Ang makaagham na pagkuha at pangangalap ng mga tala upang
masubok angi isang teorya at nang sa gayon ay malutas ang suliraning kaakibat nito. Lubos na kinakailangan dito ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos upang matityak na matatanggap ang mga ito upang mapatotohanan ang teorya sa pananaliksik. Itinadhana ng CHED Memorandum Order (CMO) mula sa iba’t ibang kurso at larangang pang-akademiko ang pagkakaroon ng mga komponent ng pananaliksik o riserts upang lubusang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa gawaing ito. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal (Kerlinger, 1973). Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya, pangangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at pagsasanib ng mga kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik. Hindi kailangang hulaan o gawin lamang ng imahinasyon ang pag-aaral dahil nawawalan ng bisa ang kahulugan ng pag-aaral para sa isang mananaliksik. KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK 1. Masipag at matiyaga- Kailangan ang tiyaga sa walang katapusang paghahanap ng mga datos na gagamitin sa pananaliksik. Kailangan ng lubos na pasensya at malawak na pang-unawa sa mga nakasasaluhang tao habang nangangalap ng datos. 2. Maingat- Kinakailangang maingat na maisa-isa ang mga nakalap na datos na may kaugnayan sa gunagawang sulating pananaliksik. 3. Masistema- Maayos ay may sistema ang kanyang mga hakbang upang walang makalimutang mga datos o detalyeng kailangan sa kanyang isinusulat na sulating pananaliksik. KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK 4. Mapanuri- Kailangang maging mapanuri sa mga batayan upang mabigyan ng magkakaibang bigat ng mga datos na nakalap niya. Kailangang suriin niyang mabuti ang mga pangunahing datos at mga pantulong na datos upang maihanay ang mga ito na naaayon sa pangangailangan ng sulating pananaliksik. ETIKA NG PANANALIKSIK
Intellectual Property Rights
1. Paggalang sa karapatan ng iba
2. Pagtingin sa lahat ng datos bilang confidential 3. Pagiging matapat sa bawat pahayag 4. Pagiging obhetiko at walang kinikilingan BAHAGI NG PAPEL- PANANALIKSIK Preliminary pages (front) Pinamagatang papel Dahon ng Pagpapatibay Abstrak Pasasalamat/Paghahandog Talaan ng Nilalaman Talaan ng Talahanayan at Pigura Preliminary pages (back) Talasanggunian Apendiks A- Mga liham Apendiks B- Mga Talahanayan, Piguta ar Transkripsyon Apendiks C- Sarbey Kwestyuneyr, atbp Resume BAHAGI NG PAPEL- PANANALIKSIK Kabanata I- SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Panimula Batayang Konseptwal Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Depinisyon ng mga Salita Kabanata II- MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Kabanata III- DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK Disenyo ng Pag-aaral Seting Pag-aaral Pagpili ng Kalahok Instrumento ng Pag-aaral Tritment ng Datos BAHAGI NG PAPEL- PANANALIKSIK
Kabanata IV- PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON
NG MGA DATOS Kabanata V- LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON