You are on page 1of 18

Ano-ano ang ginagawa ng mga bata?

Tama
ba ito? Paano nila ginagamit ang mga
gamot?
Pag-aralan natin:

Alam ba ninyo na ang sobra o labis na pag-


inom ng gamot ay nakapagdudulot ng ibang
kondisyon o pagbabago sa utak? Gusto ba
ninyong malaman kung anu-ano ang mga ito?
Pagbasa sa kuwento

Ang mga Gabi ni Gabby


Ilang gabi na ang nagdaan
na di makatulog si Gabby.
Dahil sa kanyang kalagayan,
kumonsulta siya sa doctor.
Niresetahan siya ng kanyang
doctor ng gamot na
pampatulog.
Natapos na ang takdang pag-
inom niya ng gamot ngunit
gabi-gabi pa rin niyang iniinom
ito na lingid sa kaalaman ng
kanyang doctor. Minsang wala
siyang nabiling gamot sa botika
at wala siyang nainom, di siya
nakatulog sa magdamag.
Naging bahagi na ng Sistema
ng kaniyang katawan ang
gamot na pampatulog at
naparami ang kanyang naiinom.
Lumala ang kanyang
karamdamang hindi
makakatulog kung hindi siya
makakainom ng gamot.
Mga Tanong:
1. Bakit pumunta si Gabby sa doktor? Anong gamot
ang nireseta sa kanya?
2. Ano ang nangyayari kay Gabby kapag di siya
umiinom ng gamot?
3. Ano ang kanyang ginawa upang siya ay makatulog?
4. Anong karamdaman ang dinaranas ni Gabby?
Si Gabby ay dumaranas ng kondisyong
pangkalusugan na tinatawag natin na
drug dependency.

Paggamit ng droga- katamtamang


paggamit ng mga droga upang baguhin
ang kalagayan ng isang tao. Kung
umiinom tayo ng gamot upang pagalingin
ang sakit ng ulo, lagnat, sipon, at iba
pang mga karaniwang sakit, itinuturing
itong paggamit ng droga.
Pag-abuso ng droga- proseso
ng paggamit ng anumang
droga sa mga layuning liban sa
mga isinaad na normal na
paggagamitan nito o sa
pamamaraan o daming labag
sa itinatakda para dito
Gawain: Bawal ang Sobra

Si Kap Sirup ba ang Kasagutan?


Usapan:

Adi: Ubo..ubo..ubo..hay ang hirap


naman ng ubong ito. Talagang
pinahihirapan ako.
Kap Sirup: Aba..aba..aba.. Narito ang
isang bata, na aking dapat bigyan
ng kalinga. Hoy bata! Ako ang
Gusto mo bang gamutin kita?
Adi: Ha! Sino ka? Ikaw ba ang tutulong sa
aking karamdaman?
Kap. Sirup: Ako nga! Ako si Kap Sirup. Ang lunas
sa ubo mong nagpapahirap.
(Pagkalipas ng 10 araw. Magaling na si Adi sa
kanyang ubo)
Adi: Kap Sirupppp..nasaan ka na? Kailangan
kita. Hindi ako mapalagay pag wala ka.
Kap Sirup: Adi, magaling ka na. Hindi mo na ako
kailangan. Kapag wala ka nang ubo ay
dapat di mo na ako iniinom.
Adi: (Nanginginig ito) Brrrrr, brrr.
Kailangan kita Kap Sirup. Di ako
makagalaw nang normal kapag
wala ka.

Kap Sirup: Iba na ang nangyayari sa katawan


mo, Adi. Di na kita
natutulungan. Nalulong ka na sa
akin. Kailangan na kitang
iwanan.
Tanong:

1. Sino-sino ang nag-uusap sa


tekstong binasa?
2. Ano ang sakit ni Adi?
3. Ano ang gamot para sa sakit niya?
4. Ano ang ginawa ni Adi kahit
magaling na siya?
5. Anong kalagayang pangkalusugan
ang dinaranas ni Adi?
Pagsikapan Natin:
1. Pag-aralan ang script ng
kuwento na binasa natin.
2. Bibigyan kayo ng 3 minuto
para mag-usap at magsanay
kung sino ang gaganap sa
dalawang tauhan mula sa
iyong grupo.
3. Isadula ninyo ang
kuwento.
Pagyamanin Natin
Gawain A: Sino Ako
1. Magpangkat sa dalawa: Grupo Lulong at Grupo Pasandig.
2. Babasa ang guro ng mga kaisipan na naglalarawan kung
paano inaabuso ang mga gamot.
3. Lahat ng miyembro ay tatayo at itataas ang placard kung
ang kaisipan ay tumutukoy sa kanilang grupo
4. Bibigkasin ng guro ang “sino ako” bilang hudyat ng pagtayo
ng lahat ng miyembro. Kapag may isang grupo na nakaupo,
walang iskor.
5. Ang Grupong may pinakamaraming tamang sagot ay
tatanghaling panalo
Pagyamanin Natin
Kaya Natin!
Panuto: Gamit ang larawan, bumuo ng isang kongklusyon kung
paano natin inaabuso o di ginagamit nang tama ang mga gamot

Ang pag-inom ng gamot ay naaabuso kapag….


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Pagnilayan Natin
Poster Pangkalusugan
1. Magpangkat sa apat at gawin
ang sinasabi ng sitwasyon
“Paano mo mapapangalagaan ang
iyong sarili upang iwasan ang
pag-abuso o maling paggamit ng
gamot?”
2. Ipakita ito sa pamamagitan ng
poster.
Takdang-aralin:

Gumuhit ng isang poster-slogan na


naglalarawan ng di-wasto o pag-abuso sa mga
gamot.

You might also like