You are on page 1of 20

Pagkilala sa Kaganapan ng

Pandiwa: Ganapan at
Kagamitan
Kaganapang Ganapan – bahagi ng
panaguri na nagsasaad ng lugar na
pinangyarihan ng kilos. Nakikilala
ito sa panandang sa.
Halimbawa:

Ang 2016 Summer Olympics ay ginanap sa Rio


de Janeiro, Brazil.

Nagtanim ang mga estudyante sa La Mesa


Ecopark.

Nagtanim sila sa bakanteng lote sa likod-


bahay.
Kaganapang Kagamitan
– bahagi ng panaguri na tumutukoy
sa anumang ginamit upang
maisakatuparan ang isang kilos.
Makikilala ito sa panandang sa
pamamagitan ng o gamit ang
Halimbawa:

Ang matanda ay nagpapatugtog sa


pamamagitan lamang ng dahong hinihipan.

Nagpipinta ang may kapansanan sa


pamamagitan ng kaniyang paa.

Nagsinigang ang kaniyang tita gamit ang


kamias.
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang KG
kung ang pandiwa sa pangungusap ay nasa kaganapang ganapan.
Isulat naman ang KM kung ang pandiwa ay nasa kaganapang
kagamitan

1. Nagbabasa ang walang paningin sa


pamamagitan ng Braille.
2. Ang hayop ay naghahanap ng makakain
gamit ang kaniyang pang-amoy.
3. Ang matatanda ay nag- eehersisyo sa parke.
4. Namili ang mag-anak sa bagong-bukas na
groseri.
5. Ang mag-ina ay nag- uusap sa pamamagitan
ng video chat.
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang KG
kung ang pandiwa sa pangungusap ay nasa kaganapang ganapan.
Isulat naman ang KM kung ang pandiwa ay nasa kaganapang
kagamitan

6. Maliligo ang magkakaibigan sa mainit na


bukal.
7. Mangingisda sila sa lawa.
8. Nagsesenyasan ang magkaibigan sa
pamamagitan ng kanilang mga mata.
9. Ang tubig ay nililinis sa pamamagitan ng
panala.
10. Ang mag-aaral ay magsasaliksik sa
Pambansang Aklatan.
Pabalat
Pahina ng Pamagat
Pahina ng Karapatang Sipi
Paunang Salita
Talaan ng Nilalaman
Katawaan na Aklat
Glosari
Indeks
Pabalat – nagsisilbing
mukha ng aklat.
Gulugod (Spine)
ito ang gilid ng aklat na humahawak sa
mga pahina nito sa pamamagitan ng
pandikit o tahi
Pahina ng Karapatang Sipi – sa bahaging ito
makikita ang taon kung kailan inilimbag
ang aklat gayundin ang pagsasaad ng
tanging karapatan sa awtor at sa
palimbagan upang may mag-ari sa
nilalaman ng aklat.
Talaan ng Nilalaman –
ito ang listahan ng mga
nilalaman o paksang
tatalakayin sa aklat.
Paunang Salita – dito nakalahad ang
mensahe ng awtor para sa kanyang mga
mambabasa. Taglay rin nito ang mga
kapakipakinabang na tip upang higit na
maging mabisa ang paggamit ng aklat.
Aktuwal na Nilalaman
Katawan ng Aklat – ito ang
pinakamahalagang bahagi ng
aklat. Dito mababasa
ang nilalaman ng aklat.
Glosari – dito nakatala ang
mahihirap na salitang
ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito.
Nakaayos ang mga ito
ng paalpabeto.
Bibliograpi
sa akademikong aklat gaya ng
batayang aklat, dito inilalahad ang
lahat ng sangguniang ginamit ng
may-akda upang maisulat ang
aklat.
Indeks – Talaan ng mga
paksang nakaayos nang
paalpabeto at pahina
kung saan ito
matatagpuan.

You might also like