You are on page 1of 30

YUNIT 2

Aralin 1
PAGKAKAMALI KO,
ITUTUWID KO
Inihanda ni:
Daisy A. Valdivia
Paete Elementary School
Paete, Laguna
Layunin:
Naisasagawa nang mapanuri ang
tunay na kahulugan ng
papakikipag-kapwa
Day 1
Alamin Natin
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa
pagpasok sa paaralan.Masayang-
masaya siya sapagkat natapos
niya ang kaniyang proyektong
parol. Katulong niya ang kanyang
buong pamilya sa paggawa nito.
Habang bitbit niya ang parol ay
nasagi siya ng isang batang
nakikipaghabulan sa kaklase nito,
dahilan upang mapahagis ang
bitbit na parol ni Carla at nasira
ito.
Halos umiyak na si Carla sapagkat
mahuhuli na siya sa kaniyang klase
at nasira pa angkaniyang proyektong
parol.
“naku,paano na yan, wala na
akong ipapasa kay Ma’am,” himutok
ni Carla.
“Pasensya na, hindi kita napansin
kasi naghahabulan kami,” paumanhin
ng nakasaging bata.
Tutulungan na lamang kitang
mabuo ulit ang parol,” wika ng
batang nakasagi
Pumayag naman si Carla
at magkasama silang
nagpaliwanag sa guro kung
bakit nasira ang parol.
Nang araw ding iyon ay
magkatulong na ang
dalawang bata sa pagbuo ng
parol ni Carla. Magkasama
nila itong ipinasa sa guro at
naging magkaibigan pa
silang dalawa.
Pag-usapan Natin:
1. Isalaysay ang nagyari habang
naglalakad si Carla patungo
sa kaniyang silid-aralan.
2. Tama ba ang ginawang
paghingi ng paumanhin ng
batang nakasagi
3. Kung ikaw si Carla,ano ang
sasabihin mo sa nakasagi sa
iyo?
4. Paano itinuwid ng batang nakasagi ang
kaniyang pagkakamali?Tama ba ang
kaniyang ginawa?
5. Sa iyong palagay,ano pa ang ibang
paraan upang maituwid ang nagawang
pagkakamali?
Day 2
Isagawa
Natin
Gawain 1
Pag-aralan ang tsart. Piliin sa
unang hanay ang isa sa apat na
kapuwa na nagawan mo ng
pagkakamali o nasaktan. Sa
ikalang hanay ay isulat mo kung
ano ang pagkakamaling nagaa.
Sa ikatlong hanay naman ay
isulaat mo kung paano mo
itinuwid ang pagkakamaling
nagawa mo. Gawin ito sa iyong
kaderno
Mga Taong Nasaktan o Pagkakamaling nagawa sa Paraan ng pagtutuwid sa
nagawan ko ng kapuwa naging pagkakamali
pagkakamali
1. Kapamilya
A
B
C
2.Kaibigan
A
B
C
3 Kaklase
A
B
C
4Kalaro
A
B
C
Gawin 2
Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat.
Pumili ng lider at taga-ulat
2. Mula sa iyong sagot sa
Gawain 1.pagsamahin ang
magkakaparehong sagot.
Isulat ito sa metacard at ilagay
sa paskilan na inihanda ng
guro.
Sagutin ang mga Tanong:
1. Ayon sa inyong mga sagot sa unang
hanay,sino ang mas madalas na nagagawan ng
pagkakamali?
2. Alin sa mga ito ang pare-parehong
pagkakamali na madalas na nagagawa/
3. Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid
sa pagkakamali na ginawa mula sa mga sagot
ng bawat pangkat? Ipaliwanag.
Day 3
Isapuso Natin
Alin sa sumusunod na salita o pangkat
ng mga salita ang ginamit ninyo sa mga
unang gawain na nagpapakita ng
paghingi ng paumanhin? Gumuhit ng
bituin sa inyong kwaderno at isulat sa
loob nito ang napili mong mga salita
Bahala!
Sorry
Hindi ko sinasadya
Patawad.
Buti nga sa iyo.
Excuse me.
Patawarin mo ako.
Wala akong pakialam!
Pasensya ka na.
Ikinalulungkot ko ang
nangyari.
Ikaw kasi!
Di ko kasalanan yun!
Pasensya na po.Hindi ko na
po uulitin.
1.Pumili ng isang salita
mula sa sinulat mo sa loob
ng bitin at sabihin kug
kailan mo ito huling
ginamit.Ipaliwanag kung
bakit mo ito napili.
2. Sa iyong kwaderno,
gumuhitmka ng puso.Isulat
mo sa loob ng puso ang
iyong naramdaman nang
ginamit mo ang katagang
ito sa pagtutuwid ng iyong
pagkakamali.
Tandaan Natin
Sinasabing normal lang sa isang tao ang
magkamali. Subalit ang pahayag na ito ay
hindi natin dapat abusuhin,nararapat itong
gawing panuntunan upang maiwasan ang
pagkakamali at makasakit ng damdamin ng
ating kapuwa.
Ang paghingi ng paumanhin ay isang
positibong kaugalian na dapat maksanayan
ng isang bata. Dapat ding isapuso at
isabuhay ang mga natutuhan sa
pagkakamaling nagawa upang maiwasang
Makasakit ng kapuwa at hindi na maulit pa.
Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay
hindi kahinaan kundi tanda ito ng pagiging
mahinahon at maunawain sa damdamin ng
kapuwa. Nakikita ang katatagan ng isang tao
sa pagharap niya sa naging bunga ng kaniyang
mga nagawa. Mahalagang timbangin muna
ang idudulot na mabuti o hindi mabuti bago
gumawa ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo
na kilala sa pangalang Confucius ang nagsabi
na “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang
ayaw mong gawin sa iyo.”
Makasakit ng kapuwa at hindi na maulit pa.
Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay
hindi kahinaan kundi tanda ito ng pagiging
mahinahon at maunawain sa damdamin ng
kapuwa. Nakikita ang katatagan ng isang tao
sa pagharap niya sa naging bunga ng kaniyang
mga nagawa. Mahalagang timbangin muna
ang idudulot na mabuti o hindi mabuti bago
gumawa ng desisyon. Isang Tsinong Pilosopo
na kilala sa pangalang Confucius ang nagsabi
na “Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang
ayaw mong gawin sa iyo.”
Day 4
Isabuhay Natin
Pagnilayan Mo
Alam o na dapat iwasang makasakit ng
damdamin ng ating kapuwa. Ngayong
Buwan ng Wika ay may paligsahan ang
Departamento ng Filipino sa paggawa ng
Greeting Card.
Bilang pakikiisa sa gawaing ito,bawat
isa ay gagawa ng isang card ng
paumanhin para sa nagawan ng
pagkakamali. Gamitin ang husay mo sa
pagiging malikhain. Isult sa loob ng card
ang mga nagawa mong pagkakamali sa
Kaniya at ang paghingi mo ng tawad at
paumanhin. Ibigay ang ginawa mong card
sa kaniya.Maaari ring mag-email
kungnanaisin.
Iulat sa klase kung ano ang naging
reaksyon ng taong binigyan mo ng card
ng paumanhin. Nakatulong ba ito supang
maituwid mo ang iyong nagawang
pagkakamali? Bukod sa pagbibigay ng
card at sulat, ano pa sa palagay mo ang
pwedeng gawin upang maituwid ang
pagkakamaling nagawa sa kapwa?
Day 5
Subukin Natin
Suriin ang sumusunod na pangungusap.
Lagyan ng tsek (/) ang iyong
pinaniniwalaan na sagot. Gawin ito sa
iyong sagutang papel:
Palagi Paminsan Hindi ko
-minsan Ginagawa
1. Humihingi ako ng
tawad kapag nagkakamali
ako
2.Nakagagawa ako ng
pagkakamali sa aking
kapuwa kahit hindi ko
sinasadya.
Palagi Paminsan Hindi ko
-minsan Ginagawa
3. Nagpapatawad ako sa
taong nagkasala sa akin.
4. Ginagamit ko ang
salitang sorry nang bukal
sa aking kalooban.
5. Inaayos ko agad ang
tampuhan naming
magkaibigan.
Palagi Paminsan Hindi ko
-minsan Ginagawa
6. Tinatanggap ko ang
aking pagkakamali at
hinaharap ang bunga ng
aking ginawa.
7.Itinutuwid ko ang aking
pagkakamali sa
pamamagitan ng pag-
amin sa aking nagawang
kasalanan.
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan Ginagawa
8. Iniiwasan kong
makasakit ng aking
kapuwa.
9. Kinakausap ko ang isang
tao kahit may nagawa
siyang kamalian sa akain.
10. Humihingi ako ng
paumanhin sa aking
kaklase kahit hindi ko
sinasadya ang aking
pagkakamali.
Suriin ang iyong mga sagot at
kompletuhin ang mga pangungusap na
nasa ibaba.

May mga bagay na paminsan-minsan


ko lang ginagawa dahil _______. Para sa
mga bagay na hindi ko pa nagagawa, ako
ay ___________. Ipagpapatuloy ko ang
palagi kong ginagawa sapagkat
____________.
Binabati kita!! Ngayon ay handa
ka na para sa susunod na aralin.

You might also like