You are on page 1of 46

K a s a y s a y a n n g Wi k a n g P a m b a n s a

Jammie A. Esguerra
Guro sa Filipino
Panalangin
Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika
• Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag
tungkol sa kung paanong ang dalawa o higit
pang penomenon ay nagkauugnay sa bawat
isa.
• Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga
indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng
anumang bagay na naitala sa kasaysayan.
• Tinatayang may 3,000 taon na ang
nakalilipas nang magkaroon ng interes ang
tao na pag-aralan ang pinagmulan ng wika
(Pena, 2015).
• Nahahati sa dalawang pangkat ang mga
teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1)
ang Teoryang Biblikal at (2) ang Teoryang
Siyentipiko o Makaagham.
Ang Teoryang Biblikal
• May dalawang tala mula sa Bibliya ang
tumalakay tungkol sa paglaganap ng iba't
ibang wika sa panig ng mundo. Ito ay ang
kasaysayan ng Tore ng Babel na
binabanggit sa Lumang Tipan, at ikalawa
ang Pentecostes na nasa Bagong Tipan
naman.
Tore ng Babel
• Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan,
hango ito sa aklat ng Genesis na sinasabing noon ay
may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang
Armaic.
• Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa
silang magtayo ng isang tore sa kapatagan ng Shinar na
sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit,
at magiging tanyag sa daigdig.
• Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng
Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika (Carpio 2012).
Pentecostes
• Matatagpuan ito sa ikalawang aklat ng mga Gawa
bersikulo 1-12. Tinutukoy nito ang Pentecostes ng
pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
• Nakasaad dito na minsang nagtipon-tipon sa isang lugar
ang mga Apostol nang may narinig na ugong na
nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang
lumapag sa bawat isa, at sila ay napuspos ng Espiritu
Santo. Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng
iba't ibang wika
Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham
Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo. Narito ang
mga sumusunod na teorya:
Teoryang Bow-wow
• Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula
ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao
sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan.
• Halimbawa: 
Tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig
sa talon
Teoryang Ding-dong
• Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang
Natibistiko. Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula
ang wika mula sa pagbigay ngalan ng tao sa mga
bagay batay sa tunog na maririnig mula rito, sa ibang
salita buhat sa onomatopeia na maikakabit sa bagay.
• Halimbawa: 
Tunog ng kampana ay ding-dong, habang tik-tak ang
salita para sa orasan
Teoryang Pooh-Pooh
• Tinataya ng teoryang ito na dahil sa
matinding emosyon, nakabubulalas ang tao
ng tunog, na natuto ang tao na makipag-usap
sa kagustuhan niya na maipahatid ang
kaniyang emosyon.
Halimbawa:
• Sakit: Aray! Paghanga: Wow!
Teoryang Yo-he-ho
• Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng
mga taong magkakatuwang at magkakasama sa
kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat
na bagay.
• Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng
tao na nagmumula sa kaniyang puwersang pisikal.
• Halimbawa: 
Tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na
bato
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
• Ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sinaunang tao sa
sinaunang sibilisasyon, sa kanilang mga
ritwal at dasal.
• Halimbawa: 
Sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang
Alangan
Ang Teoryang Ta-Ta
• Nagmula ito sa wikang Pranses na ang ibig sabihin ay
“PAALAM”.
• Sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng
mga tao sa mga partikular na okasyon ay ginaya ng
dila hanggang ito ay mag-produce ng tunog at
natutong magsalita ang mga tao.
Halimbawa
Ok! Sang-ayon, Hindi sang-ayon, Laban!
Balik - Aral

“Filipino, ang pambansang


wikang dapat pang
ipaglaban.”
Pagganyak
• Naitanong mo ba sa inyong sarili kung saan
nagmula ang wika? Saan nga kaya ito
nagmula? Isulat sa papel ang inyong
hinuha kung paano at saan nagmula ang
wika.
Pagpapanood ng isang video clip na nagpapakita ng pinagmulan ng wika.
https://www.youtube.com/watch?v=R8iITbDRx_E
• Batay sa inyong napanood, paano at saan
nagmula ang wika? Naniniwala ka ba sa
mga ito? Kung OO, Aling Teorya ng
Pinagmulan ng Wika ang mas higit mong
pinapaniwalaan? Kung HINDI,
Pangatwiranan.
Pagpapakita ng Larawan
FILIPINO
PILIPINO TAGALOG
Ano kaya ang kaugnayan nito sa tatalakayin natin ngayong araw?
Layunin
• Matukoy ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa mula sa Panahon ng
Katutubo hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Pagpapanood ng isang video clip tungkol sa Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
https://www.youtube.com/watch?v=CDy8uBKmquU
PAMANTAYAN SA
PAGMAMARKA
PANGKATANG PAGGANAP INDIBIDWAL NA PAGGANAP
• Nailahad nang malinaw sa • Aktibong nakilahok sa gawain – 10
gawaing ibinigay – 10 • Nagbahagi ng kaalaman sa pangkat
• Naging malikhain sa paglalahad – 10
ng gawain – 5 • Disiplinado at responsible sa kilos o
• May pagkakaisa o teamwork – 5 gawi – 5
• Nakasunod sa takdang oras – 5 • Kabuuan – 25
• Kabuuan – 25
COLLABORATIVE APPROACH
(TDAR ACTIVITY)

• Pangkat 1 (THINK) – Tukuyin ang mga


pinagdaanang pangyayari/ kaganapan
tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa sa Panahon ng Katutubo.
Ibahagi/ilahad sa paraang Talk Show.
• Pangkat 2 (DISCUSS) – Pag-
usapan ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang
Pambansa sa Panahon ng
Kastila, ipaskil sa pisara ang mga
kaganapang ito at ipaliwanag.
• Pangkat 3 (ACT) – Bumuo ng
isang senaryo na matutukoy ang
mga pinagdaanang pangyayari/
kaganapan tungo sa pagkabuo at
pag-unlad ng Wikang Pambansa
sa Panahon ng Amerikano.
•  Pangkat 4 (REFLECTION) - Sa
kasalukuyang panahon, masasabi mo
bang naging epektibo/malaya ang
pagkakaroon ng pambansang wika ang
Pilipinas sa kabila ng mga
pinagdaanan nito? Ibahagi ito sa
paraang Pag-uulat. 
Oras na upang Magsimula ka...
Kulang pa ba?
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Panahon ng Katutubo Alibata
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Panahon ng Kastila Abecedario/Alpabetong Romano
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Panahon ng Propaganda
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Panahon ng Amerikano
• Bilang isang mag-aaral, ano-
ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa
pagsulong ng wikang Filipino?
Maikling Pagsusulit
• Nauunawaan mo ba ang mga pinagdaanang pangyayari ng ating wika sa iba’t ibang
panahon na nabanggit sa araling ito? Pumili lamang ng tatlong panahon at isulat ang
mga mahahalagang pangyayari sa bawat apanahong napili mo. Isulat sa test notbuk ang
inyong kasagutan. (10 puntos bawat isa) 
• Halimbawa:
1. Panahon ng Katutubo
_______________________________________________________________________
_____________________________________________
2. Panahon ng Kastila
_______________________________________________________________________
_____________________________________________
3. Panahon ng Amerikano

_______________________________________________________________________
_____________________________________________
Takdang - Aralin
• Saliksikin ang mga pinagdaanang
pangyayari/kaganapan tungo sa pagkabuo
at pag-unlad ng Wikang Pambansa sa
Panahon ng Hapon hanggang sa
Kasalukuyan.
Refleksyon
• “Marami mang pinagdaanan, ang
mahalaga’y naisakatuparan ang
pagtatalaga sa isang wikang
pambansa na nagpapakita na
tayo’y mamamayang may iisang
diwa.”

You might also like