You are on page 1of 16

PAG-IBIG

Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng mga


salitang nasa loob ng panaklong sa bawat bilang.

(ibinugyag) 1. Sa pamamagitan ng mga nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal


ay isiniwalat niya ang mga pang-aaping ginawa ng
mga Espanyol sa mga Pilipino

(pagsinta) 2. Buong pagkasing inialay ni Bonifacio ang kanyang


paglilingkod sa Inang Bayan.
(taglay) 3. Ang ating mga bayani ay handang mag-alay ng kanilang
iwing buhay para sa ating bansa.

(ibinayad) 4. Dugo’t pawis ang ginugol ng ating mga bayani makamit


lamang ang inaasam na kalayaan

(hamak) 5. Isang abang kalagayan ang alisan ka ng kalayaan at karapatan


sa iyong sariling bayan.
(pagmamahal) 6. Walang hanggang pag-irog ang ipinamalas ng ating mga
bayani para sa ating Inang Bayan.

(nakamit) 7. Matinding hirap at pasakit ang tinamo ng ating mga ninuno sa


kamay ng mga mapang-aping dayuhan.

(malagot) 8. Hanggang ang ating hininga ay mapatid ay patuloy nating ialay


ang ating lakas at talino para sa ating bayan.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
ni: Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ito'y ang iang bayang tinubuan,


Siya'y ina't tangi sa kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanang ng araw
Na nagbigay-init sa buong katawan.
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!


Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala't inaasa-asam
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa bayan
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na't ibangon ang naabang bayan!

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak


Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
Ng bala-balaki't makapal na hirap,
muling manariaw't sa baya'y lumiyag.
Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
Ito'y kapalaran at tunay na langit!
Sagutin Natin!

1. Ano ang tinutukoy ni Andres Bonifacio na pinakadakila at


pinakadalisay ng pag-ibig? Ipaliwanag.

2. Ayon kay Bonifacio, ano-ano ang mahahalagang bagay na maaaring


maihandong ng isang taong may wagas na pagmamahal sa bayan?
3. Alin ang tinutukoy niyang dapat pag-alayan ng buong pagsinta o
pagmamahal kahit ang kapalit nito ay mismong sariling buhay?

4. Magbanggit ng mga linya sa tula na nagpapamalas ng kilos ng


dakilang pagmamahal sa Inang Bayan. Ano ang nais ipahiwatig nito?
5. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng saknong na ito?

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
6. Sa iyong palagay, ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas nang
isinulat ni Andres Bonifacio ang tula?

7. Paano ipinahayag ng may-akda ang kanyang emosyon o damdamin sa


kanyang isinulat na tula?

8. Sa iyong palagay, may mga Pilipino pa kaya sa kasalukuyan na


makapag-aalay ng kanilang iwing buhay para sa bayan? Patunayan.
9. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking
pagbabago ang mga gintong aral na iyong natutuhan sa araling ito?

You might also like