You are on page 1of 26

Ang tao ang sumusulat ng kaniyang

kasaysayan, kung ano siya sa


kasalukuyan at hinaharap.
-Anonymous-
Ating Alamin
• Kasaysayan - Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa atin sa mga pangyayaring
naganap sa nakalipas.
• Wika – Ginagamit o daan upang ipaabot ang
kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat.
• Komisyon ng Wikang Pambansa(KWP) – Nilikha ng
Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) upang
magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at preserbasyon ng Wikang
Filipino at ng iba pang katutubong wika sa Pilipinas.
• Surian ng Wikang Pambansa (SWP) – Gumawa ng
pag-aaral tungkol sa mga pangunahing wikang
sinasalita ng mga Pilipino at Pumili ng katutubong
wika na gagawing batayan upang maging
pambansang wika
Ano ang Pambansang Wika ng
mga Filipino?
Filipino!
Kasaysayan ng

Wikang
Filipino
Noong 1936, itinatag ni Pangulong
Manuel Quezon ang Surian upang
mamuno sa pag-aaral at pagpili sa
wikang pambansa. Tungkulin ng Surian
na magsagawa ng pananaliksik, gabay
at alituntunin na magiging batayan sa
pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.
Si Jaime de Veyra ang naging
tagapangulo ng komite na nagsagawa ng
pag-aaral, at napili nito ang Tagalog
bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa

Jaime C. Veyra – Tagpangulo (Bisayang Samar)


Cecilio Lopez – Kalihim/Punong Tagapagganap
(Tagalog)

Mga Kagawad:

Santiago Fonacier (Ilokano)


Filemon Sotto (Bisayang Cebu)
Felix Salas Rodrigo (Bisayang Hiligaynon)
Casimiro Perfecto (Bikol)
Hadji Butu (Muslim)
Jose Lurueta ( Pangasinan)
Loilo Hilario (Kapangpangan)
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong
1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan
ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng
wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap
ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo
ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang
“Ama ng Wikang Pambansa."
Bakit

TAGALOG
???
Sinasalita ang Tagalog ng
napakaraming tao at ito ang wikang
pinaka nauunawaan sa lahat ng mga
rehiyon ng Pilipinas.
Hindi ito nahahati sa mga mas
maliliit at hiwa-hiwalay na wika

Ang tradisyong pampanitikan nito


ang pinakamayaman at ang
pinakamaunlad at malawak

Higit na mararaming aklat ang


nakasulat sa Tagalog kaysa iba
Ito ang wika ng Maynila, ang
kabiserang pampulitika

Ito ang wika ng Himagsikan at


ng Katipunan—dalawang
mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong
Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg.
203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag
ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila
sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito
ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa
lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim Jose Romero ng
Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na
Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang
pambansa. Kinilala ang wikang ito bilang
Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan
nito sa wikang Tagalog.
Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan
ng diktador na si Pangulong Ferdinand
Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2
at 3 na “ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang opisyal ng
Pilipinas."
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong
Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon
C. Aquino muling binago ang Konstitusyon
noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14
Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito
ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika."
Apat na Pinakamalaganap na Wikain sa
Pilipinas Ayon sa ginawang Sensus noong
1975
ay ang Tagalog, Ccebuano, Ilokano at
Hiligaynon dahil sa sumusunod:

1.Gamit bilang pangalawang wika


2.Karamihan sa Panitikang Pilipino ay
nasususlat sa apat na wika
3.Ang mamayang gumagamit ng apat na wika
ang pinaka marami sa bilang
Karagdagang Kaalaman

Lope K. Santos – tinaguriang ama ng wikang


Tagalog at balarila.

José Corazón de Jesús na kilala ring huseng


batute - binansagan siyang Hari ng
Balagtasang Tagalog. 
Tagalog
Pilipino

Filipino
Mahalaga ba o hindi
mahalaga ang
magkaroon ng
sariling wika?
Oo-Hindi
..kailangan
.. Takdang Aralin:
1. Ano ang Lingua Franca ?
2. Anu –ano ang pangunahing lingua
franca ng Pilipinas?
..pangkatang gawain:
Ang bawat pangkat ay may limang minuto
upang makalikha ng isang maikling
interpretasyon tungkol sa kasalukuyang
gamit ng Wikang Filipino sa pamamagitan
ng abstrak o simbolo na larawan at paano
nila ito pahahalagahan
..waka

You might also like