You are on page 1of 24

PANUNURING

PAMPANITIKAN
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG
SINING PAMPANITIKAN

DANNA MAE M. ALCANTARA


MAED - FILIPINO
Mga Paksa
 Iba;t ibang Pagpapakahulugan sa Panitikan
 Anyo at Uri ng Panitikan
 Panunuring Pampanitikan
 Kahalagahan ng Sining Pampanitikan
IBA’T IBANG
PAGPAPAKAHULUGA
N SA PANITIKAN
May iba’t ibang mga manunulat at mga
dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng
kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang
pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas.
Kabilang sa mga ito sina Jose Arrogante, Zeus
Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, at iba pa.
ang tunay na panitikan ay walang kamatayan
nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya
sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang
mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.

- Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang


Pilipino"
isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay
ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng
isang tao sapamamagitan ng malikhain pamamaraan.

- Jose Arrogante
inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas
na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa
itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang
makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

- Zeus Salazar
nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-
bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa
pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
bathalang lumikha.

- Honorio Azarias
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip,
pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na
nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinghaga at masining na mga
pahayag.

- Maria Ramos
ANYO AT URI NG
PANITIKAN
TULUYAN O PROSA (INGLES: PROSE)

maluwang na pagsasama-sama ng mga


salita sa loob ng pangungusap. Ito ay
nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.
PATULA O PANULAAN (INGLES: POETRY)

pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng


salitang binibilang na pantig sa taludtod na
pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga
salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-
tugma ng mga dulo ng mgataludtod sa isang saknong.
MGA AKDANG TULUYAN
 Alamat Talumpati
 Anekdota Balita
 Nobela Kwentong Bayan
 Pabula
 Parabula
 Maikling Kwento
 Dula
 Sanaysay
 Talambuhay
MGA AKDANG PATULA
Tulang Pasalaysay
Awit, Korido at Kantahin
Epiko
Idyoma
Sawikain, Salawikain, Bugtong
Tanaga
PANUNURING
PAMPANITIKAN
Ang Panunuring Pampanitikan ay isang
malalim na paghimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing
manunulat at katha.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman
sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng
akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding
ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha,
kaya mahalagang siya ay maging matapat.
KAHALAGAHAN NG
SINING
PAMPANITIKAN
Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga
indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.

 Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang


magandang pagtakas sa realidad at
ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan
para sa mga tao.
 Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong
ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil
tintulungan nito ang mga mamamayan nag
bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin
ang kasalukuyang sistema.
 Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa
kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan ang
panitikan upang masalamin ang kultura at
pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan
upang mas maitindihan ito ng mga susunod
na henerasyon.
 Isa itong uri ng mahalagang panlunas na
tumutulong sa mga tao upang makapagplano
ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan
ang kanilang mga suliranin, at upang
maunawaan ang diwa ng kalikasan ng
pagiging makatao.
“Panatilihing buhay
ang ating panitikan sa
isip, sa salita, at sa
gawa”
Salamat sa
pakikinig!

You might also like