You are on page 1of 23

PANANALIKSIK

INIHANDA NI : MA.REAZEL S.B. NIEVA


ANO ANG PANANALIKSIK?

• Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang


problema o hadlang sa buhay ng isang suliranin na nanailangan na
bigyan ng solusyon.
• Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
KAHULUGAN AYON SA IBA’T IBANG MGA
AWTOR
• Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng
impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at
kalalagyan ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
• Aquina, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong
paghahanap at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak
na paksa o suliranin
• Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o
datos para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
• Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay
mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
• E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng mga walang
katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang kontroladong kalagayan para
mahulaan at makapaliwanag.
• Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanila, ito naman ay isang sistematiko at siyentipikong
pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos, pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan
nga isang datos o impormasyon na nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa
mga limitadong kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
• Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado, panigurado sa
obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa inaakalang relasyon sa mga natural na
pangyayari.
URI / DISENYO NG
PANANALIKSIK
DISENYO NG PANANALIKSIK

• Ito ay pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik upang pagsama- 


samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na 
paraan.
• Kadalasang naglalaman ng paraan ng pangongolekta, presentasyon, at pagsusuri ng
datos.
• Ayon sa Business Dictionary (2011), ito ay ang detalyadong balangkas kung paano
isasagawa ang imbestigasyon.
• Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong
gagamitin ng mananaliksik. 
• Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa mahahalagang
tanong ng pananaliksik. 
• Ang pangangalap ng impormasyon na tutugon sa suliranin ng pananaliksik ay
nangangailangan ng pagtitiyak ng uri ng ebidensiya at impormasyon upang subukin ang
mga teorya, tasahin ang programa, kaya’y ilarawan ang ugnayan ng mga kalahok sa
pananaliksik.
ANO ANG KAHALAGAHAN NG SULIRANIN SA
DISENYO NG PANANALIKSIK?
• Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailalatag nang maayos ng isang
  mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit
  nito ang mga sumusunod:
        -Matutukoy nang malinaw    ang   suliranin   ng   pananaliksik   at mapapangatuwiranan
ang pagkakapili nito;
        -Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag- aaral na
may kinalaman sa paksa at suliranin ng ginagawang pananaliksik;
        -Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa
  pag- aaral;
-Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa
  pagsubok ng mga haypotesis at maipapaliwanag kung paanong
makakalap
 ang mga datos na ito; at
-Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang
  alamin kung tama o mali ang mga haypotesis.
MGA DISENYO NG
PANANALIKSIK
K WAN T I TAT I B O

• Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at


empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong
panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik
na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon. Kadalasang
ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan
sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring
estadistikal.
K WALI TAT I B O

• Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri


ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali
at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang
disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao
ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan
nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at
ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.
ACTION RESEARCH

• Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na


kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan
ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang
pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya ang
mananaliksik kung paanong makapagbibigay ng makabuluhang
rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon kung
nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
HISTORIKAL

• Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang


pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng mga
kongklusyon hinggil sa nakaraan. Batay sa mga datos at ebidensya,
pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari
ang mga bagay-bagay. At ang pinagdaanang proseso kung paanong ang
nakaraan ay naging kasalukuyan.
K O M PA R AT I B O

• Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng


anomang konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na
gamitin sa mga cross-national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo
upang mailatag ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga
lipunan, kultura at institusyon.
N O R MAT I V E ST U DY

• Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong normative


dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman, naiiba ang
disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito, kundi
nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay
sa mga tanggap na modelo o pamantayan.
ETNOGRAPIK ONG P A G- A A R A L

• Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na


nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang
komunindad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa
pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan
dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga,
pangangailangan, wika, kultura, at iba pa.
E K S PLO RAT O R I

• Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-


aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito
ay upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na
maaring magbigaydaan sa mas malawak at komprehensibong
pananaliksik.
D E S K R I PT I B O

• Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang


ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano, kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa
ng pag-aaral. Hindi ito makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat
naglalarawan lamang ito ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng
pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.
MGA URI NG
PANANALIKSIK
EMPERIKAL O MALA-SIYENTIPIKO

• Ang uri ng pananaliksik ns ito’y nangangailangan ng matinding


pagsusuri malawakang paghahanap ng mga ibedensya at mga
makatotohanang datos.
• Kinakailangan sa pag-aaral na ito na nailalarawan
,nasusukat,naihahambing at natutuos ang kabuuan ng pananaliksik
upang Makita ang relasyon ng haypotesis sa panukalang tesis na isang
trabahong siyentipiko.
APLAYD RISERTS

• Sa pananaliksik na ito’y gumagamit ng sopistikasyon ,sapagkat


gumagamit ito ng kalkulasyon at estatistika.karaniwang ito’y bunga ng
madaliang pagsasagawa ayon sa hinihinging panahon.
PURE RESEARCH

• Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang


isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan.Maaari naman itong gawin
ayon sa hilig ng mananaliksik.

You might also like