You are on page 1of 13

Paniniwala at

Tradisyon
Ano sa palagay mo ang mga paniniwala at tradisyong ito? Ano sa palagay mo ang naging impluwensya ng nito sa pang-araw-
araw na buhay?
Anu-ano kaya
ang mga May kinalaman
sinaunang kaya ang mga ito
paniniwala at sa pang-araw-arw
tradisyon ng mga nilang buhay?
Pilipino?
PANINIWALA AT TRADISYON
Karamihan sa mga paniniwala at tradisyon ng mga
Pilipino ay may kaugnayan sa pananampalataya. Ang
pagdaraos ng mga kapistahan ay nagsimula sa ritwal at
seremonya ukol sa mga diyos at ispiritu noong unang
panahon. Nag-aawitan, nag-aalay ng mga
handog,nagsasalu-salo, nagsasayawan at nag-iinuman sila
pagkatapos ng seremonya. Kung minsan , may
nagpapaligsahan pa upang makakuha ng mga gantimpala
mula sa datu o raha. Ito ang pinagmulan ng mga palaro sa
pista sa kasalukuyan.
Sa mga ninunong mga Pilipino, mahalaga ang
pagpapangalan ng kanilang mga anak. Isinusunod nila
ito sa pangalan ng mga bagay sa kapaligiran. Ito ay
isang kaugaliang Asyano na ginagawa rin ng mga Tsino
at Hapones. Ang mga bagong silang na sanggol ay
ipinagdarasal at ipinagdaraos ng mga ritwal. Batay ito sa
paniniwala sa mga ispiritung papatnubay sa buhay ng
mga sanggol hanggang sa kanilang paglaki.
Makikita pa hanggang sa kasalukuyan ang mga katutubong kaugaliang
Pilipino sa mga tahanan. Ang ama pa rin ang kinikilalang ulo ng pamilya,
bagamat nagtamo na ang kababaihan ng mga karapatan sa mga
kalalakihan. Ang ina pa rin ang inaasahang mag-aaruga ng mga anak at
mamahala sa mga gawaing pantahanan. Naroon pa rin ang paggalang at
magandang pagsusunuran ng mag-asawa at ng magkakapatid sa kabila
ng pakikibagay sa modernong pamumuhay.
Noong una , ang pagpili ng mapapangasawa ng mga anak ay
karapatan ng mga magulang . Ang mga magulang ay may mga sinusunod
na na pamantayan ng pagpili at ang halaga ng bigay-kaya para sa nobya
o babaing ikakasal . Sila rin ang nagtatakda ng araw at lugar ng kasal.
Naniniwala naman ang mag-anak na walang magulang na naghahangad
ng masama para sa mga anak.
Bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa paggawa,
pakikisama, pagdamay, pagtanaw ng utang na loob, paggalang sa
nakakatanda at kababaihan, katapangan at katapatan. Bagaman
sinasabing impluwensya ng mga Asyano ang paniniwala sa mga
pamahiin, hindi maikakailang naging ugali rin ito ng mga Pilipino, May
mga pamahiin tungkol sa pag-aasawa, panganganak, pagpapangalan ng
anak at pagpili ng pook-tirahan na sinusunod pa hanggang ngayon.
Nanatili hanggang sa kasalukuyan ang ilan sa mga paniniwala
at tradisyong Pilipino. Ang mga ito ay bahagi ng ng pamanang kultural ng
mg sinaunang Pilipino.
 
Tandaan
Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon sariling
kultura bago pa man dumating ang mga dayuhan
sa ating bansa.
Sila ay may mga paniniwala at tradisyon na
kanilang sinusunod hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga paniniwala at tradisyon na ito ay may
impluwensya sa kanilang pang araw-araw na
pamumuhay gaya ng paniniwala sa mga pamahiin.
GAWAIN A
1.Bumuo ng apat na pangkat .
2.Gawin ang isinasaad ng Activity Card.
Pangkat 1:Magsagawa ng Isang Pamahiin sa
pamamagitan ng Katutubong sayaw.
Pangkat 2: Isadula ang Pamamanhikan noong unang
Panahon.
Pangkat 3: Bumuo ng isang awiting Rap na may
temang sinaunang paniniwala.
Pangkat 4: Bumuo ng isang tula tungkol sa
pangliligaw.
GAWAIN B
 Lagyan ng tsek(√) ang bilang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng kaisipan ukol sa mga paniniwala at
tradisyong ng sinaunang Pililipino
 
1.Ang mga Pilipino ay nakikialamhati sa namatayan.
2.May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino.
3.Ang mga Pilipino ay makasarili.
4.Bawal daw maligo kapag may patay.
5.Mahilig magdiwang ng pista ang mgaa Pilipino.
GAWAIN C
 
Itugma ang mga salita o parirala sa hanay B sa mga inilalarawan sa hanay A. Isulat
ang letra ng sagot sa sagutang papel.
 
1. Maraming handang pagkain at mayroon pang mga palaro a. Pamanhikan

2. Paghingi ng kamay ng mga magulang sa nobya b.Pakikiramay

3. Pagpunta sa tahanan ng namatayan c.Pagtanaw ng


utang
4. Pagganti sa ginawang kabutihan na
loob .
5. Hindi pagsusukat ng damit bago ikasal d.Pamahiin
e.Pista
GAWAIN C
Magkaroon ng isang laro na ang
tawag ay Arte Mo:Hula Ko . Bumuo ng dalawang
grupo na binubuo ng tig limang miyembro. Isang
miyembro ng pangkat ang bubunot ng salitang
kanilang iaarte at ang natirang miyembro ng
pangkat ang huhula ng salitang may kinalaman sa
paniniwala at tradisyon. Kung sino ang may
pinakamaraming tama ang mananal
Natutuhan ko

Sumulat ng isang maikling talata na tumatalakay


sa isang paniniwala o tradisyon na inyong
natutunan at sabihin ang naging impluwensya nito
sa inyong pang araw-araw na pamumuhay.

You might also like