You are on page 1of 59

KOMUNIKASYON SA

AKADEMIKONG
FILIPINO
FIL 101
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
• Teoryang Bow-Wow – hayop
• Teoryang Pooh-Pooh – bulalas ng
masidhing damdamin
• Teoryang Yo-he-ho – Bunga ng
pwersang pisikal
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay – ritwal
(pagsasayaw, pagsigaw at incantation o
bulong)
• Teoryang Ta-ta – kumpas o galaw ng tao ay
ginaya ng dila (wikang Pranses
nangangahulugang paalam)
• Teoryang Dingdong – tunog na nililikha ng
mga bagay-bagay sa paligid (kalikasan o
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
• Teoryang Yum-Yum – pagkumpas ng kamay na
ginaya ng labi
• Teoryang Sing-Song – pagsasama-sama ng mga
tao sa pag-awit
• Teoryang Mwestra – pasabay ng salita at galaw
tulad ng tata
• Teorya na nagmula sa kaharian ng Ehipto – Ayon
kay haring Psammatichos pinaniniwalaan na ang
wika ay sadya at likas sa pagkatao ng tao sa wika
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
• Teorya ng Musika – Ayon kay Otto Jerperson
ang wika ay tunog at melody
• Revesz/Teorya ng Pakikisalamuha – natutong
magsalita dahil sa pakikisalamuha sa tao
• Teorya ni Charles Darwin – survival using
language
MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA
• Wikang Aramian/Aramiac – lahat ng wika sa
daigdig ay nagmula sa wikang Aramic sa Syria
• Wave Theory – pandarayuhan “Astronesian”, wika
ay mula sa alon ng karagatan
• Genesis 11:1-9 – dahil sa pakikialam ng Diyos nag-
ibaiba ang wika ng tao
TUNGKULIN NG WIKA

Exploration in the Functions of Language


– M.A.K. Halliday (1973)
• Binigyang diin ang pagkakategorya ng
wika batay sa mga tungkuling
ginagampanan nito sa ating buhay.
TUNGKULIN NG WIKA

• Interaksyonal • Imahinatib
• Instrumental o
• Regulatori • Heuristik
• Personal
• Impormatib
INTERAKSYONAL

• Mahalaga ang gamit na ito ng wika sa dahilang sa pamamagitan nito,


pinananatili ang mga relasyong panlipunan. Sa mga magkakaibigan, nariyan
ang pagbibiruan at panunukso. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang mga
paanyaya at pasasalamat. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga
salitang pangkabataan, wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon.
Halimbawa:
Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll.
Abrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko!
INSTRUMENTAL

• Ginagamit ang wika upang magawa ng isang indibidwal ang kanyang


nais gawin. Pasalita man o pasulat, magagamit ang wika upang mag-
utos, makiusap, humingi, magmungkahi at magpahayag ng sariling
kagustuhan.
Halimbawa:
Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jennifer: Ganun ba? Sige walang problema.
REGULATORI

• Madalas na ginagamit ito ng mga taong may nasasakupan o mga taong may taglay
na kapangyarihang magpakilos ng kanyang katawan. Kontrolado ng gumagamit ng
wika ang sitwasyon kung kaya, kaya niyang pakilusin ang sinuman matapos niyang
magamit nang ganap ang wika. Sa pasalita, kapansin-pansin ito sa mga talumpati o
debateng ang layunin ay manghimok tulad sa isang halalan. Sa pasulat,
mapapansin ito sa mga memorandum, patakaran, resolusyon at iba pa.
Halimbawa:
Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500
George: Naku saan kaya ako maaring umihi? Bawal pala dito.
PERSONAL

• Naipapahayag ang mga sariling damdamin, pananaw, opinyon at


maging personalidad ng isang indibidwal. Sakop nito ang mga bulalas
ng damdamin tulad ng pagkagulat, galit, hinanakit at tuwa. Maging ang
pagmumura ay maituturing sa uring ito, kung kaya, ang ganitong
gamit ay nasa ilalim ng alinman sa formal at informal na talakayan.
Halimbawa:
Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yahoooooooo!
Nhelo: Balato naman diyan!
IMAHINATIBO

• Nalulubos ang gamit ng wika kapag nailapat sa pagsulat o pagbigkas


ng mga akdang pampanitikan. Malikhain ang tunguhin nito kung kaya
karaniwan nang mapapansin ito sa mga gawang masining o estetiko.
Sa pasulat o pasalita man, nagagamit ito sa mga tula, awit, kuwento at
iba pang nangangailangan ng talinghaga.
Halimbawa:
Shimy: Christian, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang
hihilingin mo sa kanya? Christian: Siyempre, ang makalipad tulad ng
isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at makita ang
buong mundo.
HEURISTIK

• Gamit ito ng taong nais na matuto at magkamit ng mga kaalamang akademik


at/o profesyonal. Upang kanyang mabatid, kailangan niyang sumuri, mag-
eksperimento, magtanong at sumagot, magbigay-kahulugan, makipagtalo at
pumuna.
Halimbawa:
Gicko: Nagyon ko lang nalaman na nag Dalamatian ay isang wika, at hindi basta
wika, ito ay isang halimbwa ng patay na wika o frozen language.
Nixan: A, oo Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago.
IMPORMATIB

• Tulad ng ngalan nito, ginagamit ang wika dahil na rin sa pangangailangang


maipaalam ang napakaraming katotohanan, datos at informasyong hatid ng
mundo. Dahil dito, mas higit na formal ang gamit na ito ng wika lalo pa’t gamit
ito sa pagtuturo, mga talumpati, pakitang-kuro, pagbabalita o sa simpleng
pag-uulat.
Halimbawa:
Dominic: Alam mo ba na nag salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God
be with ye?
Jaja: A, talaga?
Tungkulin ng Katangian Halimbawa
Wika Pasalita Pasulat
Interaksyonal Nakapagpapanatili/nakapagpapatatag Pormularyong Liham -
ng relasyong sosyal PAnlipunan, Pangkaibigan
Pangungumusta,
Pagpapalitan ng
Biro
Instrumental Tumutugon sa mga pangangailangan Pakikiusap, Pag- Liham –
uutos Pangangalakal
Regulatori Kumokontrol at gumagabay sa Pagbibigay ng Panuto
kilos/asal ng iba Direksyon, Paalala
o Babala
Personal Nakapagpapahayag ng sariling Pormal/Di-Pormal Liham sa
damdamin o opinion na Talakayan Patnugot
Imahinatibo Nakapagpapahayag ng imahinasyon sa Pagsasalaysay, Akdang
malikhaing paraan Paglalarawan Pampanitikan
Heuristik Naghahanap ng mga Pagtatanong, Sarbey,
impormasyon/datos Pakikipanayam Pananaliksik
Impormatib Nagbibigay ng impormasyon/datos Pag-uulat, Ulat,
Pagtuturo Pamanahong-
Papel
USES OF LANGUAGE (1977) - FRANK SMITH
• Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon.
• Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay hindi nangangahulugan ng
kasanayan sa iba pa.
• Hindi lamang isang tungkulin/gamit pangwika ang nagagamit sa isang
pagkakataon. Maari ring dalawa o higit pa.
• Kailangan ng nagsasalita ang tagapakinig at kailangan ng nagsusulat ang
mambabasa.
• Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat). Madalas upang maging
higit na mabisa ang komunikasyon, kinakailangang gamitin ang kumbinasyon
ng wika at iba pang alternatibo tulad ng pagsasakilos, pagkumpas,
pagsasalarawan at ekspresyon ng mukha.
LIMANG ANTAS NG WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng


tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang
ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.
B. Impormal
A. Pormal • Lalawiganin
• Pambansa • Kolokyal
• Pampanitikan o Panretorika • Balbal
A. PORMAL

• Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat


nauunawaan ng buong bansa. Ito ay isang wika na
natatanging kinakatawan ang pambansang
pagkakilanlan ng isang lahi o bansa. Ang mga
salitang ito ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla. Ito rin ang wikang
ginagamit sa paaralan at sa pamahalaan.
A. PORMAL

• Pampanitikan – Ito ang antas na may


pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan
ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idyoma,
eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at
punto ay ginagamit sa pampanitikan.
B. IMPORMAL

• Lalawiganin - kabilang sa antas na ito ang mga salitang


katutubo sa lalawigan.
• Kolokyal - ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang
tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan. Ang
mga ganitong salita ay natural na phenomenon ng
pagpapaikli ng mga salita upang mapabilis ang daloy ng
komunikasyon
B. IMPORMAL

• Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay


binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran / ginagamit sa lansangan.
PORMAL IMPORMAL
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal
Ina Ilaw ng Tahanan Inang Nanay Ermat
Ama Haligi ng Itang Tatay Erpat
Tahanan
Baliw Nasiraan ng Muret, Bal-la Sira-ulo Praning
Bait
Pulis Alagad ng Batas Pulis Pulis Parak, Buwaya
Pera Salapi Kwarta Pera Datung, Atik
Maganda Mala-Diyosa Napintas Maganda Adnagam
ang Kariktan
Kotse Sasakyang Awto Kotse Tsi-kot
Panlupa
Asawa Katuwang sa Bana Asawa, Misis, Was-wit
Buhay, May- Mister
bahay
Yumao Sumakabilang- Natayen Namatay Nadedbol
BARAYTI NG WIKA

Kahulugan ng Barayti
• Pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular
na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal
Halimbawa:
BARAYTI NG WIKA

Kahulugan ng Barayti
• Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita atbp.
Halimbawa:
• Kung Guro sa Filipino ang Kausap:
• Binibini, di ko po maunawaan ang ating tinatalakay na paksa sa hapong ito.

• Kung Kaklase ang Kausap:


• Ano ba ‘yan? Di ko gets!
BARAYTI NG WIKA

Kahulugan ng Barayti
• Porma/uri ng wika na ginagamit ng mga nagsasalita ng
isang wika.
Halimbawa:
• Karaniwang Filipino: Maghugas ka ng plato.
• Tagalog-Bulacan: Mag-urong ka ng pinggan.
URI NG BARAYTI AYON KAY CAFFORD

• Permanente
• Dayalekto
• Idyolek
• Pansamantala
• Register
• Estilo
• Moda/Paraan ng Pagpapapahayag
PERMANENTENG BARAYTI
DAYALEKTO (wikain)
• barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko
• wikang ginagamit sa isang partikular ng
rehiyon, lalawigan o pook.
DAYALEKTO
Mayroong higit sa 400 ang dayalek na ginagamit sa
kapuluan ng ating bansa.
-Ernesto Constantino
• Luzon – Ibanag sa Isabela at Cagayan; Ilocano ng Ilocos
• Visayas – Aklanon ng Aklan; Kiniray-a ng Iloilo
• Mindanao – Surigaonon ng Surigao; Tausug ng Jolo at Sulu
HALIMBAWA

• Maynila – Aba, ang ganda!


• Batangas – Aba, ang ganda eh!
• Bataan – Ka ganda ah!
• Rizal – Ka ganda, hane!
HALIMBAWA:
Sa Morong Rizal:
• Ikaw na ba ang SUSUNOR?
• Kunin mo nga ang SANROK.
• Ang laki ng RAGA!
• Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.
HALIMBAWA:
Sa Bulacan:
• pila – baterya ng sasakyan
• saukan – sawsawan
• tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka)
• kayo – tela
• lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria
• patuka – feeds
• jokak – libreng pakain
PERMANENTENG BARAYTI
• IDYOLEK – ang wikang tipikal/pangkaraniwang ginagamit ng isang tao;
ang personal na “wika” ng isang tao.
Halimbawa:
• “It’s not that na galit na galit ako. It’s just that. Nakakasabaw. SOBRA.”
• “Grabe. Solid talaga.”
• “Hindi naman one-sided ako. Hindi ba dapat multiple murder sa halip na
rebellion?”
• “Kaya kung true yung 2012, ok na rin yun. Kawawa younger generations.”
• Mike Enriquez
• Noli De Castro
• Mon Tulfo
• Kris Aquino
• Vice Ganda
PANSAMANTALANG BARAYTI

REGISTER
• Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o
larangang pinag-uusapan, sa mga tagapakinig o
kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik
o factor.
• Pagiging pormal at impormal ng wika
HALIMBAWA

Talakayan sa Klase ng International Affairs


Guro: Bakit kaya may foreign troops pa rin sa Iraq at Afghanistan ngayon?
Estudyante 1: Sir, kailangan ang foreign troops para i-secure ang democratic
government sa Iraq.
Estudyante 2: Ang agenda talaga ng USA ay para makuha ang oil deposits
ng Iraq.
Estudyante 3: Sir, kasi, hindi naging successful ang mediation at diplomatic
actions ng USA noon.


Halimbawa: Talakayan sa Klase sa Filipino
Guro: Bakit kailangan ang komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay?
Estudyante 1: Kung wala pong komunikasyon, parang walang buhay ang
mundo.
Estudyante 2: Kailangan po ng komunikasyon para magkaintindihan ang
mga tao.
Halimbawa: Klase sa Law School
Guro: Magbigay ng opinion tungkol sa Maguindanao Massacre at sa mga
kasong isinampa sa mga suspect.
Estudyante 1: Sir, faulty ang filing ng rebellion case, dapat, multiple murder.
Estudyante 2: Mahina po ang kasong rebellion at maaaring tactics nila ‘yan
para masubsume ng rebellion ang iba pang crimes.
Estudyante 3: Magkakaroon po ng whitewash. Nakikita po natin na ang DOJ
ay walang gana sa pagsasampa ng kaso.
REHISTRO SA PANGKAT NA KINABIBILANGAN

• Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


• Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven!
• Kosa, pupuga na tayo mamaya.
• Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Magmalling muna tayo ngayon.
• Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
OKUPASYUNAL NA REHISTRO

• Hearing • Ace

• Pleading • Breakpoint

• Settlement • Slice

• Court • Love

• Exhibit • Fault

• Fiscal • Deuce

• Appeal • Advantage

• Justice • Rally
PANSAMANTALANG BARAYTI
TENOR o ESTILO
• Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika
• Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika
(lalo kung ang kausap ay malapit na kaibigan)
• Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad
ng wika
PANSAMANTALANG BARAYTI
MODA
• Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)
• May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat
• Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa
paraang pasulat at mas maluwag naman ang paraang pasalita
(bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site, maluwag.
Halimbawa:
• Modang Pasalita • Modang Text

E1: Kain na tayo. E1: Kain tau.


E2: Tara. San? E2: Wer?
E1: Sa resto. E1: Resto
E2: San nga e?
E2: Wat resto?
E1: Khit san
E1: E di sa Gerry’s. E2: S Gerry’s n lng
E2: Okey. E1: K
SOSYOLEK

• Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal


• Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil
nakabatay ito sa mga pangkat panlipunanan
• Wika ng mga estudyante, matatanda, wika ng
kababaihan, preso, bakla at iba pang pangkat.
SOSYOLEK

Halimbawa:
• Sa mahirap, "sira ang ulo", sa mayaman "nervous breakdown"
• Ang mayamang malikot ang kamay tawag ay “kleptomaniac", sa
mahirap tawag dito ay " magnanakaw.
• Kung mahirap ka at masakit ang ulo mo, ikaw ay " nalipasan ng gutom", kung
mayaman ka naman at masakit ang ulo mo meron kang “migraine".
• Kung mahirap ka ikaw ay “kuba", pag mayaman ka naman, meron kang "scoliosis".
• Kung mahirap ka na maitim ikaw ay isang "negrita", pag mayamn ka na maitim
ikaw naman ay "Morena".
• Kung high society ka tawag sa iyo ay "slender", pag lo class ka naman tawag sa yo
ay "payatot"
• Ang anak ng mayaman ay "slow learner", ang anak naman ng mahirap ay "bobo“
PIDGIN
• “Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal (mabilisang transaksyon sa
negosyo atbp.)
• Walang masalimuot o kumplikadong tuntunin at limitado lamang ang talasalitaan
o bokabularyo
• Walang native speaker nito dahil paghahalu-halo lamang ng mga wika.
Halimbawa ng pidgin sa English
• You buy this? (Will you buy this?)
• You go back when? (When will you go back?)
• Boss, in or out? (Is the boss in the office or somewhere?)
CREOLE
• Ang pidgin, kapag naging inang wika o mother tongue ng
isang pangkat ng tao ay tinatawag nang creole
• Pidgin na nagkaroon na ng mga native speaker
• Di gaya ng pidgin, ang creole ay ginagamit sa mas
malalawak na larangan o field
DOMEYN

• Tumutukoy ito sa anumang disiplina, gawain, grupo o samahan na


nagkakaroon ng pagkakabuklud-buklod tungo sa isang partikular na
mithiin
TATLONG KLASIPIKASYON NG DOMEYN

1. Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling


domains of language)
2. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang
pangwika (Semi-Controlling Domains of Language)
3. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika (Non-
controlling domains of language)
LARANGANG PANGWIKA NA NAGKOKONTROL
(CONTROLLING DOMAINS OF LANGUAGE)
• Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa
pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong
gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa matataas
na antas ng karunungan gaya ng: simbahan, batas, midya,
paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo at iba pa.
Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin,
nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na
estandardisado at intelektwalisado. Nagkokontrol ito dahil may tiyak
na mga salitang kailangang gamitin upang mas maging malinaw ang
akto ng pag-uusap.
NAGKOKONTROL NANG BAHAGYA SA LARANGANG PANGWIKA
(SEMI-CONTROLLING DOMAINS OF LANGUAGE)

• Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit
tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di-tulad ng nauna,
hindi ka
• sing higpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi
ng tao sa iba’t ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang
isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa relihiyon at
enterteynment. Dito, tanging bahagya ng paran ng pagdidikta sa paggamit ng wika
na kadalasan na mapakikinggan sa mga intervyu sa radyo at televisyon. Gamit ang
mga ito, ang isang nagsasalita ay hindi nalilimitahan at bahagya siyang
may kalayaang gamitin ang isang wika na hindi kasing istrikto tulad ng nauna.
DI-NAGKOKONTROL NA MGA LARANGAN NG WIKA
(NON-CONTROLLING DOMAINS OF LANGUAGE)

• Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang


makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa. Kaiba sa
dalawang nauna, dito, puno ng Kalayaan ang isang ispiker kaugnay sa
gamit ng wika.
PAG-UURI NG MGA PAMBANSANG WIKA SA
BUONG MUNDO
Acuna (1994)
1. Intellectualized languages of wider communication;
2. confined, independent and intellectualized national languages; and
3. developing national languages.
INTELLECTUALIZED LANGUAGES OF WIDER COMMUNICATION;

• tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles,


Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang
mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa.
CONFINED, INDEPENDENT AND
INTELLECTUALIZED NATIONAL LANGUAGES
• tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang
ang bansang pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang
magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga
bansang ito ay ang Korea at Japan.
DEVELOPING NATIONAL LANGUAGES

• tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang


intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
REHISTRO O REJISTER NG WIKA

• Francisco (2006)
• tumutukoy sa gamit ng wika sa isang partikular na Gawain kung saan
ang mga salitang ginagamit ay pekulyar sa kanila bilang bahagi ng
kanilang gawi. Nagaganap ito dahil may pangangailangan ang mga tao
na makabuo ng sarili nilang wika upang mas maging madali ang
paraan ng daloy ng kanilang interaksyon sa isa’t isa.
UGNAYAN NG DOMEYN AT REHISTRO NG WIKA

• Ang domeyn ay tumutukoy sa isang partikular na larangan o


gawain. Nagkakaroon ito ng kaugnayan sa rehistro ng wika dahil bawat
domeyn ay may kani-kaniyang rehistro ng wika. Mga wikang
tanging unique o pekulyar sa isang domeyn at tanging may
mga tiyak na grupo lamang ang siyang nagkakaintindihan ng mga
salita o terminong ginagamit. Sa katunayan, palagi ko na rin binibigyan
ng instruksyon ang aking mga estudyante na kahit mga barker,
mangingisda, nagsasakla, mahilig maglaro ng baraha o kard,
sabungero, embalsamador at marami pang iba ay may rehistro ng
wika.

You might also like