You are on page 1of 17

ANG PANANALIKSIK AT ANG KOMUNIKASYON

SA ATING BUHAY

Sa anumang sitwasyon pangkomunikasyon,


ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikisalamuha at
pakikipag talastasan sa kapwa ang mga kaalamang
natutunan natin mula sa pag oobserba at pagsusuri ng
lipunan.

Ang pangunahing salik ng kaalaman na


ibinabahagi din natin sa kapuwa ay ang mga
impormasyong nasagap natin mula sa tao, sa ating
kapaligiran, at sa midya. Samakatuwid lubhang
mahalaga ang pagyamanin an gating kakayahan na
pagyamanin an gating kakayahan na magproseso ng
impormasyon.
Sa kasalukuyang panahon kung kalian
laaganap ang kultura ng pangmadlang midya at
virtual na komunikasyon, mas madali ng
mapakalat ang tinatawag na disinformation, na
mas kilala ng masa ngayon sa bansag na fake news.
Mahalagang magkaroon ng mapanuring mata,
taynga at isipan para makilatis ang mga
impormasyong nasasagap ng harapan at mula sa
midya gaya ng palasak na Information and
Comuunication Technology(ICT).
 Kung sina Maxwell McCombs at Donald Shaw ang
tatanungin ang pangmadlang media ang
nagtatakda kung ano ang pag uusapan ng publiko

 Kung si George Gerbner naman, ang midya, lalo na


ang telebisyon ang tagapagsalaysay ng lipunan na
lumilinang sa kaisipan ng mga madalas manood na
ang mundo’y magulo at nakakatakot

 Kung si Marshall McLuhan, binabago ng midya nag


simbolikong kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensyahan nito ang kanilang pananaw,
karanasan, ugali at kilos kung kaya’t masasabing
“ang midyum ay ang mensahe”
 At kung si Stuart Hall, ang midya ang nagpapanatili
sa idolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan
sa lipunan.
SA PANIMULANG KONSIDERASYON:
PAGLILINAW SA PAKSA, MGA LAYON, AT
SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

May ilang bagay na kailangan isaalang alang


ang mananaliksik bago pumili ng batis ng
impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang
ipapahayag sa isang sitwasyong pang komunikasyon.
Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon
ng pananaliksik. Pangalawa, dapat malinaw sa
mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa
sitwasyong pang komunikasyon kung saan ibabahagi
ang bubuuing kaalaman. Pangatlo, kailangng
ikonsidera ng mananaliksik ang uri at kalkaran ng
sitwasyong pangkomunikasyon. Ang tatlong ito ay
may implikasyon sa isa’t isa.
TUKOY NA PAKSA AT LAYON- ang tukoy na paksa
at layon pananaliksik ay nakakawing sa dalawa

1. Paksa ng sitwasyong pangkomununikasyon


kung saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman
na kanyang bubuuin

2. Sa kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong


pangkomunikasyon

Mainam na ikonsidera ng mananaliksik ang


ilan sa mga mungkahi nina Santiago at Enriquez(1982)
para sa makapilipinong pananaliksik
Iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang
pagpili ng tukoy na paksa
Mainam na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan
sa mga mungkahi nina Santiago at
Enriquez(1982) para sa makapilipinong
pananaliksik

1. Iugnay sa interes at buhay ng mga


kalahok ang pagpili ng tukoy na paksa

2. Gumamit ng mga pamamaraan ng


pagsisiyasat na nakagawian ng mga Pilipino, angkop
sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga
kababayan

3. Humango ng mga konsepto at paliwanag


mula sa mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa
kanila
MULAAN NG IMPORMASYON: MAPANURING
PAGPILI MULA SA SAMO’T SARING BATIS

Ang batis ng impormasyon ay ang


pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa.
Facts, and figures at dato) (halimbawa. Obserbasyon,
berbal at biswal na teksto, artefact fossil) na kailangan
para makagawa ng mga pahayag ng kaalamn hinggil
sa issue, penomeno, o panlipunang realidad. Ang
mga ito ay maikakategorya sa dalawang
pangunahing uri: primera at sekundarya.
Primarya at sekundaryang batis

Ang primaryang batis ay mga orihinal na


pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa
isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o
penomeno.

Halimbawa ng mga primaryang


batis ay ang mga sumusunod:
 Mula sa harapang ugnayan
sa Kapuwa- tao

1. Pagtatanong-tanong
2. Pakikipagkwentuhan
3. Panayam o interbiyu
4. Pormal, inpormal, estrukturado, o semi-
estrukturadong talakayan
5. Umpukan; at
6. Pagbabahay-bahay

• Mula sa mga material na


nakaimprenta sa papel, na
madalas ay may kopyang
elektroniko:

1) Awtobiyograpiya
2) Talaarawan
3) Sulat sa koreo at email
4) Tesis at disertasyon
5) Sarbey
6) Artikulo sa journal
7) Balita sa diyaryo, radio, at telebisyon
8) Mga record ng mga tanggapan ng gobyerno
kagaya ng konstitusyon, katitikan ng pulong, kopya
ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang
pang-organisasyon
9) Orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng
kasal at testament
10) Talumpati at pananalita
11) Larawan at iba pang biswal na grapika
• Iba pang batis
1) Harapan o online survey
2) Artefact kagaya ng bagkas o labi ng dating buhay na
bagay, specimen pera, kagamitan, at damit
3) Nakarecord na audio at video
4) Mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan
o obserbasyon
5) Website ng mga pampubliko at pribadong ahensiya sa
internet; at
6) Mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting,
at music video.
Ang sekundaryang batis naman ay pahayag
ng interpretasyon, opinyon, at kritisismo mula sa
mga indibidwal, grupo, o institusyon na hindi
direktang nakaranas, nakaobserba, o nagsaliksik sa
isang paksa o phenomenon.

Halimbawa ng sekundaryang batis ang sumusunod:


1. Ilang artikulo sa diyaryo at magasin kagaya ng
editorial, kuro- kurong tudling, sulat sa patnugot, at
tsismis o tsika
2. Encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo o Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag o teksto
10. Abstrak
11. Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng PowerPoint
presentation; at
12. Sabi-sabi
Kapuwa-tao bilang batis ng ipormasyon

Sa pagpili ng mga kapwa tao bilang batis ng


impormasyon, kailanang timbangin ang kalakasan,
kahinaan, at kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa tao ay
karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban
kung ang nasagap sa kanila ay nakuha lang din
sanabi ng iba pang tao.
HARAPANG UGNAYAN SA KAUWA TAO- sinadya,
tinanong, at kinausap ng mananaliksik ang mga
indibidwal o grupo na direktang nakaranas ng
penomenong sinasalik, ang mga apektado nito
nakaobserba rito , dalubhasa rito, o kaugnay nito sa
iba’t ibang dahilan. Halimbawa: Lider ng komunidad
kung saan nagaganap ang penomeno at
mananaliksik na nagsisiyasat din sa paksa.

MEDIANONG UGNAYAN- maari tayong makakalap


ng impormasyon mula sa kauwa-tao sa pamamagitan
ng ICT. Halimbawa:Telepono, email, pribadong
mensahe sa social media), lalo na kung may
limitasyon sa panahon at distansya sa pagitan ng
mananaliksik at ng natukoy na mga indibidwal.

You might also like