You are on page 1of 8

EPEKTO NG DIGMAAN

Sa mga
sibilyan

Isinulit kay: Ginoong. Christian Mark A. Ayala


Isinulit ni : Katerina O. Altamira
D I G M AA N S A K A S A L U K U YA N
Noon pa man ay naging malupit na ang digmaan. Malaon na nitong
winawasak ang buhay ng mga sundalo at malaon na nitong
pinahihirapan ang mga sibilyan. Ngunit nitong nakaraang mga taon,
nagpalit na ng mukha ang digmaan. Sa anong paraan?

Ang mga digmaan sa ngayon ay halos pawang mga digmaang sibil—


mga digmaan sa pagitan ng magkakalabang pangkat ng mga
mamamayan ng iisang bansa. At ang mga digmaang sibil ay
kadalasan nang mas tumatagal, nag-iiwan ng mas masasaklap na
karanasan sa mga mamamayan, at mas nagwawasak ng mga bansa
kaysa sa mga digmaan sa pagitan ng mga bansa. “Ang mga digmaang
sibil ay malulupit, madudugong pagkilos ng militar na nagiging
dahilan ng pagkamatay ng libu-libo, seksuwal na panghahalay,
Julián
puwersahang pagpapalayas at, sa pinakasukdulan, paglipol sa isang Casanova
partikular na grupo ng mga tao,” ang sabi ng Kastilang istoryador na
si Julián Casanova. Sa katunayan, kapag ang kalupitan ay nagmula sa
magkakaratig na grupo, mangangailangan ng maraming siglo bago
maghilom ang mga sugat nito.
MGA SANHI AT BUNGA NG
DIGMAAN

SANHI Bunga
• pagkakapootan sa lipi at • trauma na muling maulit
tribo ang mga pangyayari
• pagkakaiba-iba ng relihiyon • pagkasira ng kalusugan
• • pagkalungkot o
kawalang-katarungan
depression dulot ng
• magulong pulitika pagkahiwalay sa kanilang
• kasakiman mga pamilya
EPEKTO NG DIGMAAN SA MGA SIBILYAN

Sa mga digmaang sibil na walang


matataas na uring sandata ngunit
malulupit pa rin, 90 porsiyento ng mga
namamatay ay mga sibilyan sa halip
na mga kalaban. “Maliwanag na sa
parami nang paraming kaso, ang mga
bata mismo ang target, hindi
aksidenteng napapatay, sa armadong
labanan,” ang sabi ni Graça Machel,
ang United Nations Secretary-
General’s Expert on the Impact of
Armed Conflicts on Children.
EPEKTO NG DIGMAAN SA MGA BATA
Kitang-kita ang kalupitan ng digmaang sibil sa nagiging epekto nito
sa mga bata. Noong nakalipas na dekada, mahigit na dalawang
milyong bata ang namatay sa labanang sibil, ayon sa United
Nations High Commissioner for Refugees. Anim na milyon pa ang
nasugatan. Parami nang paraming bata ang sinasanay bilang mga
sundalo. Ang sabi ng isang batang sundalo: “Sinanay nila ako.
Binigyan nila ako ng baril. Gumamit ako ng droga. Pumatay ako ng
mga sibilyan. Napakarami. Digmaan lang naman ito . Sumusunod
lang naman ako sa utos. Alam kong masama ito. Hindi ko ito
gusto.”

Maraming bata sa mga bansang laging may digmaang sibil ang


lumalaki nang hindi man lamang nakatitikim ng kapayapaan.
Nabubuhay sila sa isang daigdig kung saan wasak ang mga paaralan
at ang pag-uusap ay dinaraan sa dulo ng mga baril.
IBA PANG EPEKTO NG DIGMAAN

Gutom at sakit ang kasunod ng digmaan. Ang digmaang


sibil ay nangangahulugang kaunting pananim lamang ang
maitatanim at aanihin, iilang pagamutan lamang ang
bukás kung mayroon man, at kaunting tulong lamang
mula sa ibang bansa ang makararating sa mga
nangangailangan. Ibinunyag ng isang pag-aaral sa isang
digmaang sibil sa Aprika na 20 porsiyento ng mga nasawi
ay namatay sa sakit at 78 porsiyento naman ay sa gutom.
Dalawang porsiyento lamang ang tuwirang namatay sa
labanan.
Sa katamtaman, sa bawat 22 minuto ay may napuputulan
ng kamay o paa o namamatay dahil sa nakatapak ng
nakatanim na bomba. Tinatayang 60 milyon hanggang 70
milyong nakatanim na bomba ang nakakalat sa mahigit
na 60 bansa.
“Napakarami nang namamatay . . . Wala ka
nang maririnig na awit ng mga ibon, kundi
mga hikbi ng mga batang nag-iiyakan dahil sa
pagkamatay ng kanilang nanay o tatay, o ng
isang kapatid.”

You might also like