Prepared by: Jennylou dela Cruz Alluvida Migrasyon
• Ay tumutukoy sa paglipat ng isang tao sa
isang lugar upang humanap ng mga kalakal.
• Ito ay ang pagiging dayuhan ng mga tao sa
isang bansa. Pag-usbong ng Migrasyon • Ang migrasyon sa Pilipinas ay nagsimulang umusbong noong nagsilipat at nagsidayuhan ang mga mamamayang mula sa mga baryo patungo sa mga lungsod. Ang mga mamamayang ito ay binubuo ng mga anak at mga magulang na lalaki. Ang mga anak ay dumadayo sa lungsod para makapag-aral sa mas mataas na paaralan at sa mga kolehiyo, at sa kalaunan ay makapagtrabaho na rin doon, samantalang ang mga magulang na lalaki naman ay nangingibang-bayan para makahanap ng trabaho na mayroong mas mataas na sweldo. Dahilan ng Migrasyon
• Kagustuhang magkaroon ng mas
mataas na antas ng pamumuhay. • Kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho sa sariling bansa. • Kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ang mga anak. Dahilan ng mga overseas contract workers o OCW sa pangingibang bansa • Edukasyon ng mga anak • Mas mataas na sahod • Makabili ng bahay at lupa • Pambayad ng mga utang • Para sa pangkapital sa negosyo • Makabili at makapagpundar ng mga ari-arian • Iba pang ekonomikal na pangangailangan MABUTIng dulot ng Migrasyon • Pagpapagawa ng mga bagong bahay • Pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ng mga anak • Mga patunay ng umaasensong negosyo na naipundar • Kakayahang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya • Nakatutulong nang Malaki ang perang padala ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa pag-aangat ng kalagayang pangkabuhayan ng bansa • Naipamamalas ang kulturang Pilipino sa ibang lahi • Nagagamit at tumitingkad ang mga talino at kagalingan ng mga Pilipino sa ibang bansa HINDI MABUTIng dulot ng Migrasyon
• Pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay (hal:
pagiging materialistic, pagtangkilik sa mga produksyong imported, at patuloy na pagbabalik at paghahangad na makapagtrabaho sa ibang bansa) • Mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunan na aspekto ng mga anak (hal: paggawa ng maling pagpapasiya at pagkakaroon ng maling kamalayan sa mga bagay-bagay) • Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at panghihina ng katatagan ng pamilya • Pagiging transnasyonal ng pamilya mula sa pagiging tradisyunal(hal: pagtatrabaho ng mga ina bilang pagtulong sa pagtustos ng mga gastusin, ngunit pagkukulang nila ng panahon na magabayan ang mga anak) • Pagkakaroon ng puwang at kakulangan ng makabuluhang komunikasyon at atensyon sa pagitan ng mga magulang at ng mga anak THANK YOU For LISTENING!!!