Aralin 1

You might also like

You are on page 1of 62

ARALIN 1

ANG KAHALAGAHAN NG
PAGSUSULAT AT ANG
AKADEMIKONG PAGSULAT
MGA LAYUNIN:
• Nabibigyang-kahulugan ang
akademikong pagsulat.
• Nakikilala ang iba’t ibang
akademikong sulatin ayon sa
layunin, gamit, katangian, at
anyon.
• Pagbuo ng isang pagsusuri na
nagpapakita ng kahulugan at
PAGSUS
ULAT
• Ayon kay Cecelia Austera (2009) ang
pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe, ang wika.
• Ayon naman kay Edwin Mabilin (2012) ito
ay isang pambihirang gawaing pisikal at
mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag
sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa
papel o anumang kagamitang maaring
pagsulatan.
Pagreport
• Isulat sa isang buong
papel ang inyong sagot
sa tanong na naitalaga sa
bawat grupo.
• Ipaliwanag nang mabuti
ang inyong sagot.
RUBRIKS:
PAMANTAYAN PUNTOS
1. Tama ang sagot. 2
2. Maayos na naipaliwanag, may pruweba at 3
napangatwiran ang sagot.
3. Naibahagi sa klase nang maayos at nakikinig ang 5
bawat kamag-aral sa pagbabahagi.
• Ayon kay Royo ang pagsusulat
ay napakalaking tulong sa
paghubog ng damdamin at
isipan ng tao.
• Dahil sa pagsusulat, nakikilala
ng isang tao ang kaniyang
sarili.
AKADEMIKONG PAGSULAT O
INTELEKTUWAL NA PAGSULAT
Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ng mataas na antas
ng pag-iisip.

• Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay


may mapanuring pag-iisip.
• May kakayahang siyang mangalap ng impormasyon o
datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip nang lohikal,
magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at
gumawa ng sintesis.
PAKATANDAAN!
Akademikong Pagsulat Iba Pang Sulatin
Sulatin

• Kaugnay ng Kasanayang daat • Personal


akademikong malaman at • Malikhain
disiplina mapaunlad • Propesyonal
• Isinusulat sa • Eksperimental
iskolarling
pamamaraan
LAYUNI
N NG
PAGSUS
ULAT
• Mapabatid sa mga tao o
lipunan ang paniniwala,
kaalaman, at mga karanasan ng
taong sumusulat.
• Magdulot ng kabatiran at
pagbabago sa pananaw, pag-
iisip, at damdaming ng
makakabasa nito.
• Ayon naman kay Mabilin
(2012) ang layunin ng
pagsusulat ay maaaring mahati
sa dalawang bahagi:
• Personal o ekspresibo
• Panlipunan o sosyal
PERSONAL O EKSPRESIBO
• Nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o
nadarama ng manunulat.
• Hal. Sanaysay, maikling
kuwento, nobela, dula, tula,
awit, at iba pang akdang
pampanitikan.
PANLIPUNAN O SOSYAL
• Makipag-ugnayan sa tao o
lipunang ginagalawan.
• Transaksiyonal
• Hal. Pagsulat ng liham,
memo, balita, pananaliksik,
korespondensiya, tesis,
disertasyon at iba pa.
KAHALAGA
HAN O
BENEPISYO
NG
PAGSUSULA
T
BENEPISYO SA
PAGSUSULAT
• Masasanay ang kakayahang
mag-organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
• Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
BENEPISYO SA
PAGSUSULAT

• Mahuhubog ang isipan ng mag-


aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng obhetibo sa
paglalatag ng kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na
impormasyon.
BENEPISYO SA
PAGSUSULAT

• Mahihikayat at mapauunlad ang


kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales
at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
BENEPISYO SA
PAGSUSULAT

• Magdudulot ito ng kasiyahan sa


pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.
BENEPISYO SA
PAGSUSULAT
• Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pakilala sa mgaa gawa
at akda ng kanilang pag-aaral at
akademikong pagsisikap.
• Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga impormasyon
mula sa iba’t ibang batis ng
MGA GAMIT
O
PANGANGAIL
ANGAN SA
PAGSUSULAT
WIKA
• Magsisilbing behikulo upang
maisatitik ang mga kaisipan,
damdamin, kaalaman, karanasan,
impormasyon at iba pang nais
ilahad ng taong nais sumulat.
• Mahalagang magamit ito sa
malinaw, masining, tiyak, at payak
na paraan.
PAKSA

• Pangkalahatang iikutan ng
mga ideang dapat mapaloob
sa akda.
LAYUNIN

• Magsisilbing giya sa paghabi


ng mga datos o nilalaman ng
iyong isusulat.
PAMAMARAAN NG
PAGSULAT

• Mailahad ang kaalaman at


kaisipan ng manunulat batay
na rin sa layunin o pakay ng
pagsusulat.
PAMAMARAAN NG
PAGSULAT
• PARAANG IMPORMATIBO –
magbigay ng impormasyon o
kabatiran sa mambabasa.
• PARAANG EKSPRESIBO –
magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, idea, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa batay sa sariling karanasan o
PAMAMARAAN NG
PAGSULAT
• PARAANG NARATIBO –
magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at
tiyak na pagkakasunod-sunod.
• PARAANG DESKRIPTIBO –
maglarawan ng mga katangian, anyo,
hugis ng mga bagay o pangyayari
batay sa mga nakita, narinig,
PAMAMARAAN NG
PAGSULAT

• PARAANG ARGUMENTATIBO
– manghikayat o mangumbinsi sa
mga mambabasa.
KASANAYANG PAMPAG-
IISIP
• Taglay dapat ng isang
manunulat ang kakayahang
mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o
hindi gaanong mahalaga, o
maging ng mga
impormasyong dapat isama sa
KAALAMAN SA WASTONG
PAMAMARAAN NG
PAGSULAT

• Isaalang-alang ang
pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa retorika, wika,
gramatika at tamang pormat
ng sulatin.
KASANAYAN SA PAGHABI
NG BUONG SULATIN

• Paglatag ng kaisipan sa
maayos, organisado, obhetibo,
at masining na paraan mula sa
panimula hanggang wakas ng
isang komposisyon.
Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin,
makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Komprehensibong Paksa – Batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat
naman ay itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon
na may kaugnay sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan,
pampolitika, pangkultura, at iba pa.
2. Angkop na Layunin – Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais na
amgpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na
paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dating
impormasyon at iba pa.
3. Gabay na Balangkas – Sa tulong ng pagbabalangkas, napadadali ng manunulat ang
ikaniyang pagsulat ng sulatin. Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng
anumang sulatin. Ang paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng
pinal na sulatin. Mat tatlong uri ng balangkas: balangkas ng paksa, balangkas na
pangungusap, at balangkas na talata.
4. Halaga ng Datos – Maituturing na pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang
datos ng anumang akda. Nahahati sa dalawa ang pinagkukunan ng datos: primarya o
pangunahing sanggunian at sekondaryang sanggunian.
Mga Pinagkukunan ng Datos
PRIMARYANG SANGGUNIAN SEKONDARYANG SANGGUNIAN
• Talaarawan Reaksiyon sa isang:
• Pakikipanayam • Aklat
• Liham • Palabas
• Orihinal na gawang sining • Manuskrito
• Orihinal na larawan • Pahayag ng isang tao
• Orihinal na pananaliksik • Buod ng anumang akda
• Mga isinulat na panitikan
Sa paraan ng paggawa ng isang akademikong sulatin,
makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang mga
sumusunod:

5. Epektibong Pagsusuri – ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o sanhi ng


suliranin at nagpapakita ng angkop na bunga kaugnay ng implikasyon nito sa
iniikutang paksa.

6. Tugon ng Konklusyon – taglay ng konklusyon ang pangkalahatang


paliwanag sa nais na maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa
konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na katanungan sa isinulat na pag-
aaral. Kadalasang nasa anyong pabuod ang konklusyon na binuo batay sa
natuklasang kaalaman.
MGA URI NG
PAGSULAT
MALIKHAING PAGSULAT
(Creative Writing)
• Maghatid ng aliw, makapukaw
damdamin, at makaantig sa
imahinasyon ng mambabasa.
• Hal. Maikling kuwento, dula,
tula, komiks, iskrip sa
teleserye, musika, pelikula.
TEKNIKAL NA PAGSULAT
(Technical Writing)
• Pag-aralan ang isang proyekto
para lutasin ang suliranin o
problema.
• Hal. Proyekto sa paglilinis ng
campus, Proyekto sa
Pagsasaayos ng Ilog ng
Marikina at iba pa.
PROPESYONAL NA
PAGSULAT (Professional
Writing)
• May kinalaman sa isang tiyak
na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan.
• Hal. Narrative report, minutes,
lesson plan, curriculum guide,
medical report, at iba pa.
DYORNALISTIK NA
PAGSULAT (Journalistic
Writing)
• May kaugnayan sa
pamamahayag.
• Hal. Pagsulat ng balita,
editoryal, lathalain, artikulo at
iba pa.
REPERENSIYAL NA
PAGSULAT (Referential
Writing)
• Bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng
sulatin.
• Hal. RRL.
AKADEMIKONG PAGSULAT
(Academic Writing)
• Intelektuwal na pagsulat.
• Ayon kay Carmelita Alejo, et.
al ito ay may sinusunod na
partikular na kumbensiyon
tulad ng pagbibigay suporta sa
mga ideang
pinangangatwiranan.
AKADEMIKONG PAGSULAT
(Academic Writing)

• Ayon kay Edwin Mabilin


(2012) ang lahat ng uri ng
pagsulat ay produkto o bunga
lamang nito.
ANG PAGGAMIT
NG
AKADEMIKONG
FILIPINO SA
PAGSASAGAWA NG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
AKADEMYA

• Tumutukoy sa institusyong
pang-edukasyon na maituturing
na haligi sa pagkamit ng
mataas na kasanayan at
karunungan.
AKADEMIKONG FILIPINO

• Pagsunod sa alituntunin sa
paggamit ng wikang Filipino
upang ito ay maging istandard
at magamit bilang wikang
intelektuwalisasyon.
Ayon kay Vivencio Jose (1996)

• Epektibong magagamit ang


Filipino sa akademya.
AKADEMIKONG PAGSULAT

• Asignatura na lilinangin,
huhubugin, at sasanayin ang
mga mag-aaral sa pagsulat.
MGA
KATANGIANG
DAPAT TAGLAYIN
NG
AKADEMIKONG
PAGSULAT
OBHETIBO
• Kailangan ang datos ng
isusulat ay nakabatay sa
kinalabasan ng ginawang pag-
aaral.
• Iwasang maging subhetibo.
• Iwasan ang paggamit ng batay
sa aking pananaw at iba pa.
PORMAL

• Iwasan ang paggamit ng


kolokyal o balbal na salita
• Ang tono o himig ng
paglalahad ay kinakailangang
pormal din.
MALIWANAG AT
ORGANISADO
• Ang mga talata ay kinakailangang
makikitaan ng maayos na
pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga
kaisipan sa pangungusap na
binubuo nito,
• Ang punong kaisipan ay dapat
magpalutang o magbigay-diin sa
MAY PANININDIGAN
• Hindi maganda ang
magpabago-bago ng paksa.
• Maisagawa ang pagsusulat na
mapanindigan niya hanggang
matapos isulat.
MAY PANANAGUTAN

• Ang mga kinuhang


impromasyon ay kinakailangan
na bigyan ng nararapat na
pagkilala.
Iba’t ibang Uri ng
Akademikong Sulatin
• Abstrak • Katitikan ng
• Sintesis/buod pulong
• Bionote • Posisyong papel
• Panukalang • Replektibong
proyekto sanaysay
• Talumpati • Pictorial-essay
• Agenda • Lakbay-
sanaysay
Dahil sa
604.

Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng


konklusyon, may mga paalala na dapat tandaan para sa
susulat:

1. Huwag magpasok ng bagong materyal.


2. Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng
tawad sa isang bagay na pinaliwanag mo na.
3. Huwag magtapos s ‘cliff hanger’, na iniiwang bitin ang
mga mambabasa.
Mga Gamit sa Akademikong Pagsulat
1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
2. Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang
nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
3. Order – pasunod – sunod ng mga pangyayari o proseso.
4. Paghahambing o Pagtatambis – pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga tao, pangyayari, konsepto, at iba pa.
5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o
bagay at ang kaugnay na epekto nito.
6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay
ng mga posibling lunas sa mga ito.
7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong
katangian ng isa o higit pang mga bagay, sitwasyon, o pangyayari.
Pakatandaan!

Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang mayroong


pinagbabatayan. Pundasyon ang isip na magluluwal ng mabungang
impormasyon. Ang impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal,
kritikal, maugnayin, at malikhaing paraan upag iugnay ang
kaalaman sa nilalaman ng akademikong sulatin. Hindi maihihiwalay
sa isip ang damdamin o puso ng akadmikong sulatin. Bukod sa
nararamdamang saya, lungkot, galit, at iba pang saloobin, litaw ang
damdaming nais maiparating ng akademikong sulatin na lalong
nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay ng mga tiyak na
pagtugon o pagkilos batay sa layunin ng akademkong sulatin.
UNANG ENTRY SA
DYORNAL

• Bakit mahalagang matutuhan


ang kahalagan, kalikasan, at
katangian ng pagsulat
partikular ang pagsulat ng
akademikong sulatin?
IKALAWANG ENTRY SA
DYORNAL

• Sagutin ang BUOIN


NATIN sa pahina 14-
15.
UNANG PAGSUSURI SA
DYORNAL

• PALAWAKIN PA
NATIN P. 16.

You might also like