You are on page 1of 11

Ang Pamanahong-Papel

• Isang uri ng papel –pananaliksik na


karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa
kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa
isang akademiko.
• Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat
na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang
paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng
isang panahon o term.
 
Mga pahinang Preliminari o Front Matters

• Fly Leaf 1
• Pamagating Pahina
• Dahon ng Pagpapatibay
• Pasasalamat o Pagkilala
• Talaan ng Nilalaman
• Talaan ng mga Talahanayan at Graf
• Fly Leaf 2
• Pamagating Pahina - Nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel; kanino
iniharap o ipinasa ang papel; kung saang asignatura ito kailangan; kung sino ang
gumawa at panahon ng kumplesyon. Inverted pyramid ang pagkakaayos ng mga
impormasyong nasapahinang ito.

• Dahon ng Pagpapatibay - tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng


mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamahong-papel.

• Pasasalamat o Pagkilala - Tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat,


tanggapan o institusyong maaring nakatulong sa pagsulat ng pamahong-papel at
kung gayo’y nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat
pasalamatan o kilalanin.

• Talaan ng Nilalaman - Nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang


bilang ng pahina Kung saan matatagpuan ang bawat isa.

• Talaan ng mga Talahanayan at Graf - Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan


at/ o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng [ahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.
• Panimula o Introduksyon - Ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang
pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.

• Layunin ng Pag-aaral - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa
ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga tiyak na suliranin na nasa anyong patanong.

• Kahalagahan ng Pag-aaral - Inilalahad ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa


ng pag-aaral. Tinutukoy rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa
iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.

• Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Dito itinatakda ang
parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop at hindi
sakop ng pag-aaral

• Definisyon ng mga Terminolohiya - Ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at


ang bawat isa’y binng pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal ( ibinibigay ang istandard na
depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon ginamit sa pamanahong-
papel).

• May mga pamanahong-papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical Framework,


Hypotheses at Assumptions sa Kabanata I
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

• Panimula o Introduksyon
• Layunin ng Pag-aaral
• Kahalagahan ng Pag-aaral
• Saklaw at Limitasyon
• Definisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
• Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may
kaugnayan sa pananaliksik.
• Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-
aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at
mga resulta ng pag-aaral.
• Dito ipinaalam ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng
kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.
• Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
• Piliting gumamit ng lokal at dayuhan
• Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa
pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
• Disenyo ng Pananaliksik
• Respondente ng Sarvey
• Instrumento ng Pananaliksik
• Tritment ng mga Datos
 
 
• Disenyo ng Pananaliksik - Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.
Halimbawa Deskriptib-analitik – isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon
hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

• Respondente ng Sarvey - Kung ilan sila at paano at bakit sila ang napili.

• Instrumento ng Pananaliksik - Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa


pangangalap ng mga datos at informasyon. Sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang intervyu o
pakikipanayam, pagko-conduct ng sarvey at pagpapasagot ng sarvey-kwestyoneyr sa mga
respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikable sa isang deskriptiv-
analitik na disenyo.

• Tritment ng mga Datos - Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng
porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga
respondente.
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
• Lagom - binubuod ang mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik na komprehensibong
tinatalakay sa Kabanata III.
• Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon,
implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap
ng mananaliksik.
• Rekomendasyon – mga mungkahing solusyon para sa
mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik. 
Mga Panghuling Pahina
• Listahan ng Sanggunin– isang kumpletong tala
ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
• Apendiks / Dahong-Dagdag – maaaring ilagay o
ipaloob dito ang liham, pormularyo ng
ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng
sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik,
mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

You might also like