You are on page 1of 27

Ang kagandahang loob ay wika na

malinaw na naririnig ng walang


pandinig at malinaw na nakikita ng
walang paningin .
-Mark Twain-
Ating Alamin
• Dalubhasa – Magaling o masasabing isang
eksperto sa isang larangan
• Teorya – Isang pag-aaral o pagsasaliksik sa
isang bagay o pangyayari.
• Katangian – Nagpapakilala o naglalarawan
Ano nga ba ang wika? Bakit
ito’y totoong napakakomplikado
at tunay na may
kapangyarihan?
Batayang
Kaalaman sa
Wika
Kahulugan ng wika Ayon sa mga
Dalubhasa
• Ang wika ay isang likas at makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdain at mithiin. -Edward Sapir-
• Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan, niliilinang sa
loob ng maraming dantaon at nagbabago sa
bawat henerasyon at natutuhan at ginagamit sa
iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o
komunidad -Carroll (1964)-
• Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na
ginagamit sa komunikasyon, hindi lamang
binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din.
-Todd (1987) -
• Ang wika raw ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura. –Gleason-
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ano
mang wika sa daigdig ay sistematikong
nakasaayos sa isang tiyak na balangkas.
Walang wika ang hindi nakaayon sa
balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay
sa tunog.
2. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag o
simbolo. Kapag nagsasalita tayo, ang bawat
salitang binibigkas natin ay isang serye ng
mga tunog na kumakatawan sa isang bagay,
ideya, saloobin o damdamin.
3. Ang wika ay mga sagisag na binibigkas. Hindi
lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat
ng tunog ay may kahulugan.
4. Ang wika ay arbitraryong simbulo at
tunog. Nangangahulugang walang tiyak na
batayan. Ibig sabihin ang pagbuo ng mga
simbulo at tunog na kumakatawan sa
kahulugan ng bagay, ideya at kaisipan ay
walang tiyak na batayan o tuntuning
sinusunod. Ito’y pinagkakasunduan ng mga
tao sa tiyak na pook o pamayanang
gumagamit ng wika.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay
kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba
pang kasangkapan, kailangang tuluy-tuloy itong
ginagamit.
6. Wika ay nakabatay sa kultura. Nagkakaiba ang
wika sa daigdig dahil na rin sa pagkakaiba ng
kultura ng mga bansa at mga pangkat.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika.
Hindi ito maaaring tumangging hindi
magbabago. Ang isang wikang stagnant ay
maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit
niyon.
8. Ang wika ay pantao. Ang wika ay para sa, ukol
sa, at gamit lamang ng tao. Iba ang wika sa
ungol o huni ng hayop.
Kahalagahan ng Wika
1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika
pasalita man o pasulat, ay pangunahing
kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng
Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin
sa ibang salin-lahi at napakikinabangan ng
ibang lahi dahil sa wika.
3. Nagbubuklod ng Bansa. Ano mang wika ay
maaaring gamitin upang pagbuklurin ang isang
bansa sa layuning pagpapalaya at pagpunlad.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Ang
wikang nakasulat na ating nababasa o wikang
sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating
naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang
gumana at lumikha ng imahinasyon, at kung
gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-
iisip.
Tungkulin ng Wika
1. Pang-interaksyunal. Kung ginagamit ito sa
pagpapanatili ng mga relasyong sosyal.
2. Pang-intrumental. May gamit na intrumental
ang wika na tumutulong sa tao para
maisagawa ang mga gusto niyang gawin.
3. Panregulatori. May gamit ding regulatori ang
wika na nangangahulugang nagagamit ito sa
pagkontrol sa mga sitwasyon o kaganapan.
4. Pangheuristiko. May gamit heuristik ang wika
kung ginagamit ito ng tao upang matuto at
magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa
mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal
na sitwasyon.
5. Pang-impormativ. Ang wika ay instrumento
upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at
insight tungkol sa mundo. Ang wika ay
ginagamit upang magbigay ng
impormasyon/datos.
6. Pampersonal. Personal naman ang gamit ng
wika sa pagpapahayag ng personalidad at
damdamin ng isang indibidwal
7. Pang-imahinasyon. Ito ang gamit ng wika
kung ginagamit ito sa paglikha at/o
pagpapahayag ng malikhain, estetiko o
artistikong kaisipan
Antas ng Wika
1. Pormal. Ito ang mga salitang istandard dahil
kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng
wika.
A. Pambansa. Ito ang mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng mga
paaralan.
B. Pampanitikan. Ito naman ang mga salitang
gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang
karaniwang matatayog, malalalim, makulay,
talinghaga at masining.
PAMBANSA PAMPANITIKAN
Ina Ilaw ng tahanan
Baliw Nasisiraan ng bait
Magnanakaw Malikot ang kamay
2. Impormal. Ito ang mga salitang karaniwan,
palasak at pang-araw-araw na madalas nating
gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at
kaibigan.
A. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong
pandayalekto. Gamiti ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan.
PAMBANSA LALAWIGAN
Talukbong Pandong
Aba nga naman Ala eh naman

Bote Boti
B . Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na mga
salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagamat may anyong repinado at malinis ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli
ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin
sa antas na ito.

PAMBANSA KOLOKYAL
Saan naroon Sanaron
Nasaan Nasan
aywan ewan
C. Balbal. Ang mga salitang ito’y tinatawag sa
Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong
una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at
may pinag-aralan dahil masagwa raw
pakinggan. Sa mga grupu-grupo nagsisimula
ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa
gayon, para nga namang code, hindi
maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-
uusapan.
PAMBANSA BALBAL
Kapatid Utol
Kotse Tsikot
Sigarilyo Yosi
Teoryang Pinagmulan ng Wika
1. Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito,
maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
2. Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong
magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila
bunga ng mga masisidhing damdamin tulad
ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla, at iba pa.
3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng mga
nagmumungkahi ng teoryang ito na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang puwersang pisikal.
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat
sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga
ritwal na ito na kalauna’y nagpabagu-bago at
nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
5. Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito,
ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na
kanyang ginagawa sa bawat partikular na
okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y magsalita.
6. Teoryang Ding-dong. Nagkaroon daw ng wika
ang tao sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha
ng tao at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Ano ang Kahalagahan ng wika?
.. Takdang Aralin:
1. Sumulat ng ng isang talata patungkol sa
iyong damdamin o opinyon sa sitwasyon
ng ating sistemang pang edukasyon sa
ngayon.
..wakas

You might also like