminom. Nakatagpo niya si Baboy Ramo na
nag-aabang ng kakaining hayop. Upang
hindi siya makain, nilinlang ni Pilandok si
Baboy Ramo at sinamahang humanap ng
tao para kainin.
Buod(Gitna)
Una nilang nakita ang isang bata, pero
hindi daw ito pwedeng kainin dahil maliit
pa ito. Matandang lalaki naman ang
sumunod, pero hindi daw masisiyahan si
Baboy Ramo dito dahil payat. Isang
mangangaso ang itinuro ni Pilandok na
pwedeng kainin dahil ito ay malaman.
Subalit, hindi nagtagumpay si Baboy Ramo
at muntikan na siyang mabaril at mapatay.
Buod(Wakas)
Muling bumalik sa batis si Pilandok at
muntikan ng makain ni Buwaya. Nakaligtas
si Pilandok matapos niyang lokohin si
Buwaya. Nakatagpo niya si Suso habang
papaalis at binalak linlangin. Dahil kilala na
ni Suso ang kanyang ugali, nakagawa siya
ng paraan upang turuan ng leksyon si
Pilandok.
Buod(Wakas)
Tinanggap ni Suso ang hamon ni Pilandok
na magkarera. Hindi nito alam na kasabwat
ni Suso ang kanyang mga kapatid. Sa huli,
nanalo si Suso laban kay Pilandok. Nagulat
man sa kanyang pagkatalo, tinanggap at
humingi ng paumanhin si Pilandok kay Suso.
Gintong Butil
Maging maingat sa iyong
pakikitungo sa mga taong tuso at
manloloko upang maiwasang
maging biktima nito.
Tatlong Mahalagang
Tanong
1. Linlang laban sa _______. Bakit?
2. Bakit maraming hayop sa gubat
ang galit at naiinis kay Pilandok?
3. Ano ang ginawa ni Pilandok ng
siya ay matalo ni Suso?
Gawaing Pang-upuan
1 - 3. Sinu-sino ang mga pangunahing hayop na
nakasalubong ni Pilandok?

4 - 5. Ano ang naramdaman ni Pilandok


nang muntik na mabaril ang baboy ramo?
Bakit?

6 - 7. Ibigay ang mga ugali ni Pilandok


Gawaing Pang-upuan
8. Bakit hindi magandang kainin ni Baboy
Ramo ang batang lalaki?

9. Bakit hindi magandang kainin ni Baboy


Ramo ang matandang lalaki?

10. Bakit yung mangangaso ang itinurong


kainin ni Pilandok para kay Baboy Ramo?
Gawaing Pang-upuan
11. Sino ang nagwagi sa pagitan ng baboy-
ramo at mangangaso?

12. Bakit muling bumalik si Pilandok sa batis?

13. Bakit naiinis din si Pilandok kay Buwaya?


Gawaing Pang-upuan

14. Sino ang tumulong kay Suso upang


manalo laban kay Pilandok?

15. Ano ang ipinangako ni Pilandok sa lahat


nang siya ay talunin ni Suso?

You might also like