You are on page 1of 23

Mga Manunulat

mula sa
Rehiyon II:
Cagayan Valley
Acebedo, Rolando Umblas

Nailathala sa Bannawag ang


hindi kokonti sa 19 na mga
maiikling kuwentong kanyang
naisulat kasama na ang Saanak A
Traidor at Ayat Ken Pammati.
Acoba, Rogelio M.
Isa siyang punong-guro ng mataas na
paaralan sa Bayombong, Nueva
Vizcaya. Nagtapos siya ng BS
Agriculture major in Agronomy sa
CVAC-CSU at ng master’s degree sa
Agrikultura major in crop science sa
Isabela State University.
Ilan sa kanyang mga maiikling
kuwento at sanaysay tulad ng Dinak
Koma Baybay-an at Kayatkon Ti
Matay ay nailathala ng Bannawag. Sa
taong 1983, nakamit niya ang unang
karangalang banggit para sa akda
niyang Hollowblock sa isang
patimpalak sa pagsulat ng maikling
kuwento ng GUMIL Filipinas at
Adviento, Amigable

Marami sa kanyang mga akda ang nailathala sa


Bannawag. Kasalukuyan siyang naninirahan at ang
kanyang pamilya sa Honolulu, Hawaii.

Andres, Reynaldo
Nakapaglathala siya ng ilang mga sanaysay,
tula, at maikling kuwento sa wikang Iluko sa
Bannawag at Ilocos Times. Ang ilan sa
kanyang nga tula at maikling kuwento ay
naisama sa Iric, isang antolohiya ng mga
akdang Iluko na inilimbag noong 1988 ng
Iloco Research and Information Center ng
MMSU.
Aquino, Rogelio

Siya ay isang magaling na manunulat sa


Iluko at Tagalog. Isang manunula,
sanaysayista, at marami pang iba, marami sa
kanyang mga akda ang nailathala sa
Liwayway at Bannawag.

Aroc, Danilo T.
Ipinanganak sa Manibang, Ilagan, Isabela, pinakabata
sa pitong anak nina Geronimo Aroc at Irene Timbreza.
Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa
kahirapan ng kanilang pamilya. Nagtrabaho siya sa
mga sakahan, naging karpintero at naging drayber. Sa
kalaunan ay nagtrabaho siya sa Maynila kung saan siya
namasukan bilang tool keeper mechanic at canvasser.
Sa katagalan, siya ay naging purchasing officer at sa
kasalukuyan ay nasa Jordache, Phils. Inc.
Nailathala ang ilan sa kanyang mga maikling kuwento
at sanaysay sa Bannawag.
Asuncion, Ruperta V. Ramos
Nagmula sa Solano, Nueva Vizcaya ngunit sa
kasalukuyan ay naninirahan sa Jubileeville, Masaya sa
isang bayan sa Laguna. Ang kanyang mga magulang ay
sina Platino V. Ramos at Nieves A. Vega.
Siya ay nag-aral sa Solano South Central School, Dalton
High School, Northwestern College (Laoag), ngunit sa
Philippine Wesleyan College (Cabanatuan) niya natapos
ang kanyang digri sa BSEEd.
Siya ay naging miyembro ng Nueva Vizcaya Press and
Radio Club, Nueva Vizcaya Physical Education Group, at
ng Nueva Vizcaya Council Training Team. Itinatag niya
ang mga publikasyon na Lumabang at Diamond.
Miyembro ng GUMIL Filipinas, ang kanyang mga
kuwento ay nailathala sa Talugading at Kurditan: Mga
Kuwentong Iluko.
Mga akda: Ti Family Planning Ni Lakay (kuwento), Ti
Anibersario (kuwento).
Barcena, Jr. Cirilo A.
Ipinanganak sa Capo, Ilagan, Isabela, anak
nina Rev. Cirilo C. Barcena at Faustina M.
Aroc. Ikinasal kay Felicidad O. Laceda ng Jose
Panganiban, Camarines Norte. Mayroon
silang tatlong anak.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in
Customs Administration sa PMI Manila.
Nagtrabaho siya bilang liaison officer sa mga
brokerage firms sa Maynila at Cotabato City.
Bulong, Dionisio S.
Nagmula sa Simbaluca, Sta. Teresita,
Cagayan, unang anak nina Vicente Q.
Bulong ng Ilocos Norte at Felipa Soliven
ng Buguey. Tinapos niya ang kanyang
elementarya sa Buguey Central School at
ang kanyang high school sa
Northeastern Academy, Buguey.
Nagpunta siya sa San Fernando, La
Union, kung saan siya ipinadala ng
kanyang tiyuhin para mag-aral ng steno-
typing sa National Business Institute.
Siya ay nagtrabaho din para sa isang
maliit na department store habang nasa
San Fernando.
Corpuz, Samuel
Si Samuel ay nagsusulat sa Ingles at Iluko.
Ang kanyang kuwento, Noon Episode, ay
nailathala ng Graphic sa taong 1967. Ang
kanyang mga sanaysay at kuwento sa Iluko
ay nailathala sa Bannawag.
Siya ay nagwagi ng ikalawa at ikatlong
karangalan sa taunang patimpalak sa
pagsulat ng maikling kuwento ng Bannawag
noong 1967; ikalawang karangalan sa
pagsulat ng maikling kuwento ng Governor
Roque Ablan Awards for Iloco Literature
(GRAAFIL); unang karangalan sa pagsulat
ng maikling kuwento ng GUMIL Aparri-
Buguey-Sta. Teresita sa taong 1991 gayundin
sa pagsulat ng nobela ng Economy Tours
and Travel, Inc. sa parehong taon.
Cudiamat, Bagnos G.

Nagsusulat siya sa Ingles ngunit nakahihigit sa


Iluko. Karamihan sa kanyang mga kuwento ay
nailathala sa Bannawag. Isa siyang miyembro
ng GUMIL Filipinas at presidente ng GUMIL
Baguio. Pinakasalan niya si Mida Aromin ng
Naguilian, La Union. Mayroon silang
dalawang anak na lalaki: Fiel Ariel at Bagnos,
Jr. Sila ay naninirahan sa La Trinidad, Benguet.
Mga pangunahing akda: Ni Uliteg Sergio
(kuwento), Ti Anting-anting Ni Uliteg Sergio
(kuwento), Igat Nga Aritosan (maikling
nobela), Puraw A Panniki (maikling nobela).
De La Cruz, Francisco Villena
Isang kolumnista at editor ng Cagayan Valley
Today Magazine, siya ay isa ring broadcaster ng
DWPE, Radyo ng Bayan at DZYT sa Tuguegarao.
Noong taong 1969, nagsimula siyang magsulat
para sa Bannawag kung saan ang karamihan sa
kanyang maiikling kuwento at sanaysay ay
nailathala. Siya ay nagpakasal kay Caridad G.
Ragasa at nagkaroon ng apat na anak: Joon,
Abigail, Don, at Earl.
Mga Akda (kuwento): Panaglibas; Agpatingga Ti
Panagitured; Ngem Barbonana Ti Barukongna;
Dagiti Kabagian Ti Asawana; Sapaemto Ti Agawid;
Gunggona; Agriingkan, Angkuan; Naamo Dagiti
Biliit. (Mga sanaysay): Saanka nga Agmaymaysa
Idiay Suso; Umayakto Idiay Suso; Kas Sampagita
Iti Agsapa; Kanonto Nga Agbalbaliwak?.
Doles, Pacifico Dibad

Ang ilan sa mga maiikling kuwento


at sanaysay niya na nailathala sa
Bannawag ay Isu Pay Met A Balo
(1963), Bay-am A Yebkas Dagiti
Sabong (1965), at Uliteg Burcio:
Balikbayan (1989).
Siya ay isang opisyal ng GUMIL
Nueva Vizcaya at miyembro ng
GUMIL Filipinas.
Evangelista, Rolando B.
Ipinanganak sa Centro Sur, Sto. Nino, Cagayan,
ikalawa sa anim na anak nina Sofronio M.
Evangelista at Pelagia Balaqui. Siya ay ikinasal
kay Josephine Atalip at nagkaroon ng tatlong
anak: Jee, Joy, at Re. Sila ay kasalukuyang
naninirahan sa 06 Cruz Village, Caggay,
Tuguegarao, Cagayan.
Siya ay nagtapos ng BS in agricultural
Education sa Cagayan State University sa Piat.
Bilang isang manunulat, siya ay
nakapagpalathala ng mga sanaysay at kuwento
sa Ingles at Iluko. Siya rin ay naging
mamamahayag sa radyo sa iba’t-ibang
programa at istasyon mula 1984-1989.
Lopez, Benny Ponce
Ipinanganak sa Namacayan, Buguey, Cagayan, ang
kanyang mga magulang ay sina Castor Alili Lopez at
Teodora Ponce.
Manunula, sanaysayista, manunulat ng maikling
kuwento, at nobelista, isa siya sa pinakamahahalagang
manunulat sa Iluko na nagmula sa Lambak ng Cagayan.
Isa sa kanyang mga maikling kuwento, ang Ti Sukogan,
ang nagwagi ng ng karangalan noong 1987 sa patimpalak
ng Economy Tours and Travel, Inc. sa pagsulat. Ang
kanyang mga akda ay nailathala sa Bannawag.
Siya ay nagpakasal kay Teresita Pagaduan kung kanino
siya nagkaanak ng lima. Isa sa mga nagtatag ng GUMIL
Cagayan at GUMIL ABS (Aparri, Buguey, Sta. Teresita), at
miyembro ng GUMIL Filipinas.

You might also like