You are on page 1of 26

Pansit

Mami
Siopao
At
Siomai
Shanghai
Lechon
KUWENTO AY SURIIN
Panuto: Tukuyin ang nais bigyang-pansin sa sumusunod na bahagi ng kuwento.
Gamitin mo ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay sa patlang bago ang bilang

TAUHAN

LUGAR

PANGYAYARI
_____________1. Unti-unti, sa paningin ko'y
nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop
na kapaligiran Ang mga bahay na malalayo
ang agwat, napalitan, ang iba'y nakagiray na,
pulos na yari sa kugon at kawayan, ay waring
nagsisipagbantang lumupasay sa anumang
sandali. Sa malayang hangin ay nagsasanib-
sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga
manok at itik, unga ng mga kalabaw,
langitngit ng nagtatayugang kawayan, at
pagaspas ng dahon.
(Mula sa Lugmok Na ang Nayon ni Edgardo
_____________2.Dinalaw siya mula noon
ng pag-aagam-agam sa kaniyang pag-
aanluwage. Hinahanap-hanap niya mula
noon ang bagay na dapat niyang malikha; at
sa palagay niya'y waring nagkukulang at
hindi tumpak ang bawat gawin at likhain
niya. Dumaan ang mga taon at siya'y
nakaramdam ng panghihina Mabilis ang
pagtanda niya, ngunit ang kaniyang
alalahanin ay hindi nababawasan.
(Mula sa Anluwage ni Hilario L Coronel)
_____________3. May luha siya sa mata
ngunit may galak siyang nadama.
Luwalhati. Hinagudhagod niya ang mga
kamao. Nadama niya ang bagong tuklas
na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag.
Ang kapangyarihan. Muli niyang
tiningnan ang nakabulagtang si Ogor.
Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing
nag-angat siya ng mukha.
(Mula sa Impeng Negro ni Rogelio
Sikat)
_____________4.Tunay ngang isang malaking
pangyayari ang nakaakit sa pansin ng San
Joaquin. Hindi sila magkasundo sa pagtinging
ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya ang
anak ni Aling Clara na magpapaahon sa kanya
pamilya mula sa kahirapan; kaiinggitan,
kamumuhian, masarap siraan. Subalit siya rin
ang anak ng San Joaquin na kapupulutan ng
pag-asa; pupurihin, tatangkilin, gagawing
pangunahing tauhan sa kuwentong isasalaysay
sa ilang henerasyon ng kabataan.
(Mula sa Bagong Bayani ni Joseph Salazar)
_____________5. Kung takipsilim ay isinusuot na
lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang
suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo
ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang
kalabaw hanggang ito'y umungol na ang
alingawngaw ay ano't hanggang sa kalagitnaan ng
bayan. Kung di niya makita na halos apoy na ang
lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa
niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang
nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. (Mula
sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)
Sa kuwentong makabanghay, ang binibigyang-diin ng
sumulat ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
ang madulang pangyayari.
Sa kuwento naman ng tauhan, nakapukos ang mga
pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuuang pag-
unawa ang mga mambabasa tungkolsa kanila.
Pinahahalagahan naman sa kuwento ng katutubong-kulay
ang tagpuan-ang pook/lugar na pinangyayarihan ng
kuwento.Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkolsa
pook-hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin ang mga
pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang
mga kilos/gawi, mga paniniwal, pamahiin, at pananaw sa
Ang Panag-uri at paksa ay panlahat na bahagi ng
pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang panlahat
na mga bahaging ito na maaaring buuin pa ng
maliliit na bahagi.
Dalawang kategorya ng mga salita ang
magagamit na panuring, ang pang-uri na
panuring sa pangalan o panghalip at ang pang-
abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o
kapuwa pang abay.
Halimbawa :
Batayang pangungusap:
Si Huiquan ay bilanggo.
1.Pagpapalawak sa pamamagitan
ng karaniwang pang-uri.
Si Huiquan na ulila ay bilanggo.
Halimbawa :
Batayang pangungusap:
Si Huiquan ay bilanggo.
2.Pagpapalawak sa pamamagitan
ng pariralang panuring.
a. Si Huiquan na ulila ay dating bilanggo.
2.Pagpapalawak sa pamamagitan ng
pariralang panuring.
b. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay
dating bilanggo.
c. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay
dating bilanggo sa China.
d. Si Huiquan na ulila sa mga magulang ay
mahilig magbasa ng aklat ay dating bilanggo sa
China.
Halimbawa :
Batayang pangungusap:
Si Huiquan ay bilanggo.
3.Pagpapalawak sa pamamagitan ng
ibang bahagi nang panalita na gumaganap
mh tungkulin ng pang-uri.
a. Pangngalang ginagamit na panuring:
Si Huiquan na tindero ay dating bilanggo.
3.Pagpapalawak sa pamamagitan ng
ibang bahagi nang panalita na gumaganap
mh tungkulin ng pang-uri.
b. Panghalip na ginagamit na panuring:
Si Huiquan na tinderong iyon, na ay dating
bilanggo.
c. Pandiwang ginamit na panuring:
Si Huiquan na tinderong iyon na sumisigaw
ay dating bilanggo.
Halimbawa :
Batayang pangungusap:
Umalis si Maciong.
4. Pampalawak gamit ang pang-abay
a. Pang-abay na paamanahon:
Umalis agad si Maciong.
b. Pang-abay na pamaraan:
Patililis na umalis agad si Maciong.

You might also like