You are on page 1of 16

Pagbubuo

ng
Hypothesis

ALLPPT.com _ Free PowerPoint Templates, Diagrams and Charts


Pagbubuo ng Hypothesis
Ipagpalagay na kayo ay gumagawa ng eksperimento.
Kayo ay nagtanim ng buto ng letsugas sa isang
kaligirang walang ginagamit na lupa. Hindi niyo
itinanim ang mga buto ng letsugas sa lupa, bagkus
ay sa styropor. Sa buong eksperimento, lupa
lamang ang inalis nilang factor para sa pagpapa-
tubo ng halaman. Dinidiligan nila parati ang mga
buto sa pamamagitan ng maingat na pagpapadaloy ng
tubig sa styropor.

Ano ang hypothesis na mabubuo niyo mula sa paksa?


Pagbubuo ng Hypothesis
Ano ang Hypothesis?
• Ito ay isang prediksyong sumasagot sa
tanong ng pananaliksik (research).

• Ayon kay Gay (1976), ang “hypothesis ay


isang pansamantalang pagpapaliwanag para
sa ilang mga pagtugon, mga kalakaran, o
pangyayari na nangyari na o mangyayari pa
lamang.”
Pagbubuo ng Hypothesis
Ano ang Hypothesis?

• Ayon kay McGuigan (1978) ang hypothesis


ay “isang pahayag na naglalahad ng pag-
uugnayan ng dalawa o higit pang variable.”
Pagbubuo ng Hypothesis
Ano ang tungkulin ng Hypothesis?
• Isineset nito ang iyong kaisipan sa simula pa lamang
ng iyong pag-aaral.

• Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng iyong


imbestigasyon

• Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa


presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos
na iyong pag-aaralan.
Pagbubuo ng Hypothesis
Paano bumuo ng Hypothesis?
1. Magtanong ng mga katanungan
2. Gumawa ng paunang pananaliksik
3. Bumuo ng iyong hypothesis base sa nasaliksik
4. Pino dapat ang iyong hypothesis
Ang iyong hypothesis ay dapat magkaroon ng mga katangiang
ito:

Ang mga nauugnay na variable


Ang tiyak na pangkat na pinag-aaralan
Ang hinulaang kinahinatnan ng eksperimento o pagsusuri

5. Sumulat ng isang null hypothesis


Pagbubuo ng Hypothesis
Mga Katangian ng isang Epektibong
Hypothesis

1. Makatwiran- Nararapat na maging makatwiran ang isang


hypothesis

2.Malinaw na Paglalahad- May kakayahang maipaliwanag ang


mga relasyong namamagitan sa mga varyabol.

3. Maaring Patunayan- Ang hypothesis ay maaring patunayan


sa pamamagitan ng mga isasagawang esksperimento
Pagbubuo ng Hypothesis
Dalawang Uri ng Hypothesis

Null Hypothesis
Alternatibong Hypothesis
Pagbubuo ng Hypothesis
Null Hypothesis
Mula sa salitang “Null” o wala.

Ang null hypothesis ay nagpapalagay na walang


maasahang maging pagbabago sa relasyon, epekto, o
interaksyon sa mga variable sa gagawing
pagsasaliksik
Pagbubuo ng Hypothesis
Halimbawa ng Null Hypothesis

Mas mahusay ba ang mga kabataan sa matematika


kaysa sa mga may sapat na gulang?

NH: Ang edad ay walang epekto sa kakayahan sa


matematika.
Pagbubuo ng Hypothesis
Halimbawa ng Null Hypothesis

Gumagamit ba ang mga kabataan ng cell phone


upang ma-access ang internet kaysa sa mga may
sapat na gulang?

NH: Ang edad ay walang epekto sa kung paano


ginagamit ang mga cell phone para sa pag-
access sa internet.
Pagbubuo ng Hypothesis
Alternatibong Hypothesis
Kabaligtaran ng Null Hypothesis.

Ang alternative hypothesis ay haka or pagpapalagay


na may pagkakaiba, relasyon, o pagkakaugnay ang
dalawang sitwasyon. Narito ang isang halimbawa.

Ay isang posisyon na nagsasaad ng isang bagay na


nangyayari, isang bagong teorya ay totoo
Pagbubuo ng Hypothesis
Alternatibong Hypothesis
Karaniwang naaayon ito sa hypothesis ng pananalik
sik sapagkat ito ay itinayo mula sa pagsusuri sa
panitikan, mga nakaraang pag-aaral.
Pagbubuo ng Hypothesis
Halimbawa ng ALTERNATIbong Hypothesis

Alternatibong hypothesis – May mataas ang


tyansa na maging obese ang mga taong mahilig
kumain ng mga matatamis kesa sa mga hindi
mahilig kumain ng mga matatamis.
Pagbubuo ng Hypothesis
Halimbawa ng ALTERNATIbong Hypothesis

Null Hypothesis:
Walang epekto ang mabigat na trapiko sa
disposisyon(kaayusan) ng tao.

(Ito ang nais patunayan)

Alternative Hypothesis:
May epekto ang mabigat na trapiko sa disposisyon ng tao.
(Kung hindi magtatagumpay ang null hypothesis, ito ang
tatanggapin ng research na isasagawa)
Para sa bilang 1-6 tukuyin kung anong hypothesis ito. Kung ito ba ay null o
alternatibong hypothesis.

1. Ang edad ay walang relasyon sa pagiging mahusay sa Math. NULL

2. May mataas ang tyansa na maging obese ang mga taong mahilig kumain ng mga
matatamis kesa sa mga hindi mahilig kumain ng mga matatamis. ALTERNATIBO

3. Walang epekto ang edad sa abilidad na makapagkanta. NULL

4. Hindi tutubo ang halaman na ginamitan ng eggshell bilang fertilizer. NULL

5. May mataas ang tyansa na maging obese ang mga taong mahilig kumain ng mga
matatamis kesa sa mga hindi mahilig kumain ng mga matatamis. ALTERNATIBO

6. Ang improvised air cooler ay epektibo at maraming benipisyo. ALTERNATIBO

7. Magbigay ng halimbawa ng isang hypothesis. NULL O ALTERNATIBO

8. Ibigay ang kahulugan ng Hypothesis

9.Ibigay ang kahulugan ng Null Hypothesis

10.Ibigay ang kahulugan ng Alternatibong hypothesis.

You might also like