You are on page 1of 5

WIKA AT LIPUNANG PILIPINO

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN


Wika at Lipunan

 Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at
namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit (UP Diksyunaryong
Filipino.
 Ang wika, pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang
makapag-ugnayan sa isa’t isa (Sapir,1949)
Wika at Lipunan

 Ang speech community ay ang pangkat ng tao sa loob ng lipunan na may tiyak na wikag gamit ayon sa
kanilang antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, gulang, hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan.
 Ang sosyolinggwistika ang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-iba ng lenggwahe sa
istruktura ng lipunan (Paz, 2003)
Wika at Lipunan

 Ang pagkakaroon ng isang wika ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa na nagbibigkis sa mga tagapagsalita
ng nasabing wika. (Sapir)
 Ang wika ay isang produktong sosyal ng kakayahang magsalita at isang koleksyon ng mahahalagang
kombensiyon na binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal. (Sausure)
 Ang wika kung gayon ay isang panlipunang pangyayari.
 Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salita ng isang indibidwal ay nagiging makabuluhan lamang kung ito
ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at ibinabahagi s aiba pang indibidwal o grupo. (Constantino)
Wika at Lipunan

 Malaki ang ugnayan ng wika at lipunan dahil sa kapwa nila naiimopluwensiyahan at naghuhubog ang isa’t
isa.
 Nahahati ang lipunan ayos sa antas ng pamumuhay, lahi, kasarian, edad, hanapbuhay, interes at iba pang
panlipunang sukatan.
 Ang mga tao rin sa loob ng lipunan ay nagpapangkat-pangkat batay sa mga salik na nabanggit.

You might also like