You are on page 1of 20

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG
EPIKO
EPIKO
Ito ay nagmula sa sinaunang salitang
Griyego (Greek) na ἐπικός (epikos),
at ἔπος (epos) na nangangahulugang
"salita", "kuwento", o "tula". Ito ay mga
tulang pasalaysay na naglalarawan sa
buhay at kabayanihan ng isang tao
(partikular sa isang lalaki).
URI NG EPIKO

1. ORAL POETRY -> mga sinaunang


epiko na nabuo lamang sa
pamamagitan ng pagkukuwento
sa iba't ibang tao.
Oral Epic o World Folk Epic 
Ito ay mahahabang tula na iniuuri-uri
(classifying) batay sa haba ng
palabas, konsepto, interes, at
kahalagahan.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
pagsasaulo at pagtanghal nito sa
entablado o sa harap ng maraming
manonood.
URI NG EPIKO
2. EPYLLION -> mas maiikling epiko
kumpara sa Oral Poetry na nakilala
noong Hellenistic Period dahil
sa taglay nitong tema. Bukod sa
kabayanihan ay ipinapakiita rin dito
ang pag-ibig at romansa.
URI AYON KAY DR. MANUEL
MICROEPIC – kumpleto sa sarili, isang
upuan lamang – Lam-ang (llokano)
MACROEPIC- ipinapakita lamang ang
isang tiyak na bahagi, nag-iisang awit, o
kabanata – Tuwaang (Bagobo)
MESOPIC- maraming masalimuot na
insidenteng napapaloob – Labaw
Donggon ( Hiligaynon)
MGA KATANGIAN NG EPIKO
1. Nagsisimula muna sa isang
imbokasyon para kay Muses.
Imbokasyon o panalangin na iniaalay
kay Muses bilang paggalang, si Muses
ay isa sa siyam (9) na anak ni Zeus,
ang pinaka-Diyos ng mga Griyego.
MGA KATANGIAN NG EPIKO

2. Sinusundan ng medias res.


Ang Medias Res ay paraan o estilo
ng pagsusulat kung saan ay nauuna
munang isinasalaysay ang gitnang
bahagi ng kuwento bago ang nakaraan
(flashback). 
MGA KATANGIAN NG EPIKO

3. Ang tagpuan ay
napakalawak,
sumasakop sa maraming
bansa, buong mundo man o
kalawakan.
MGA KATANGIAN NG EPIKO
4. Naglalaman din ng mahabang
listahan na tinatawag na epic
catalogue. Ito ay listahan ng mga
bagay, lugar, o mga tao sa kuwento na
nagpapakilala sa lugar kung saan
ito nagmula o isinulat.
MGA KATANGIAN NG EPIKO

5. Nagsisimula rin
sa paglalahad ng
tema ng epiko.
MGA KATANGIAN NG EPIKO
6. Ang mga pangalan ay sinasamahan
ng paggamit ng mga epithet. Ang
epithet ay mga pang-uri o salitang
naglalarawan na ikinakabit sa
pangalan ng tauhan o sa isang bagay.
Halimbawa: "rosy-fingered dawn“,
"wine-dark sea" at mighty Achilles mula
sa akda ni Homer.
MGA KATANGIAN NG EPIKO

7. Naglalaman din ng
mahahaba at pormal na
mga talumpati o kawikaan
mula sa mga tauhan.
MGA KATANGIAN NG EPIKO
8. Nagpapakita ng
pangingibabaw ng
kapangyarihan ng mga
Diyos o Diyosa
sa mga tao.
MGA KATANGIAN NG EPIKO

9. Nagpapakilala ng mga
bayaning tunay na
nagpapahalaga o modelo sa
sibilisasyon.
MGA KATANGIAN NG EPIKO

10. Kadalasan ding


nagpapakita ng pagbaba
ng pagkatao ng isang
bayani mula sa matayog
na katayuan nito.
IBA PANG MGA KATANGIAN
• Pag-alis ng pangunahing tauhan sa tahanan
• Pagtataglay ng agimat o anting-anting
• Paghahanap sa isang minamahal
• Pakikipaglaban o pakikidigma
• Bathalang pipigil sa digmaan
• Pagbubunyag na ang kalaban ay kadugo
• Pagkamatay ng bayani
• Pagkabuhay na muli
• Pagbabalik sa sariling bayan
• Pag-asawa ng bayani
A. Ano-ano ang sinasalamin
ng mga epikong ito sa bawat
pangkat o rehiyon kung saan
ito nagmula o naisulat?
B. Paano ba makatutulong
sa iyo at sa iyong mga
karehiyon ang pag-aaral
ng epiko?
PAGTATANGHAL
BIDASARI
HINILAWOD
IBALON
HUDHUD NI ALIGUYON
TUWAANG

You might also like