You are on page 1of 23

Pagsasalin?

Dizon (1998)
“ang gawaing pagsasalin ay
kinasasangkutan ng paglilipat ng
isang tekstong nakasulat sa isang
wika patungo sa iba at partikular
na wika”
Roman Jacobson
May tatlong larangan ang gawaing pagsasalin
1. Pagsasaling Intralingual
o paglilipat ng mga tanda ng isang
wika patungo sa mga parehong
tanda ng parehong wika.
Roman Jacobson
May tatlong larangan ang gawaing pagsasalin
2. Pagsasaling Interlingual
Ito ay kung ininterpreta ang mga
tanda ng batayang wika batay sa
mga tanda ng wikang ipinagsasalin.
Roman Jacobson
May tatlong larangan ang gawaing pagsasalin
3. Pagsasaling Intersemiotic
Paglilipat mula sa wikang pasalita
tungo sa sistema ng di-pasalita na
mga tanda, -- halimbawa, ang
paglilipat ng tekstong nakasulat sa
musika o sa sining biswal
Sa isang artikulo na sinulat ni
Silapan, na Mga pagsasalin Mula
sa Wikang Iloko Tungo sa Wikang
Pambansa hinango niya ang mga
katuturan ng pagsasalin mula kay
Newmark (1988)
“ang pagsasalin ay paglilipat ng
kahulugan ng teksto sa ibang wika
sa paraang ayon sa intensyon ng
awtor ng teksto”
Sa artikulo nina Nida at Taber
(1982) na “reproduksyon ito sa
tagatanggap (target) na wika ng
pinakamalapit na natural at
katumbas ng orihinal na wika, una,
ayon sa kahulugan, at pangalawa,
ayon sa estilo”.
C. Rabin, J.C. Catford, M. Larson,
T. Savory, atb
intended and presumed to convey the
same meaning
equivalent textual material
a text which communicates the same
message
equivalence of thought
Kahalagahan ng
Pagsasalin
Sa artikulo ni Ramos na
Pagsasalin Tungo sa
Pagpapayaman ng Wikang
Pambansa (1998)
Ano ang dahilan ng Kastila bakit
kailangan nilang magsalin?
PANANAKOP

KRISTIYANISMO
sa kanyang pagpapaliwanag na batay kay
Rafael (1988) ay ganito ang isinasaad ng
mananampalataya na tumanggap sa
Diyos na Kristiyano ay nagpapasakop din
sa Haring Kastila na banal na itinalaga,
lalo na sapagkat iniuugnay ng mga
misyonero ang pampulitikang
pagpapasakop dito sa lupa sa kaligtasan
sa kabilang buhay
Ayon kay Ramos. “Bilang bahagi ng
layuning mapalaganap sa bansa ang
Kristiyanismo, isinalin ng mga
misyonaryong Kastila sa Tagalog (at iba
pang wika sa bansa) ang mga aklat-
dasalan, katekismo, awit pansimbahan,
sermon, pagsasanay sa mga gawaing
pangkabanalan”.
Ayon kay Almario sa kanyang artikulong
Pagsulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin:
“Kung ang pagkaimbento ng papel ay
napakahalaga sa lansakan at matagalang
pag-iimbak ng matatayog na karunungan
at dakilang panitikan, ang pagsasalin
naman ang naging mabisang kasangkapan
sa pagkakalat at pagtanggap ng mga
naturang pamana ng sibilisasyon sa iba’t
ibang lugar sa buong mundo.”
Ayon pa rin kay Almario “kasangkapan
ang pagsasalin upang ganap na
makinabang ang isang bansa o pook sa
mga impluwensyang mula sa isang sentro
o sulong na kultura”
Ano ang pinakaunang teksto ang
naisalin sa Pilipinas?
Doctrina Christiana en la lengua
Española
Mi Ultimo Adios
ni Jose Rizal

Huling Pahimakas
ni Andres Bonifacio
Katangian ng
Tagasalin
Nida at Savory
1. Sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin
Pagsusulit
Kumuha ng isang buong papel at sagutan
ang mga sumusunod na tanong?
1. Ano ang pagsasalin?
2. Paano ito makatutulong sa iyong
pag-aaral?
3. Sa iyong palagay, paano ito
makatutulong upang payabungin ang
wikang Filipino?

You might also like