You are on page 1of 18

Yunit III

Ang May Kakayahang Komunikatibo,


Panalo!
Aralin 9

Kakayahang Lingguwistiko
Layunin ng Talakayan
 maipaliwanag ang kahulugan ng kakayahang lingguwistiko;

 matukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino; at

 magamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag.


Daloy ng Talakayan

Kahulugan ng kakayahang lingguwistiko at kakayahang


komunikatibo; at

Kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino.


Kahulugan ng Kakayahang Lingguwistiko at
Kakayahan Komunikatibo
Tumutukoy ang kakayahang lingguwistiko sa abilidad ng isang tao na
makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.

Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa wika ng bata ang


nasabing kakayahan sa tinatawag na kakayahang komunikatibo, na
nangangahulugan namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes
1972).
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Kakabit ng kakayahang lingguwistiko ng Pilipino ang wastong


pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino. Sa kasaysayan, dumaan na sa
maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating wikang pambansa na
nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Bahagi ng Pananalita sa Makabagong Gramatika
A. Mga Salitang Pangnilalaman:
1. Mga nominal
a. Pangngalan – nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay,
pook, katangian, pangyayari, at iba pa
b. Panghalip – pamalit o panghalili sa pangngalan

2. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng


mga salita
3. Mga panuring
a. Pang-uri – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan
at panghalip
b. Pang-abay – nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri, at kapuwa pang-abay
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
B. Mga Salitang Pangkayarian:
1. Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig – nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay (halimbawa: at, pati,
ni, subalit, ngunit)
b. Pang-angkop – katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan (halimbawa: na, -ng)
c. Pang-ukol – nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
(halimbawa: sa, ng)

2. Mga Pananda
a. Pantukoy – salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
(halimbawa: si, ang, ang mga)
b. Pangawing o Pangawil – salitang nagkakawing ng paksa o
simuno at panaguri (halimbawa: ay)
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

Ortograpiya ng Wikang Filipino

A. Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa


tunog-Ingles ng mga titik, maliban sa Ñ (enye) na tunog-Espanyol.

Ibig sabihin, isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang


mga titik na bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, inisyal, akronim,
simbolong pang-agham, at iba pa.
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
B. Pasulat na Pagbaybay
Narito naman ang ilang tuntunin sa pagbaybay ng mga salita, partikular sa
paggamit ng walong dagdag na titik (c, f, j, ñ, q, v, x, z) para sa:
1. Pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita
mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
palavvun (Ibanag) bugtong
kazzing (Itawes) kambing
jambangán (Tausug) halaman
safot (Ibaloy) sapot ng gagamba
masjid (Tausug, Mëranaw) gusaling samabahan ng mga Muslim
2. Mga bagong hiram na salita sa mga wikang banyaga. Ang mga dating
hiram na salitang lumaganap na sa baybay na ayon sa abakada ay hindi na
saklaw ng panuntunang ito.
Halimbawa:
selfie
digital detox
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Pagpapalit ng D Tungo Sa R;

 Sa kaso ng din/rin, daw/raw, ang D ay napapalitan ng R kung ang


sinusundan nitong salita ay nagtatapos sa patinig o sa malapatinig
na W at Y
halimbawa:
malaya rin
mababaw raw

 Nanatili ito sa D kung sa katinig naman nagtatapos ang


sinusundang salita (halimbawa: aalis din, malalim daw).
Gayundin, nananatili ang D kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa –ra, -ri, -raw, o –ray
halimbawa:
maaari din,
araw-araw daw
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Paggamit ng “Ng” At “Nang”
May limang tiyak na paggamit ng nang:
a. bilang kasingkahulugan ng noong
halimbawa:
“Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, kaagad
silang nagpatayo ng mga paaralan.”
b. bilang kasingkahulugan ng upang o para
halimbawa:
“Ikinulong ni Ana ang aso nang hindi na ito makakagat pa.”
c. katumbas ng pinagsamang na at ng
halimbawa:
“Malapit nang makauwi ang kaniyang tatay mula sa Saudi Arabia.”
d. pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano
halimbawa:
“Iniabot nang palihim ni Carl ang liham kay Christine.”
“Tumaas nang sobra ang presyo ng langis.”
e. bilang pang-angkop ng inuulit na salita
halimbawa: “Pabilis nang pabilis ang ikot ng elisi ng eroplano.”
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
Wastong Gamit ng Gitling (-)
a. sa inuulit na salita, ganap man o hindi
halimbawa:
araw-araw gabi-gabi para-paraan
b. sa isahang pantig na tunog o onomatopeya
halimbawa:
tik-tak brum-brum
c. sa paghihiwalay ng katinig at patinig
halimbawa:
pag-aaral mag-asawa
d. sa paghihiwalay sa sinusundang pangngalang pantangi
halimbawa:
pa-Marikina maka-Pilipino
e. sa paghihiwalay sa sinusundang banyagang salita na nasa orihinal na
Baybay
halimbawa:
mag-compute pa-encode
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino
f. sa pantig na may kakaibang bigat sa pagbigkas, partikular sa sinaunang
Tagalog at sa iba pang wika sa Pilipinas
halimbawa:
gab-i, mus-ing lab-ong
g. sa bagong tambalang salita
halimbawa:
lipat-bahay amoy-pawis
h. sa paghihiwalay ng numero sa oras at petsang may ika-
halimbawa:
ika-12 ng tanghali ika-23 ng Mayo

i. at sa pagbilang ng oras, numero man o salita, na ikinakabit sa alas-


halimbawa:
alas-2 ng hapon alas-dos ng hapon
Kakayahang Lingguwistiko sa Wikang Filipino

i. sa kasunod ng “de”
halimbawa:
de-lata de-kolor
j. sa kasunod ng “di”
halimbawa:
di-mahawakan di-kalakihan
k. sa apelyido ng babaeng nag-asawa upang maipakita ang orihinal na
apelyido noong dalaga pa
halimbawa:
Genoveva Edroza-Matute

You might also like